Chapter 50- Realize

1.5K 43 0
                                    

UNEDITED





Third Persons Pov

"Dark Aces!" Tumalsik si Leia dahil sa napakalakas na atake ni Shawn, hindi niya inaakalang malalamon ng kadiliman ang pagkatao ni Shawn, hindi niya inaasahang makakaya siyang masaktan ng minamahal

"Agh! Stop it Shawn this is not you!" Tiningnan lamang ni Shawn-or should I say Ace ng malalim, matiim, at malamig na titig si Leia. Hindi mapigilang makaramdam ng lungkot at sakit si Leia, kahit na alam niyang hindi si Shawn ang kumokontrol sa mga sarili niyang gawa.

"Eternal Wall of Darkness!" Patuloy na pinagtutulungan nina Sandro at Ace si Leia. Isinalag ni Leia ang kanilang atake gamit ang kanyang kapangayarihan, mabuti nalang at di masyadong ginamit ni Leia ang kanyang enerhiya sa mga nagdaang kalaban kundi talagang manghihina siya ngayon.

Sa dako naman ng mga elememtalists ay patuloy pa rin sila sa pakikipaglaban sa mga dark users. Hindi na gaano karami ang mga kalaban ngayon hindi gaya kanina. Kayang kaya na nilang talunin ang mga dark users kung hindi lang dumating sina Sandro at Ace.

"Shit.... Guys! Si Leia kailangan niya ng tulong!" Agad agad sumigaw si Nathan nang namataan niya si Leia na tumalsik mula sa atake ni Ace

'I wont let you down Leia, I'll protect you no matter what happens' paulit ulit na sinasabi ni Nathan ang mga katagang iyon sa kanyang isipan. Gustong gusto niyang protektahan ang kanyang mga kaibigan, pamilya..... at si Leia

May narealize bigla si Nathan sa panahong iyon. Hindi niya alam kung makokompleto pa ba sila sa pagkakataong iyon, ang alam lang niya ay gusto niyang makasama si Leia pagkatapos ng digmaan, pero alam niyang imposibleng mangyari iyon.

"Raging Fire!"
"Weathering Light!"
"Ground Breaker!"
"Tide Riser!"
"Lightning Sunburst!"
"Flowing Tornado!"
Kanya kanyang sigaw ng atake ang mga elementalists, kitang kita sa malayo ang patuloy na paglalim sa mga kulay ng mga mata nila. Pula kay Nathan, asul kay Wave, berde kay Vince, dilaw kay Hazel, violet kay Thunder, at gray kina Cyclone at Wendy.

Napangiti ng palihim si Leia nang nakita niyang tinutulungan siya ng kanyang mga kaibigan. Kung akala ni Sandro ay siya lang ang may alas pwes meron din si Leia, may mga kaibigan siyang handang tumulong sakanya, kung akala ni Sandro ay siya lang ang lumakas, pwes pati rin mismo sina Hazel ay lumakas rin, binigyan sila ng kanilang kanya kanyang God and Goddesses ng taglay na lakas para mas lalong lumakas ang kanilang mga kapangyarihan.

At dahil lumakas nga sina Hazel ay tumalsik sina Sandro sa kanilang kinatatayuan matapos nilang pakawalan ang atakeng iyon.

Matapos tumayo ni Sandro ay pumalakpak ito at may ngisi sa labi
"Now this is challenging" humalakhak pa ng parang demonyo at umatake rin pabalik

"Dark Curse!" Pinakawalan ni Sandro ang atake kaya't malapit na silang matamaan lahat, mabuti nalang at isinalag iyon ni Leia gamit ang kanyang magix

'Nathan whats the plan?' Kanya kanya silang tanong kay Nathan dahil mukhang nagiisip na ito ng plano

'Hazel and I will help Leia, the rest just continue attacking Sandro' nagsitanguan silang lahat sa sinabing plano ni Nathan. Pumwesto naman silang lahat at hinanda ang mga sarili para sa susunod na atake ni Sandro at Ace para sakanila

Nagkatinginan ang dalawang magkapatid, sina Sandro at Ace, at tila bang naguusap sila sa kanilang mga mata. Napansin iyon ni Vince kaya't patuloy siya sa pagmanman sakanila. Naisip na ni Vince na parang may mali sakanilang dalawa. Alam niyang sa sarili niya na hindi ganito ang kanilang kaibigan. Magkaibang magkaiba sina Shawn at Ace, magkaisang tao pero magkaibang ugali.

Reality Academy: The long lost mysterious princessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon