Chapter 6 -Badtrip-

11 0 0
                                    

THIS IS ORIGINAL♥

Chapter 6

Aalis na ngayon si Joseffine mula sa bahay nila, este mansion. Siya lang mag isa ngayong papasok dahil nauna na si Madam Lorna, may aasikasuhin pa kasi ito kaya mas maaga itong pumasok kaysa kay Joseffine, Maglalakad lang naman siya ngayon because of yun naman ang lagi niyang ginagawa, malapit lang naman ang bahay nila sa Building na pinamumunuan niya, kabilang street lang then yun na kaagad, kapag may nakakasalubong naman siyang ibang tao ay minsan nag ha-hi sa kanya o di naman kaya tinitignan lang siya, kundi masama ay maayos na tingin lamang, siya naman diretsong tingin lang kung saan siya papunta

 Dahil sa inis ni Joseffine napatigil siya sa gilid, magulo pa rin kasi ang bag niya, kahit anong ayos niya magulo pa rin, sino ba naman 'di maiinis kung ganon ang sitwasyon mo? -_-_-_- napaupo na siya at saka inayos ang kanyang bag, ilang hakbang na lang malapit na siya sa Company. naiinis na siya kaya inayos niya na doon ang kanyang gamit, ngayon lang ito nagulo ng ganto kaya naman husto ang pagkainis ni Joseffine dito

 "Tss, ang sarap naman itapon ng bag na 'to. Panira ng panibagong araw!" Inis na saad ni Joseffine

 Makalipas ang tatlong minuto. Wow bilang na bilang talaga ah. Pagkalipas ng tatlong minuto, naayos na ni Joseffine ang bag niyang sinalanta ng napakalakas ng bagyo (wow, malakas talaga?) nakahinga na siya ng malalim at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Wala nang gan'ong naglalakad sa paligid, kaunting tao na lamang at panay sasakyan ang marami sa paligid. Maya maya ay napansin ni Joseffine na may pumapaligid sa kanya na apat na lalaki na naka itim dahilan para kabahan siya

 Nang Maramdaman niyang may sumusunod sa kanya, huminto siya ngunit di muna siya lumingon, pumikit siya at lumingon ng mabilis, paglingon niya wala naman siyang makita pero mabilis lang talaga magtago ang dalawang lalaking sumusunod sa kanya. ang nakikita lang ni Joseffine ay may isang lalaki at babaeng bumibili sa tindahan at dalawang lalaking nakatambay at ang mag inang naglalakad din. Naglakad na ulit siya at nararamdaman niya nanaman na may umaaligid sa kanya

 Binilisan niya pa ang paglalakad at unti unti niya na talaga nakikita ang mga lalaking sumusunod sa kanya. Lumingon ulit siya tapos nakita niya na ang dalawang lalaking kanina pa sumusunod sa kanya, "Lord, sana walang masamang mangyari sa akin!" tanging naisabi ni Joseffine sa sarili

 Naglalakad na tumatakbo na siya, hanggang sa tumakbo na siya, hindi na nagpatumpik tumpik pa ang dalawang lalaki, tumakbo na rin ito na hinahabol si Joseffine, nakasimangot na siya, tumatakbo siya at nakita niyang may skinita si gilid, pumasok siya rito at tumakbo, lumingon siya at nakita niyang sinusundan pa rin siya ng mga ito. kinakabahan ng husto si Joseffine dahil may humahabol sa kanya at wala pang tao sa eskinitang pinasukan niya. napahinto na lang siya dahil wala na siyang tatakbuhan, dead end na! lumingon siya, nakita niyang papalapit na ang dalawang lalaki

  "tsk! badtrip naman tong mga kumag na to! Lord, help me please!" tanging nasabi niya

  Nang nandun na rin ang dalawang kumag, tinapon na nila ang yosi nila at nagngitian pa. kumag nga naman, ang mga suot nila ay jacket na black, oack talon, cup na black at naka sapatos pero di black. nakatingin ang dalawa kay joseffine at ganun din naman kay joseffine ngunit ang kay joseffine ay masamang tingin, ang sa kumag na stalker niya ay parang may masamang balak kung makatingin

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Life Without You -Ongoing Series-Where stories live. Discover now