"AT last, you're back."
Napailing si Zander sa bungad na iyon ng kanyang ina.dapat yata hindi muna siya umuwi. Pero wala naman siyang maisip na ibang puntahan pagkatapos niyang ihatid si Erica sa bahay ni Tita Sally.
Hindi talaga umalis ng unit niya ang kanyang ina. Hindi niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy na pumasok sa silid niya. Bago pa niya iyon maisara ay nakita na niya itong nakasunod. Pabalabag niyang inihagis ang bag na dala sa kama.
"Madaming reporter ang gusto kang kausapin tungkol sa pag-alis mo." anito.
He sighed. No how are you's but straight to the point business. O well, that's his mother. But now that he got fresh air ay kahit papaano naman ay nawala na ang galit niya rito. Being with Erica's parents made him realize that his mother is a very important person in his life. Kahit wala itong inatupag kung hindi ang manipulahin ang buhay niya.
"What will you really gain if I become very famous Khun mae?" tanong niya rito.
Natigilan ito. "Marami." Pagkuwa'y sagot nito.
"Like what?"
Itinaas nito ang noo. "Fame, respect, wealth." Sagot nito.
"Is that what you really want? Hindi pa ba sapat sa inyo ang kung anong mayroon tayo ngayon?"
Her looks became defiant. "No. And this is the end of this conversation."
Napailing siya. "Those things that you said, it's not important to me. There are things more important that fame Khun mae." he calmly said.
"Ano na naman bang nangyayari sa iyo Alexander? Saan ka ba nagpunta at nagkakaganyan ka? I don't recognize you anymore." manghang tanong nito.
Napailing siya. "You don't really know me khun mae. In fact I don't know myself either. But that was before. Now, I know who I am. I know what I want."
"Why are you saying weird things now?" naguguluhang tanong nito.
Sinalubong niya ang tingin nito. Gusto niyang maging malinaw dito ang lahat. Alam niyang maliit lang na porsiyento ang tsyansang mayroon siya, but he wish he can change her mind. "Because I found something far far more important than fame Khun mae. I found happiness. " he said quietly,
BALIK trabaho na naman si Erica. Mukhang na-miss siya ng mga tao sa Timeless dahil sa tambak na trabahong ibinigay ng mga ito sa kanya. Bukod sa mga dapat tawagan at papeles na i-fafile ay siya din ang pinag-assist ng mga ito sa vtr ng araw na iyon. Ayos lang naman sa kanya. Nag-eenjoy kasi siyang makipag usap sa mga aspiring models.at kung siya lang ang masusunod ay tatanggapin niya silang lahat kaso nga hindi pwede.
Tanghali na ng lumabas siya sa silid kung saan ginaganap ang vtr. Madami-dami ng tao sa agency. Papalabas siya upang bumili ng kape ng makasalubong niya si Alex. Nagkatinginan sila. Napabagal tuloy ang paglakad niya hanggang sa tuluyan na siyang napahinto sa paglakad. Huminto ito sa harapan niya. Bigla siyang nailang. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan nang hindi magtataka ang mga tao sa paligid nila.
"Hi." bati nito
"Hello." sagot niya. Muli silang nagkatinginan pagkuwa'y sabay na mahinang natawa. "Para tayong ewan." komento niya.
"Yeah." Tumitig na naman ito sa kanya.
"Alex..."
"What?"
"Nakatingin sila satin." aniya. Nakikita niya sa peripheral vision niya ang mga matang nagtatakang nakatingin sa kanila.
Nagkibit balikat ito. "Let them be."
BINABASA MO ANG
MY DREAM STAR
Chick-LitTIMELESS MODELING AGENCY, one of the best talent agencies in the country houses the top stars of the modeling world. This is their story.