My Dearest Teacher //

2.1K 16 3
                                    

Dedicated to Mrs. Pusung. <3 

It's my first time to make a poem, so don't expect too much. :))

Hm, ano pa ba? Ginawa ko ito nung teacher's day, required kami gumawa ee. :)) 

Kaso hindi naman napili yung gawa ko, kaya ilalagay ko nalang dito, sayang naman e. :D

Tagalog to ah. :P English lang talaga yung title. Hehehehe!

__________________________________________________________

EMMA GARCIA PUSUNG


Siya’y pangalawang ina

Kung ituring naming siya

Laging pagdidisiplina

Sa twina’y taglay niya

 

Kung ihahambing mo siya

Parang librong binabasa

Sa bawat salita niya

Merong matututuhan ka

 

S’ya ay may maamong mukha

Simpleng damit meron siya

Pati ang pananalita

Iyan ang tunay n’yang ganda

 

Hatid ay ligaya’t tuwa

Pag-aalaga’t kalinga

Sa ami’y pinadarama

Kayat hindi malimot s’ya


Patnubay galing sa Ama

Dasal ko para sa kan’ya

Buhay niya’y maging payapa

Ay aking pagpapanata

 

Habaan pa ang buhay n’ya

Ng kami ay magsama pa

Ang mahal naming maestro

Gabayan at tulungan pa

 

Sa Santa Eskolastika

Miss G ang palayaw niya

Ngayon ay may asawa na

Misis P, tawag sa kan’ya

 

Tuwing  siya ay nakikita

Laging siyang naka tawa

Siya ang aming maestra

Emma ang pangalan niya

Short Stories and Poem (Oneshots)Where stories live. Discover now