Author's Note: This is a work of fiction. Names, characters, places, events, incidents and businesses are either part of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental*
King Felix Pov
"Uwaaaaahhhhhh!!!!!!!!" Iyak ng isang sanggol ang pumalibot sa kaharian ng Enchantsia
"Mahal na hari eto na po ang inyong anak na babae" Napatingin ako sa nagpaanak sa aking asawa nang nagsalita ito. Hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi. Pakiramdam ko tuloy ito ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko.
"Mahal ko gising na andito na ang ating anak" paggising ko sa aking asawa
"Ummmmm" ungol ng aking asawa na kakagising lamang
"Saan na siya Felix?" Walang pagdadalawang isip kong pinakita sakanya ang anak namin
"Anong ipapangalan natin sa kanya?" Tanong ko
"Ang ipapangalan natin sa kanya ay Leia - Leia Andromeda Legazpi Gonzaga"
Ngunit mukhang lahat talaga ng bahay ay may kapalit. Biglang mayroong pasabog na narinig namin kasabay ng pagpasok ng isa sa aming mga kawal
"Mahal na hari nilusob po tayo ng mga dark users" hingal na sabi ng aming kawal
"Magsihanda na kayo!" Sigaw ko. Agad napuno ng kaba ang aking sistema. Hindi ko inaasahan ang paglusob nila.
Paulit-ulit na lang itong nangyayari. Ilang nakatakdang prinsesa na ang lumipas sa nakatakdang panahon ngunit wala ni isa ang nagtagumpay para itigil ang paulit-ulit na propesiya.
Nilingon ko ang aking mag-ina. Parang may kung anong sumuntok sa dibdib ko. This day's supposed to be special but it turned out into something else. Ang alam ko lang ay anak ko ang panibagong itinakdang prinsesa ngunit hindi ko inakalang may mangyayaring ganito.
"Mahal ko itakas mo na ang anak natin dahil mapanganib na dito" kitang kita ko ang takot at gulat sa mga mata ng aking asawa
"Pero hindi kita iiwan tutulong ako dito responsibilidad ko bilang reyna na ipagtanggol ang ating kaharian" napahilot ako sa aking sentido dahil sa sinabi ni Leiandra. Para na akong mababaliw kaiisip dito!
"Leiandra wag na makulit bilis!" Hindi ko mapigilang itaas ang boses ko.
"Calyus! Prepare all forces. Secure all directions and make sure to utilize the things needed for offense and defense" ibinaling ko ang atensyon ko sa heneral na nasa harapan ko. Tumango ito at agad na umalis.
Kami nalang ng asawa ko ang naiwan sa silid. Halata pa rin ang pagod sa mukha niya. Hinanda ko na ang mga gamit nila at binigyan siya ng enerhiya ko para mabigyan uli siya ng lakas.
"Leiandra let's go. Sasamahan ka ni Aldea papunta sa gubat. Dumiretso na kayo sa mortal world at doon na muna kayo hanggang sa matapos ito" rinig na rinig ko ang hikbi ni Leiandra. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko at mas binilisan pa ang pagkilos.
Queen Leiandra's Pov
Patuloy pa rin sa pagtulo ang aking luha habang tumatakbo papunta sa kagubatan, kasama si Aldea, na isang madirigma. Hinihingal na ako pero pinili kong magpatuloy.
Tumalsik ako at si Aldea nang may lumipad na atake sa kinaroroonan namin. Mabuti nalang at mahigpit ang kapit ko sa anak ko.
"Earth Wall!" Gumawa ng harang si Aldea at humarap saakin. Nakaramdam ako ng kaba. Palipat lipat ang paningin ko sa aking anak at kay Leia. Alam kong may magagawa ako ngunit heto ako ngayon at mukhang tanga.
"Sphere of Light!" Gamit ang isang kamay ko ay mas pinalakasan ko ang harang sa harapan namin. Ilang minuto rin ang tinagal nun. Patalikod kaming tumakbo ni Aldea ngunit napaluhod ako dahil sa biglaang panghihina. Hindi pa rin buo ang lakas ko't ramdam ko ang dugong tumutulo mula sa ilong ko.
"Mahal na reyna, ako na po ang bahala rito. Itigil niyo na ho iyan at nanghihina na kayo. Tumakbo na po kayo!" Ani Aldea. Nagdalawang isip pa ako kung iiwan ko ba siya rito.
Sa huli rin ay tumakbo na lamang ako dahil nakarinig ako muli ng pasabog. Ngunit di pa man ako nakakalayo ay narinig ko ang sigaw ni Aldea. Umiiling ako habang tumatakbo, pinipigilan ang sarili na lumingon. Sigurado akong hihinto ako kapag ginawa ko iyon. Kailangan kong unahin si Leia.
Kailangan niyang mabuhay. Anak ko ang nasa propesiya. Nakaabot ako sa huling parte ng gubat at agad na tiningnan ang bawat parte roon.
Kailangan ko paring bumalik sa kaharian. Kailangan kong tumulong doon. Hindi ako mapapakali kapag mananatili ako rito kahit alam kong may magagawa ako.
Napatingin ako sa anak ko at agad na tumulo ang luha ko doon. Ito lang ang tanging paraan.
"Patawad anak ito lang ang magiging alam ko na paraan, patawad" umiiyak kong sabi at gumawa ng portal patungong mortal word at pinasok si Leia doon. Sinigurado kong nasa ligtas na lugar siya bago umalis at bumalik sa Enchantsia.
'Sa palad ni Goddess Lissandra, Leia. Magkikita rin tayo'
Patawad, anak ko....
BINABASA MO ANG
Reality Academy: The long lost mysterious princess
FantasyMadaming posibleng mangyari sa isang araw, maaaring mawalan ka ng kaibigan, magkamali at ang pinakamasakit, mawalan ng magulang. Her day turned into a nightmare. Mysteries were revealed and her loved one died. She became the woman they described her...