Chapter 3 -Annoying Day-

19 0 0
                                    

THIS STORY  IS ORIGINAL♥

Chapter 3

Pagkatapos mag usap ni Madam Lorna at Joseffine ay bumalik na si Madam sa Kanyang Office at si Joseffine naman umalis sandali sa kanyang Office, sinarado naman niya ang pinto nito at nilock para walang makapasok

  Gusto lang maglibot ni Joseffine para makapagrelax at para na rin makita niya kung ano ang ginagawa ng mga tauhan sa kumpanyang pinamumunuan niya, naboboring na rin kasi siya sa Office Room niya, ganyan lang ang pagrelax niya, libutin ang kanyang kumpanya

  "Hi Ma'am"

 "Hi Miss Gamelon!"

 "Hello po Boss."

 "Magandang tanghali po ma'am!"

  Sunod sunod may bumati kay Joseffine habang naglalakad siya at nginingitian niya naman ito, ang pagbati sa kanya ay isang paggalang dahil siya ang namumuno, Napahinto siya sandali sa may gilid, Tinitignan niya ang park na nasa tabi lang ng kanilang kumpanya

  Nalala niya ang pangyayari nung bata pa siya, dinala siya ni Madam Lorna sa park na tinitignan niya ngayon, kasin tanda lang ng mga magulang niya noon hanggang ngayon, Dinala siya diyaan

*Flashback

 "Joseffine hija, gusto mo bang maglaro tayo?" Tanong ng Madam kay Joseffine habang nakahiga lamang si Joseffine

 "Sino po ba ang mga tunay na magulang ko?" Tanong ni Joseffine

 Lumapit si Madam at hinawakan sa kamay si Joseffine, "Hay nako nak, bata ka pa andami mo nang pinoproblema, Laro na lang tayo sa park." 

 "Sige po." Masayang sabi ni Joseffine, naligo na muna siya, pinaliguan siya nito para presko, Pitong taon pa lamang si Joseffine at grade 1 pa lang siya, tuwing may activity tungkol sa mga magulang, palaging si Madam lorna ang dumadalo para kay Joseffine

  Pagkatapos maligo ni Joseffine, agad silang umalis sa bahay nila, malaki ang bahay nila at laging tinatanong ni Joseffine sa madam kung saan galing ang perang pinambili o pinanggawa dito, lagi na lang nagtatanong si Joseffine ngunit hindi siya sinasagot at laging iniiba ang usapan

  Habang naglalakad sila ay tinignan ni Madam ang mga mata ni Joseffine, nakangiti man ito ngunit nakikita niya ang lungkot nito mula sa mga mata, sandamakmak na katanungang hindi naisasagot ang makikita sa mata ni Joseffine

  

  Pagdating nila sa Park sa tabi ng Building ay namangha si Joseffine sa nakita at tumingin pa siya kay madam na nakatingin din sa kanya, napanganga pa si Joseffine at bigla biglang tumakbo sa Duyan, ang mga nandoon lang ay ang mga slide, Seasaw, duyan at monkey bar, Nakita ni Madam na tumatawa at sobrang tuwa si Joseffine naluha siya bigla, pinunasan naman niya kaagad ng hawak niyang Tissue

A Life Without You -Ongoing Series-Donde viven las historias. Descúbrelo ahora