ʙᴀʟᴀɴɢ ᴀʀᴀᴡ🌹

41 1 0
                                    

Balang araw

balang araw,
balang araw ay mapapasakin ka din.

balang araw ay mapapansin mo din ang tulad ko na sayo lang nakatingin.

balang araw ay sabay lalaban,
tatawirin ang malalim na karagatan.

ako ang magiging sandalan at ika'y iingatan,
magkahawak ang kamay habang tumatakbo sa kulay luntiang damuhan.

pero hanggang balang araw nalang ako,
dahil wala naman akong pag-asa sayo.

gusto kang sungkitin at halubugin ang mga alala na kailan may di na babalik pa,
dahil kaibigan kita na kailan may di ka makukuha.

lahat ng balang araw ko ay para sayo,
pero lahat ng balang araw mo ay nasa ibang tao.

para kang saranggola na nililipad ng hangin papunta saakin tuwing ako ay hihiling.

Pero bigla namang nililipad ng hangin sa iba,
tuwing sila ay hihingi upang sumaya.

bakit ba di mo pinagdadamot ang kasiyahan sa iba,
pero pag ako ang humingi ng kasiyahan bat di mo magawa.

bat di mo man lang mabigay,
ay tama kaibigan lang pala ako sa paningin mo.

hinihiling ko na sana di nalang tayo magkakilala dahil kahit magkakilala tayo para lang naman akong hangin na bumubulong sayo.

balang araw ay pagsisihan mo ang di pagpansin sa tulad kung kaibigan mo na gusto na maging kasintahan mo.

pagsisisihan mo ang lahat na iyong binitawan ang pinaka mahalagang tao na kahit kailan ay nandito lang para sayo at pasayahin ka at patawahin ka na sobra pa libo.

aaminin ko pangarap lang kita na mapasakin ka dahil magkaibigan lang tayong dalawa.

kaya paalam na aking sinta,balang araw ay di na tayo magkikita.

ᏢᎪᎡᎪ ᎢᎾ ᏚᎪ ᎷᏩᎪ ᎻᎪNᏩᏩᎪNᏩ ᏴᎪᏞᎪNᏩ ᎪᎡᎪᏔ ᏞᎪNᏩ ᏚᎪ KᎪNYᎪNᏩ KᎪᏆᏴᏆᏩᎪN,Ꮎ ᎻᎪNᏩᏩᎪNᏩ ᏢᎪNᏩᎪᎡᎪᏢ ᏞᎪNᏩ ᏚᎪ KᎪᏆᏴᏆᏩᎪN NYᎪ..

ᴡᴀʟᴀ ᴘᴏ ᴀᴋᴏɴɢ ᴘɪɴᴀɢᴅᴀᴅᴀᴀɴᴀɴ sᴀᴅʏᴀɴɢ ʏᴜɴ ʟᴀɴɢ ᴀɴɢ ʟᴀᴍᴀɴ ɴɢ ᴀᴋɪɴɢ ɪsɪᴘᴀɴ.

-🌹

Poetry🌹→ »2k18«←Where stories live. Discover now