KANINA pa nakatihaya sa kama si Erica. Nakatitig siya sa kisame at walang balak bumangon. May hinala siya sa dahilan ng kaniyang nararamdaman pero ayaw niyang i-entertain. Maling-mali kasi iyon. Hindi siya dapat nakakaramdam ng ganoon. Hinaltak niya ang unan at isinubsob sa mukha niya. "Bakit kasi ako nanonood ng t.v ngayon e." sisi niya sa sarili.
Mula nang makilala niya si Alex ay nakasanayan na niyang magbukas ng telebisyon. Umaasang mapapanood ang mga commercials nito o kaya naman ay interviews nito sa mga news at showbiz programs. Para siyang avid fan na kulang na lang ay gawan niya ito ng scrap book. Kahit kalian ay hindi siya nahilig sa celebrity. Wala siyang hinangaan ng husto na kahit na sino. Pero ngayon...
Natuwa pa siya kagabi nang makita niyang nasa balita na naman ito. Only to be disappointed when she heard the news. Tuloy ang pag-alis nito ng bansa at habambuhay na rin nitong makakasama si Odessa. It was also the first time she saw Odessa. Napakaganda at napaka sexy nito sa TV. Bagay na bagay ang mga ito. Iyon din ang unang pagkakataon na na insecure siya. At hindi niya matanggap na nanlulumo siya. Bagay na napansin din ng tita niya.
"Bakit ganyan ang hitsura mo?" naalala niyang tanong nito.
":Lagi namang ganito ang hitsura ko tita." dahilan niya.
"Erica ha sabihin mong mali ang hinala ko." may panic sa boses na sabi nito.
"Mali ang hinala mo tita." walang buhay na tugon niya
Bumuntong hininga ito at humawak sa noo. "Umuwi ka na nga lang sa inyo."
"May t.v din sa amin tita, may diyaryo, may radyo, may magazine, may –
"Alam ko. Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sayo?" tanong nito.
"Wala naman po akong nakakalimutan sa mga sinasabi ninyo." She assured.
Gusto niya rin iyong sabihin sa sarili niya – na huwag na huwag niyang kakalimutan ang mga paalala nito sa kanya. Pero hindi niya pa rin mapigilang makaramdam ng kakaiba para kay Alex. Kung tutuusin, maliban sa itsura nito ay wala ng kagusto-gusto dito. Lalo na ang ugali nito. Idagdag pa ang matapobreng ina nito. Dahil ba kahit papaano ay naipakita nito sa kanya na may soft spot naman ito? Pero bakit ba siya nagmumukmok ngayon? Parang nalaman lang niyang pinaplano na nitong pakasalan ang kasintahan nito?
"Urgh! I should not be bothered by this." Mabilis siyang bumangon mula sa pagkakahiga. "Dapat nga yata umuwi na muna ako samin." kausap niya sa sarili. Tama, magpapaalam muna siya sa trabaho kahit mga dalawang araw lang. Mabilis siyang bumangon at patakbong bumaba sa sala.
"Tita!" paulit-ulit niya iyong isinigaw habang pababa siya.
"Oy, bakit ka sumisigaw?" tiningala siya ng tita niya at ng kasama nito sa sala na muntik ng maging dahilan ng pagkadulas niya.
"A-anong ginagawa mo dito ng ganito kaaga?" gulat na tanong niya kay Alex. Matamang nakatingin ito sa kanya.
Tumingin ito sa wristwatch bago nagsalita. "It's quarter to twelve."
Bigla siyang may naalala. Hindi pa siya nagsusuklay! Siguradong sobrang gulo ng buhok niya. Baka may muta pa siya. Mabuti na lang hindi siya naglalaway kapag natutulog siya. Bigla siyang nahiya ng masulyapang nakatingin pa rin si Alex sa kanya.
Tumalikod siya at tangkang aakyat ng muling magsalita ang tita niya. "O bakit aakyat ka na naman?"
Nahihiya niya itong hinarap. "E, tita, hindi pa ko nagsusuklay e. Nakakahiya naman."
"As far as I can remember, lagi namang ganyan ang buhok mo. So it doesn't make any difference." singit ni Alex
Malakas na tumawa ang tita niya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha. Anong gusto nitong palabasin? Na laging magulo ang buhok niya? She's supposed to oppose his words pero bakit tila naumid ang dila niya? Bakit parang nasaktan siya na hindi siya maganda sa paningin nito? hindi 'to pwede!
"Umupo ka nga Erica." utos ng tita niya.
Tumalima siya at pumuwesto sa harapan ni Alex. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya rito.
He indolently leaned his back on the sofa and said. "I always go here kahit noong hindi ka pa nakatira dito." bahagyang kumunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya.
Sinulyapan niya ang tita niya na tumango naman. Hindi na siya nagsalita at tiningnan ito. Nakatingin lang din ito sa kanya. Nakakahiya, palagi pala siya nitong nakikitang magulo ang itsura samantalang ang girlfriend nito...
Tumikhim ang tita niya. "Bakit ka ba nagsisigaw ha?" tanong ng tiyahin niya.
Nilipat niya rito ang pansin "Ahm, tita kasi, pwede kaya akong mag leave kahit this weekend lang?" tanong niya.
Kumislap ang mga mata ng tita niya, halatang natuwa sa kanyang sinabi. "Akong bahala basta ba sa inyo ang punta mo."
"Uuwi nga po muna ako para makalanghap ng sariwang hangin at makakita ng mababait na mga tao."
"Where are you going?" singit ni Alex
"Sa Nueva Ecija," she obediently answered.
Lalong kumunot ang noo ni Alex at bumaling sa tiyahin niya. "Tita, is she sick? Parang ang bait yata ng pamangkin mo ngayon."
"Baka nga," sagot ng tita ni Erica na matamang nakatitig sa kanya. Bakit ba parang alam nito ang nararamdaman niya?
"Mabait naman talaga ako," bulong niya
"Is Nueva Ecija far from here?" tanong ni Alex. Tumango siya. "Then I'll go with you."
Umawang ang mga labi niya. Tama ba ang dinig niya? Hindi rin agad nakahuma ang tiyahin niya.
"What are you talking about Zander?" tanong ni Tita Sally.
"I need somewhere to go. Somewhere na hindi matutunton ni Khun mae."
Hindi pa rin makapagsalita si Erica. Nakatitig lang siya rito. Sasama ito sa kanila? Makakasama niya ito ng ilang araw? Pero teka, kaya nga siya uuwi ay para hindi niya ito makita. Pero bakit parang gusto niya ang ideyang iyon?
Nilingon niya ang tita niya. May uncertainty sa mukha nito. "Hindi ko gustong madamay si Erica sa misunderstanding ninyo ng mama mo. Isa pa, hindi magandang tingnan na kasama ka niya dahil may girlfriend ka at malapit na ikasal."
Erica can't help but winced at her aunt's words. Alam niyang mali, pero nahulog na nga yata ang loob niya kay Alex. Siguro, binibigyan siya ng Diyos ng pagkakataong makasama ito bago man lamang ito umalis ng bansa at matali sa ibang babae.
"That will not happen," he assured. "Besides, sasabay lang naman ako pumunta roon. When I'm already there, I'll just check in to a hotel or wherever."
"Walang ganoon doon hijo. Hindi naman kasi iyon tourist spot. Why don't you go to someplace na dinadayo ng mga tao?" pangungumbinsi ng tita niya.
"They will know I'll go there tita," sagot nito.
"Sige na. Sa bahay ka nalang tumuloy," sabi ni Erica bago pa niya mapigilan ang sarili.
Napatingin ang dalawa sa kanya. "Really?" tanong ni Alex.
"Oo. Patawagin na lang natin si tita sa bahay para alam nila mama at papa na may kasama ako pauwi," hindi tumitingin sa tita niyang sagot ni Erica.
"It's settled then. Mag-ayos ka na para makaalis na tayo."
Nanlaki ang mga mata niya. "Ngayon na?"
"Yes. I need to go away bago pa ko matunton ng mga iyon."
"O-okay." Mabilis siyang tumayo. Nasalubong niya ang nagbababalang tingin ng tita niya. Nagsusumamo niya itong tiningnan. Pagbigyan mo na ko tita.
Napailing ito. "Tatawagan ko nga muna ang mama mo," sabi ni tita Sally na para bang sagot nito sa tahimik niyang pakiusap. Napangiti si Erica at mabilis na bumalik sa kwarto.
BINABASA MO ANG
MY DREAM STAR
ChickLitTIMELESS MODELING AGENCY, one of the best talent agencies in the country houses the top stars of the modeling world. This is their story.