Chapter 58- Name

1.4K 36 2
                                    


Leia's Pov

Nang kinabukasan ay agad kong nadatnan si Nathan at si Nathan na nageensayo. Malamang sa malamang nakakalito pakinggan ang pangalan nito. Masyado pang maaga pero kita ko sa mga mata nito na determinado ang mga mata nito.

It didn't took long enough bago nagkasundo si Nate at Nathan (oh ayan na ha, para naman di na kayo malito) Napatunayan kong hindi lang ito sa pangalan magkapareho kundi pati na rin sa ugali. They act and think the same. Buti nalang at hindi na pagdating sa mukha. Dahil kung titingnan pa lang eh mahahalata mong kay Shawn ito nagmana.

"Na-uh I won't let you win Tito Nathan!" May namumuong itim na apoy sa mga kamay nito. Agad nitong idinirekta ang atake kay Nathan. Tumilapon si Nathan at kita ko sa kalayuan ang pagngiti ni Nathan dito kahit na tumilapon pa ito. Mas parati na itong ngumingiti kung ikokompara ko noon.

"Oi, and daya mo ah! Diba sabi ko pisikal na laban ito?"  Tumawa si Nate sa sinabi ni Nathan. Hmm, playing dirty? Tsk tsk I wont tolerate this.

"Okayyy. Break time!" Tumingin ito saakin na may dalang tray na may lamang tsokolate, kape at apat na pirasong sandwich. The servants wanted to carry it but I insisted.

Oo nga pala. Shawn isn't here, dahil may meeting ito kasama ang iba pang hari, which includes Vince, Cyclone and Thunder. Hindi pa kasama si Nathan dahil hindi pa naman legal ang pagiging hari niya. And as for Sandro and Papa (King Dark) hindi na ito royalties, it was part of their punishment, ok lang naman daw ito sa kanila.

"Mom! Did you see that? Natalo ko si Tito Nathan. Weak" pabulong na ang pagsabi nito sa huling parte ngunit narinig parin namin ito.

"Really? Natalo mo?" Pinasingkit ko ang mga mata ko at tiningnan si Nate ng nakataas ang kilay. Ngumiwi ito at halatang may ayaw sabihin.

"I saw you cheat. Its not good Nate, Im not tolerating it. Learn how to play by the rules" Para sa kanya eh kasiyahan lang iyon but for me it wasn't. Kailangan kong disiplinahin ito habang bata pa. They say big things started with smaller ones. Kaya baka pag lumaki ito eh madadala nito ito.

"I'm sorry" nakayuko nitong sabi. Bumuntong hininga ako bago ko ito kinausap muli "Im not mad Nate Im just telling you what is right. Ok?" Iginulo ko ang buhok nito para pagaanin ang loob. Ngumiti naman ito agad.

"Kape gusto mo?" I offered Nathan a coffee at tinanggap naman nito ito. Umupo kami sa may lamesa banda at patuloy sa pagusap.

Di rin nagtagal ay umalis si Nate sa pagkakaupo at sinalubong ang mga kaibigan niya. Wala namang pasok ngayon kaya pumunta ang mga kaibigan nito sa palasyo. Kung kaya't naiwan kaming dalawa ni Nathan sa lamesa.

"So...." pambungad ko sakanya "So?" Balik na tanong nito saakin.

"I want to meet the girl Nathan" diretsuhan kong sabi. Tumawa naman ito sa sinabi ko. Tss, hindi pa rin talaga ako sanay na parati na itong tumatawa at ngumingiti.

"Haha grabe ka naman kung maka 'meet the girl' para namang girlfriend ko o ano" tumaas ang kilay ko sa sinabi nito. Hmm, wala naman akong sinabi ah

"Hindi nga ba?" I caught him off guard. Huminto ito sa kakatawa, I knew it!

"You won't just stop asking questions if I wont answer you, will you?" Nginitian ko ito at tumango. Umiling naman ito dahil sa inakto ko.

"That girl. She's different Leia. She's not like the others that would definitely do everything just to get my attention. Nung nagising nga ako eh sinungitan lang ako. Hindi naman sa gusto kong titilian niya ako, pero yun kasi ang nakasanayan ko. Day by day, nandoon siya parati para alagaan ako. Nung bumalik na ang lakas ko, she was very happy, that was the first time I see her smile" I was amazed about how he describe the girl kita ko ang saya sa mga mata niya. Hindi ko manlang namalayan na nakikingiti na rin pala ako.

"Alam kong nagtataka ka kung bakit na ako palangiti at palatawa ngayon. Siguro nasanay na ako, its because I always want to give her a reason to smile everyday. I dont know why, but its like my subconscious telling me to do those things. I came to figure out everything. I remembered doing those things to you before. Then I know from that day, I love her" Kitang-kita ko ang kislap sa mga mata ni Nathan. Oh my gosh! I need to meet this girl! He's so smitten!

"The thing is, as years go by we've fallen in love. Hulog na hulog kami sa isa't isa. You were asking me last time if I have a child, I didn't answer you then but now, yes, I have a child, a girl to be exact. She's a blessing from above. Kaedad niya nga si Terrence eh (A/n: yan po yung bunsong anak nina Wendy na lalaki, remember Chapter 53?) We named her Freya Saffire. So, I guess that answered your questions" Ngayon, mas desidido na talaga akong makilala ang babaeng iyon, especially his daughter! I cant wait to see them both! Bukas na bukas ipapahanap ko na agad sila.

"Nope not yet Nathan, what's her name?" Tumawa ito

"Hindi ka talaga titigil eh noh. Her name is Katerina Maldania. Just like you, she once lived in the mortal world, but then she came to know about our world. She came 2 weeks before the war, hoping that she can convince her mother to walk away and live in the mortal world. Ngunit hindi, nanatiling matapat ang nanay nito saatin at ginustong makisama na protektahan ang ating mundo. She didn't have any other choice but to help as well, ngunit sa huli ay nawala pa rin sa piling niya ang kaniyang nanay. Good thing she understands that me and Sandro are related. I told everything I know about her. Buti nalang at busilak ang puso nito at marunong magpatawad. Just like me, we moved on from the past. We held a secret wedding for the both of us to make everything legal. She controlled the one assigned doing the papers not to tell others. Kaya naman walang nakaalam" Pagtatapos nito sa sinabi.

"Last na talaga toh. What's her magix and where does she live?"

"She's a mind controller, a strong one to be specific. As of now kasama niya ang anak namin at nakatira malapit sa Elemental forest. Sinadya naming doon tumuloy dahil nga nagtatago pa kami noon. But now, I promised myself that I'll let her live here, in the castle, with me" He became a better man all these years. Wala akong iba pang masabi, I was speechless. Ibang-iba na ito kaysa dati but in a good way. I decided to hug him, dahil masyado akong nadala sa mga sinabi nito

"Just keep loving them Nathan. I tell you, you'll be a great father and a husband" ani ko habang nakayakap sakanya. Laking gulat nalang namin nang may narinig kaming sumigaw

"Langhiya! Sandali lang akong nawala tapos nadatnan ko na kayong magkayakap!" Si Shawn! Natapos na pala ang meeting nito.

Agad itong nakalapit saamin at agad niyang hinapit ang beywang ko. Tss just like what he always do when he got jealous.

"Nathan. Explain" matalim ang titig nito. Ngunit tawa lang ang naging sagot namin ni Nathan

"We were just talki-" hindi ako pinatapos ni Shawn dahil sabi niyang gusto niya daw kay Nathan manggaling.

"Naguusap lang kami tungkol sa pamilya ko" diretsong sagot nito. Nanlaki ang mata ni Shawn sa sagot ni Nathan. I rolled my eyes at his reaction, ayan kasi selos agad

"What the?! May pamilya ka na?! Ipakilala mo agad bukas na bukas" hmm, actually I changed my mind.

"Bakit pa ba ipapaabot bukas kung pwede naman na ngayon" I looked at them for approval at agad naman silang tumango.

Iiihhh!!! This is going to be fun! I cant wait!

---------------------------------

Reality Academy: The long lost mysterious princessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon