Chapter One

6 0 0
                                    

LISA

"Sorry po"

"Sorry po ulit"

"Ay, sorry po"

Kaya naman ako sorry ng sorry dahil may mga tao akong nabubunggo sa sobrang pamamadali ko sa pagtakbo. Tang-ina!late nanaman kasi ako!Trackers nanaman ang P.E.G ko. Siguradong lagot nanaman ako sa terror na prof namin.

After 1 minute narating ko na rin ang gate ng school na pinapasukan ko.

"Late ka nanaman Mis Manoban kalapit-lapit ng bahay niyo eh" sabi sa akin nung guwardya namin

"Please papasukin niyo na po ako Manong Jun, promise po di na ako mag-papalate next time pleaseee" pagmamakaawa ko sa kanya, nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.

Sa totoo lang, ka-close ko naman tong si Manong Jun eh. Kaya walang problema.

"Sus may pa-next time next time ka pa na nalalaman eh lagi ka ngang laye eh...sige na! dalian mo, ipagdasal mo nalang na wala po yung propesor niyo ng 1st period ay naku baka kapag naabutan mo na siyang naroon na sa klase niyo eh parusahan ka nanaman niya, ako'y kinakabahan sa iyo ineng baka mamaya pag-solvin ka nanaman niya ng pagkarami-raming equation sa board o kaya patakbuhin ka niya paikot sa oval" mahabang sabi niya

Alam na alam niya yung mga parusa sa akin kapag late ako. Kinukwento ko kasi sa kanya. Saka kapag natapos ikwento nagtatawa siya. Eh pano naman daw, nakikita niya rin daw yung sarili niya sa akin noong nag-aaral siya ng high-school. Suki rin daw siya ng gate dahil sa kakupadan saka napaparusahan siya ng dahil dun.

Eh buti nga siya suki lang ng gate. Eh ako!suki na nga lang ng gate, suki pa ng guidance at principal's office. Kaya kung pwede lang lumayo kayo sa akin at baka mapahamak kayo. Iba ako! IBA!

"Sige po Manong Jun, babay na po" paalam ko sa kanya at saka tumakbo na ako papalayo.

Third Person P.O.V

"Good morning class!"

"Good morning Sir!"

"Okay, I'm checking for your attendance, kapag wala or late automatically ABSENT sa klase ko" ani nito

Kinakabahan naman si Jennie sa bestfriend niya. Tingin siya ng tingin sa labas ng pintuan at baka sakaling makahabol ito. Mas lalo pa siyang kinabahan dahil nag-iba na ng rules and regulations ng mga ABSENT ang terror na 1st period prof nila na si Mr.Sinichi

"Kinginang tomboy yun! late nanaman amp*t@!" inis na bulong ni Jennie

Nagsimula nang mag-check ang kanilang Prof.... Hanggang sa nakaabot na ito Kay Jennie.

"Kim Jennie" tawag ng professor

"Present Sir!" sagot naman nito

"Manoban Lisa"

-_- (walang nasagot)

"Manoban Lisa" tawag ulit ng prof

"S-sir baka la-

Hindi na naituloy ni Jennie magsalita dahil inunahan niya siya nito.

"LATE NANAMAN!KAY-LAPIT LAPIT NG BAHAY!I WILL MARK HER ABSENT IN MY CLASS TODAY " inis na sabi nito habamg nakakunot ang noo

Wala nang nagawa si Jennie para pagtakpan ang bestfriend . Terror si Mr.Sinichi at mahirap mag-dahilan.

Meanwhile, nakalimutan ni Lisa na i-submit yung ki-nompose niya. So instead na maka-rating agad sa room nila nag-iba sa siya ng landas. Tumungo siya sa Music Club at ibinigay sa Coach nila ang ginawa niyang kanta. Pero natagalan siya dahil pinerform niya pa ito with instrument. Kaya nang matapos niya ito, nagmamadali siyang tumakbo papunta sa kanilang room.

"Okay class may-i-a-announce ako so better shut up your mouth and zip it!" seryosong sabi ng ni Mr.Sinichi kaya napatahimik ang buong klase

"We have a transferee, pakisamahan niyo siya at magbigay kayo ng konting respeto hah! yung mga bully at tarantado diyan pinapalampas ko ang mga kagaguhan niyo pero...NOT THIS TIME!" tila nagpaparinig na wika nito at tila'y nakaramdam naman ng takot ang buong klase

"Okay, Mr.Yoon pwede ka na pumasok then introduce yourself para mas makilala ka nila" wika ni Mr.Sinichi

"Hi I'm Yoon Jeonghan, 17 years of age and I'm from S-

"GOOD MORNING SIR I'M SORRY I'M LATE" biglang putol sa transferee ng boyish na babae na bigla nalang lumitaw sa tapat ng pintuan

Halatang hingal na hingal ito.

"Puro ka si SORRY! eh lagi ka namang late palagi, Ms.Manoban you're a student remember? Eh bakit kung makaasta ka parang di ka estudyante at parang di ka nag-aaral, hah!? Ikaw ba ang may-ari ng school na toh para umasta ka ng ganyan!?" galit na wika ni Mr.Sinichi

"Sir excuse me lang po hah...Oo estudyante po ako nasa sarili ko na po kung bakit ako umaasta ng ganito...pinaglihi nga po siguro ako sa pagong kaya ganto ako kakupad...and Sir buti nga kayo problema niyo lang pagiging late ko eh ako problema ko lahat!" paliwanag nito

"Ayan, diyan ka magaling,sa nonsense na pagdadahilan at kapilosopohan! isama mo na rin ang pagiging bastos mo sa pagsagot sa guro mo!" galit na galit na wika ni Mr.Sinichi

Poker-face lang si Lisa. Mukhang sanay na siya dito. Samantala yung mga classmates niya naman eh lihim na nagbubulungan, yung iba lihim na nagtatawa at nakangiti dahil lagi nilang inaabangan ang favorite scene na ito , saka yung transferee naman eh speechless sa mga kaganapan. Nakatayo lang ito na parang estatwa sa harapan.

"Nga pala, I want you to know that I changed the rules and regulation in my class lalo na sa mga pagong na tulad mo....I will mark as absent sa klase ko ang mga laging late" taas kilay na sabi nito

"Oh, thanks for informing me Sir" wika ni Lisa na tila nang-aasar pa

"LEAVE!" sigaw nito

"NOW NA SIR?" tanong ni Lisa na halos di lang nagbabago ang ekspresyon sa mukha

"NGAYON DIN!" pasigaw na wika nito

"Okay Sir....ay nga pala Sir yung mga tinatanong mo sa akin kanina i-search mo nalang sa GOOGLE" nag-aasar parin na wika ni Lisa saka niya tinalikuran ang classroom nila at tumungo sa pina-favorite niyang spot. Naiwang naka-nganga ang buong klase samantalang si Sir Sinichi naman ay halos umuusok na ang ilong sa galit.

Sa Rooftop ng lumang 4th year building ng Walrus Academy.

Nagmamadali siyang umakyat sa rito.

"Haizt! I'm back again my favorite rooftop!!!!Lisa in your areaaaaa!!!" pasigaw-sigaw na wika nito

Hindi pa nakontento ito at isinigaw ang mga saloobin niya.

"Mr.Sinichiiiiiii na pinaglihi sa butiki my middle finger salutes you sa kasamaan mooooooooooooooo"

"IKAW YATA ANG NAWAWALANG KAPATID NI SATANASSSSSS OYYYY"

"ANG SARAP MO HAGISAN NG TAE NAMOOOO!!!!"

"BAYOOOOT!!!!"

"PAKYU SAGADDDDDDDDDD"

Sunod-sunod ang pagsigaw nito sa mga salitang tanging siya lang ang nakakarinig. Malayo naman ang lumang building na kinalalagyan niya sa room nila kaya feel free to shout out loud.

"Pinanganak akong malas mamatay akong malas!" wika nito at tila nagtatawa pa at maya-maya'y naglatag ito ng karton na nakita niya kanina sa baba ng building.

"Itutulog ko muna ang kamalasan ko" ani nito sabay pikit ng mata at nag-takip sa mukha ng panyo sa para di masilaw sa liwanag.

Itinulog niya nga lang talaga ang kamalasan na noon niya pa kakambal.

to be continued....

#01Unlucky
#MischievousDestiny

Mischievous DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon