Part 14

14.2K 468 9
                                    


"SO?" tanong ni Alex. Umupo pa ito sa tabi niya at tila batang hinihintay na purihin. Another side of him na ngayon niya lang nakita.

Hindi siya nagsalita at muling sumubo ng bistek na niluto nito. Hindi niya naisip na iyon ang iluluto nito. Akala niya kasi pang sosyal lang ang panlasa nito. Pero sabagay, nauubos nga nito ang niluluto ng mama niya.

"Erica."

"Ngumiti siya. "Sarap! Paano mo naman natutunang iluto ito. Akala ko suki ka lang ng mga restaurant e."

Ngumiti ito at tila nakahinga ng maluwag. Itinukod nito ang mga braso sa lamesa at pinanood siya sa pagkain. "Dinala ako ni Tita Sally sa isang Filipino Restaurant, nasarapan ako kaya tinanong ko sa kanya. Tinuruan niya ko."

"Hmm.." tumango tango siya.muli siyang tumusok ng bistek "Kain ka." alok niya rito.

Umiling ito. "Sige lang. teka, mas masarap yan sa rice." Tumayo ito. Pinigilan niya ito.

"Huwag na. magluluto din si mama mamaya. Kakain na naman ako. Tataba na talaga ako niyan e."

Muli itong umupo. "I told you it doesn't matter kung mataba ka o hindi."

"Sinasabi mo lang yan kasi hindi pa ko mataba." nailing na sagot niya. Napabaling siya sa bukana ng kusina, nakatayo roon ang mama niya.

"Ma, sorry pinakielaman naming ang kusina mo."

"Ayos lang. ikaw talaga. Alex hijo, pwede mo bang tulungan sandali si Ramon? May kalabaw kasing nakasira sa bakod sa may gilid ng bahay?" baling nito kay Alex.

"Sure tita." Tumayo ito nagkatinginan silang dalawa bago ito tuluyang lumabas ng kusina.

Tumabi sa kanya ang mama niya. May kipkip itong diyaryo. "bago yan ma?" tanong niya

Hindi ito nagsalita. Binuklat nito iyon at inilapag sa harap niya. natigilan siya. Society page iyon at sa pahinang iyon ay ang malaking larawan ni Alex at Odessa. Ayon sa caption ay larawan iyon noong welcome party ng babae. Ang headline ay patungkol sa pag-alis ni Alex ng bansa at ang pagpapakasal nito kay Odessa. Hindi rin siya nakaimik.

"Sana man lang sinabi mo sa amin ng papa mo ang totoo." Sa wakas ay sabi ng mama niya.

"Totoo naman ang lahat ng mga sinabi ko sa inyo mama." Dahilan niya. totoo naman iyon.

Bumuntong hininga ito. "Wala lang. akala kasi naming ng papa mo.. pero kasi kahit sinong makakita sa inyo iisipin na may namamagitan sa inyo e. Proud na proud pa naman ang papa mo habang nagkukwento sa mga kapitbahay na nakakilala ka na ng matinong lalaking makakasama mo habang buhay. Ayan nga o pinatulong siya sa pag-aayos ng bakod. Pero sigurado ako dinidisplay niya lang si Alex."

Bigla siyang nalungkot. Nakalimutan na nga niya na aalis din si Alex at magpapakasal pa sa isang napakagandang babae. "Ang assuming naman kasi ni Papa." tanging nasabi niya. kunwa'y hindi iyon big deal para sa kanya. Ayaw niya kasing mag-alala ang mama niya.

"Alam mo naman iyon, matagal na gustong magkaanak ng lalaki. At mabait namang bata si Alex. Pero anak, aminin mo, mahal mo siya no."

Hindi niya alam kung sasagutin niya ang tanong nito. Sa huli ay pinili niyang maging honest sa kanyang ina. Tumango siya.

"Alam mo, pakiramdam ko naman gusto ka din niya anak."

"Ma, tama ka man o hindi,wala rin naming magbabago. Matutuloy pa rin yang nakasulat dyan sa diyaryo." mahinang sabi niya.

"Bakit hindi mo siya tanungin, malay mo magdesisyon siyang huwag umalis at mag-pakasal diyan sa kung sino man yan."

"Imposible naman yang sinasabi mo ma."

MY DREAM STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon