2. INTRODUCTION

3 1 0
                                    

Roderick POV.

Pagkabukas ko ng pinto ng mansion ay isang tahimik na kapagligiran ang sumalubong sa kin.

*Sigh*mukhang wala na talagang magbabago.Napasandal na lang ako sa pinto at napaisip habang nakapikit ang aking mga mata,inaalala ang nakaraan.

'Binuksan ni Daddy ang pinto ng bahay namin at bumungad agad si Mommy na buhat-buhat ang bunso kong kapatid.

"Mommy look oh I got a two star sabi ni teacher keep up the good work."sabi ko kay Mommy na ikinatuwa nya.

"Ang galing naman ng baby ko look Eve ang galing galing ni kuya."sabi ni Mommy habang nilalaro-laro ang bunso kong kapatid sa pagkakabuhat nya dito dahil dalawang taon palang ito at gusto nya lagi syang binubuhat ni Mommy.

"Of course mana sa Daddy nya."natatawang sabi ni Daddy.

"Ewan ko sayo Mr.Rick Edor Salvega,tara na nga at kumain na tayo."sinundan na namin sya papunta sa dining room.'

"Ang tagal na din pala."nasabi ko na lang.Bago tuluyang umakyat sa kwarto nya.

Kumatok muna ako.Nakarinig ako ng mga hakbang bago tuluyang nagbukas ang pinto.

"Sir Roderick,bakit ang aga nyo pong nakauwi hindi pa po tapos ang oras ng klase?"takang tanong sa akin ni Yaya Sheila.

"Napag-usapan na natin toh Yaya, Roderick na lng.Hindi naman nagagalit si Daddy eh."tumango lng sya sa sinabi ko ayoko kasi ng masyadong formal."Where's Eve?"tanong ko sa kanya.

"Nagpapahinga po."sagot nya agad.

"Nanay Isabel?"

"Namamalengke po."

"Ganun ba sige magpapahinga muna ako sa kwarto ko paki sabi na lang sa kanya na dumating na ko paggising nya."

"Sige po."

Agad na akong umakyat sa kwarto ko para magpahinga. Pagkahiga ko ay naramdaman ko na lang ang sarili ko na unti-unti nang nakakatulog.

Third person POV.

Tumakbo ang dalaga para mahabol at makausap ang ginoo upang malinawan sa kanyang dapat gawin.

"Mr.Lextor pwede nyo po ba ipaliwanag ulit medyo nahirapan po kasi ako intindihin."magalang na sambit ng dalaga sa Ginoo.

Natawa naman ang Ginoo dahil sa sinabi ng dalagang nasa harapan nya.

"Ashevile ilang beses ko na inu-ulit sayo to at sana makinig kang mabuti ngayon.......baba ka sa lupa upang pumili ng isang taong iyong tutulungan meron kang isang taon para matulungan ang taong iyon."

"Kapag natulungan ko po ang taong iyon..."huminto sa pagsasalita ang dalaga na para bang naghihintay sa sasabihin ng Ginoo.Tiningnan sya sa kanyang mga mata ng taimtim upang ipagpatuloy at ng kanyang maintindihan ng mas maayos.

"Malalaman mo ang iyong nakaraan bilang Ashevile hindi bilang isang anghel na kinilala at naging isa sa katulad namin,Ashevile kapag nagtagumpay ka hindi lang iyon ang regalo na iyong matatanggap magkakaroon ka ng tatlong kahilingan na kahit anu man ito ay magkakatotoo."

"Paano ko po matutulungan ang taong iyon upang ako po ay magtagumpay?"agad na tanong nang dalaga sa Ginoo.

"Sa kahit anong paraan na maka-kabuti para sa kanya at ang mga paraan na iyon ay hindi dapat makakasama sa ibang tao o sa kanya at hindi labag sa utos ng diyos."pagpapaliwanag ng Ginoo.

"Ganun po ba maraming salamat po Mr.Lextor."

Magsasalita pa sana sya ng may isang anghel ang sumulpot at ipinatawag ang Ginoo dahil ipinapatawag ito sa konselo.

Ipinagdikit ng dalaga ang kanyang mga kamay at ipinikit ang kanyang mga mata upang magdasal ng taimtim.

"Panginoon ko gabayan nyo po ako sana po ang aking mapiling tao ay matulungan ko ng walang palya o pagkakamali,hindi ko po kayo bibiguin magtatagumpay po ako dito pangako ko po."

Roderick POV.

Nagising na lang ako bigla at napatingin sa gilid ko,ang family picture namin.

Ako si Roderick Salvega anak ni Rick Edor Salvega at Evelyn Salvega nakuha ko ang pangalan ko dahil sa tatay ko,Rode dahil sa Edor ni Daddy at yung Rick naman sa first name nya.

May bunso akong kapatid Nyl Eve ang pangalan nya dahil naman sa pangalan ni Mommy na Evelyn pag-binaliktad, nakakatawa noh pinag-isipan ng mabuti yung pangalan namin.

Masaya ang pamilya namin sobrang saya pero hindi lahat na kasiyahan nagtatagal dumadating sa punto na kaylangan mong tanggapin na tapos na tapos na ang mga oras na iyon.

10 years ago~

"Mommy! Daddy san tayo pupunta?"tanong ni Eve kay mom at dad.

"Ano ba Eve paulit-ulit na ngang sinabi magsi-simba nga!"galit na sabi ko kay Eve.

"Kuya you're so harsh naman-" umiyak sya bago ipagpatuloy ang dapat nyang sabihin"M-mommy s-si kuya in--naaway a-ako b-bad s-sya."tumakbo sya kay Mommy at agad naman syang niyakap at pinatahan.

"Erick bata pa lang ang kapatid mo at ikaw ang kuya dapat marunong kang umintindi."sabi sa akin ni Mommy.

"Opo hindi na po mauulit."sagot ko habang nakayuko ang ulo ko.

Bigla na lang dumating si Daddy at sinabing bilisan na dahil baka ma-late kami at saka baka wala ding maupuan.'

At nangyari na ang hindi inaasahan  nagising na lang ako, nasa ospital na kami at wala na si Mommy.Ang daming nagbago dahil don minsan na lang umuuwi si Daddy lagi na lang syang nasa office,si Eve para bang na trauma ayaw nya sa maingay o madaming tao kaya napag-desisyonan ni Daddy na i-homeschool na lang sya.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko 3:34 pm pa lang,pupuntahan ko na lang si Eve baka gising na yon.

Her secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon