Part 11

14.7K 502 14
                                    

Tumigil sa pag function ang isip ni Erica sa biglang tanong ni Alex. "Anong sabi mo?"

"Kung liligawan kita ngayon, sasagutin mo ba ako?"

Ang loko, inulit nga! Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Tiningnan niya ito. Deretso itong nakatingin sa kanya na para bang seryoso ito sa tanong nito. Pero alam niyang hinahamon lang nito ang paniniwala niya. He's not seriously asking him that for sure.

Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi no." Pilit niyang binalewala ang biglang pagbilis ng pintig ng puso niya. Mabuti na lang at madilim. Kung hindi siguradong mapapansin nito ang reaksyon niya sa tanong nito.

Ilang segundo bago sumagot si Alex. "See, it's not true."

"Noong panahon nga lang nila effective iyon. Kulit," pabulong na sagot ni Erica. "At as if naman marunong kang manligaw," dugtong niya.

Hindi ito sumagot. Maya-maya naramdaman niyang tumayo ito. Tiningala niya si Alex. Medyo nagrereflect ang liwanag ng buwan sa salamin nito sa mata. Matikas ang pagkakatayo nito. Kahit madilim, mukha pa rin itong ang Demigod na una niyang nakita.

"It's late. Matulog na tayo," sabi ng binata bago tumalikod at tuluyang pumasok sa bahay. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa hindi na niya ito makita. Sa isang iglap lang ay naging distant na naman ang pakitungo nito sa kanya. Nalalabuan talaga si Erica sa ugali nito. Pero kahit gaano naman niya makita ang negative side nito ay hindi naman iyon nakakabawas sa pogi points nito sa kanya. Malabo din talaga siya.

Imbes na sundin niya ang sinabi nito ay niyakap niya ang mga tuhod niya at isinubsob ang mukha roon. Mariin siyang pumikit at bumuntong hininga. "Mahal ko na nga yata siya."

"YOU always say you're poor. Walang mahirap na anak nang ganito kalawak na lupain," Zander said in amazement. Dinala siya ni Erica at ng mga magulang nito sa Pontejos mango farm – ang ekta-ektaryang manggahan na pag-aari ng mga ito. Hitik na hitik sa bunga ang mga puno. May mga tauhan pang abala sa pagkuha ng mga bunga. Napailing siya. Palagi talaga siyang ginugulat ni Erica.

"Meron no. Ako." sagot nito at mabilis na nagpatiuna sa paglakad. Halos tumatakbo na nga ito.

"Pasensya ka na dyan sa anak namin. Kahit kami naguguluhan sa mga sinasabi at ginagawa niya." ani ama nito sabay tapik sa balikat niya. Kagabi, ininsist nitong tawagin niya itong Tito Ramon.

Inakay naman siya ni tita Felicia – ang ina ni Erica upang lumakad patungo sa kubo kung saan sila mananatili. Sinusundan niya ng tingin si Erica habang tinatahak nila ang daan papunta sa kubo. Dere-deretso itong nagpunta sa isang puno ng mangga kung saan may dalawang trabahador na abala sa pagkuha ng mga bunga.

"Pasensya ka na dito sa amin. Wala ka talagang makikita ditto kung hindi palayan at taniman. Kaya nga yang si Erica ay naiinip dito," hinging paumanhin ni Tita Felicia.

Inalis niya ang pansin kay Erica at humarap dito. Tipid siyang ngumiti. "It's okay. Kailangan ko rin naman ho ng new environment," he assured. Ngumiti ito. Parang may humaplos sa puso niya. Ibang- iba ito sa kanyang ina. Kung gaano katipid ngumiti at magpakita ng emosyon ang kanyang ina ay ganoon naman ka affectionate ang babaeng kaharap niya. Malambing din ito sa asawa.

Muli niyang nilingon si Erica na kinakausap ang dalawang trabahador. So, she grew up with this environment. Kaya pala para din itong ang malakas na hangin na mayroon sa lugar na iyon.

"Ayos lang po ba sa inyong magpunta siya sa Maynila ng nag-iisa?" hindi niya napigilang itanong.

"E kahit naman pigilan namin yan gagawin pa rin niya ang gusto niya. Isa pa'y alam naman namin na kahit mahal niya ang lugar namin ay iba talaga ang gusto. Advertising pa nga ang kinuha niya noong kolehiyo kahit ang gusto sana nami'y kursong maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng mga lupain namin," sagot ng ama nito.

MY DREAM STARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon