Prologue

3 0 1
                                    

The following is a work of fiction. Any resemblance to persons living or dead is purely coincidental.




Ano ba ang tadhana?

Naniniwala ka ba sa tadhana?

Aware ka ba sa maaaring gawin nito?

Aware ka ba sa kaya niyang gawin?

Alam niyo ba na ang tadhana o destiny ay maraming kahulugan. May mababaw man o malalim na interpretasyon, iisa lang ang tinutumbok nito.

Ang tadhana ang may hawak sa buhay ng tao at sa hinaharap nito. May kakayahan ito na hindi kayang kontrolin ng tao. Sadyang kahanga-hanga ang tadhana.

Kahanga-hanga't nakakatuwa. Pero minsan nakakainis at nakakagalit naman ito. May kalokohan at sadyang mapagbiro. Maaari kang masaktan sa mga biro niyo pero lingid sa iyong kaalaman na pagsubok niya lang pala ito. Yung tipong pag-tri-tripan ka niya sa una pero biglang magkakaroon ng plot twist sa huli. Plot twist na hindi mo inaasahan.

Maraming kalokohan ang tadhana. Likas yan na pilyo. Baka sa susunod sa sobrang pagka-pilyo nito pati aso't pusa mapaglapit niya at magkatuluyan, baka sa kalabaw, kuneho sa daga, tigre sa leon, atbp.

Pero dahil pilyo ito, kaya niyang mapag-laruan at mapag-tripan ang dalawang taong nagkapalit ng kaluluwa (hindi literal) o ang dalawang taong naligaw at nagbubulagbulagan lamang sa kung ano talaga sila.

Destiny has a Power

Destiny is Playful

Destiny is Mischievous



Mischievous DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon