It's been 2 days nung nangyari ang pag-aaway namin ni Tzuyu, ang pagpunta namin sa guidance office, pantri-trip ni Jennie kay Sir Dylan at paglilinis sa abandoned building. Naasar nga ako at di ko na napansin na may plano pa pala akong alamin kung sino at ano talaga yung transferee namin.
Di bale baka bukas mai-sakatuparan na.
Kinaumagahan, este tanghali na pala. POTEK! capital L-A-T-E ! Haha ang saya nanaman netoh!
classroom....
Nag-ti-tip-toe ako habang papasok sa classroom, buti nalang nakatalikod si Sir Sinichi , may sinusulat na mga formulas sa board. Yung mga classmates ko naman eh sobrang naka-focus sila sa sinusulat kaya di nila ako namalayang dumating. Ni wala nga sa kanilang nag-iingay eh.
Maingat ako na umupo sa upuan ko. Bandang likod ang seat ko. Maya-maya nag-discuss na si Sir Sinichi. Kunwari nalang nakikinig ako pero sa totoo lang antok na antok ako kapag Math subject. Sinimulan kong kunin yung hooded jacket ko sa bag ko saka nagsimula na akong matulog.
****
Naalimpungatan ako sa nangangalabit sa ulo ko.Pero potek lang yan! Nakakaistorbo ah!
"Tch naman kasi eh!" inis kong sabi sabay nakita ko sa harapan ko si Jennie, saka iginiya ko yung paningin ko sa paligid. As usual, may kanya-kanyang mundo nanaman.
"Oy bes! Puyat ka?" tanong ni Jennie sabay kagat sa chocolate na na hawak niya
"Hindi naman, sadyang ayoko lang ang Math subject, nakakaantok eh!"
"Hahaha.....oh sya nga pala, ituturo ko na sayo yung tomboy na sinasabi ko sa iyo" ani nito then turo sa 3rd row bandang unahan.Nangunot yung noo ko sa nakita ko. Katabi ito ni Joshua Hong yung crush ni Jennie remember. Hindi ko alam kung bakit ang tagal kong nakatitig dun sa babaeng este tomboy na yun. Kinikilatis kong maigi yung mukha niya.
"Oy! matunaw!" sabi ni Jennie habang nangingiti naman sa itinuturan ko.
"Sure kang lesbo yan Jennie?"
"Oo na hindi"
"Anong sagot yan?"
"Hindi ko alam, malay ko ba. Di ko pa naman yan naririnig na nagsalita eh!"
"So boses yung basehan mo para malaman mo?"
"Yup!"
"Aish! bakit boses lang? dapat pati looks, kilos at saka aura" paliwanag ko kay Jennie sabay ibinalik ko na yung tingin ko dun sa tomboy na yun.
Para ngang tomboy siya. Pero may nagsasabi sa isip ko na hindi. I'm confused right now. Nakakalito yung sexual preference niya. Anong klaseng nilalang to?
"Haizt! di bale mamaya ko nalang gabi aalamin and that's final!" sabi ko kay Jennie sabay tayo'. Lumayas na ako ng room, umuwi na rin ako. Di na rin ako papasok ng hapon, wala talaga akong balak pumasok.
BINABASA MO ANG
Mischievous Destiny
HumorAno ba ang tadhana? Naniniwala ka ba sa tadhana? Aware ka ba sa maaaring gawin nito? Aware ka ba sa kaya niyang gawin? Alam niyo ba na ang tadhana o destiny ay maraming kahulugan. Mababaw man o malalim na interpretasyon, iisa lang ang tinutumbok nit...