23(pt.2)

734 34 39
                                    

Narration

Naglalakad ako pauwi. Uy, baka iniisip niyo na poor ako kaya papunta at pabalik naglalakad lang ako. Nagiipon ako, kasi you know pang GDA din yung 20 pesos na pamasahe ko.

Jusko ang mahal ng ticket prices bes, gold na gold talaga. Ibenta ko kaya kidney ko 'no o kaya yung organs ni Hailey kasi salot naman ang malalanding katulad niya. Joke lang, your so bad talaga Hyacinth.

But, anyways hindi naman yan ang dapat talakayin ko. Balik tayo sa nangyari sa coffee shop.

Flashback...

"Please, Hyacinth, Let me help you heal, kahit rebound lang okay na ko dun. I just want to make you happy." Sabi niya sakin. Mukhang pursigido siya at mulhang di matatapos ang gabing 'to hanggat di ako sumasagot.

So is a yes or a no? I have to think.

And finally, I already made up my mind.

"Okay, then it's a yes" sagot ko.

He was smiling. His eyes were smiling too. He was happy, I can see it. I was happy for him, for the both of us, and for the decision that I made.

Mahirap para sakin 'to. I was thinking about the consequence. Na baka pag di mag-work ito masira ang friendship namin ni Cinco.

But I trust Cinco, I trust him because he is Cinco.

"Thank you, Hyacinth" sabi ni Cinco while smiling wide.

"No, Cinco, thank you...for everything"

Then we stood up and headed home

End of flashback...

"Hey, andito na tayo" sabi ni Cinco. Ngayon ko lang namalayan na nasa tapat na ako ng bahay namin at hinatid nga pala ako ni Cinco pauwi.

Ang sabaw talaga ng utak ko.

"Uhm...sige, bye Cinco" pagpapaalam ko sakanya. Sabay tumalikod ngunit tinawag niya ko sa pangalan ko.

"Oh, bakit?" Tanong ko sakanya. Tinuro naman niya ang pisngi niya at mukhang nagpapahiwatig ng 'Goodnight kiss'

"Ulol kiss mo mukha mo" sabi ko sakanya at natawa siya. Kahit kailan talaga napaka pilyo niya.

Suddenly reminds me of Xander...

Hays sinaktan mo na ko lahat lahat di parin kita makalimutan.

"Hey, what's wrong?" Tanong ni Cinco na mukhang napansin niya na nabago ang pinta mg mukha ko.

He cupped my cheeks and looked into my eyes. In a second, naistatwa ako sa pwesto ko ng halikan niya ang forehead ko. It was quick, sino ba siya? Si flash?

"Goodnight Hyacinth, and please leave all your bad memories with him"

Napa-nod nalang ako sa sinabi niya at binitawan na niya ang mukha ko. Tumalikod na siya sakin pero naghabol pa siya ng isang bye. Hinintay ko siyang mawala sa paningin ko hanggang pumasok na ko sa loob ng bahay.

Agad kong kinuha ang phone at pumunta sa messenger, babalitaan ko si Freya sa nangyari ngayong araw kasi baka mag-tampo yun.

----
7:30 pm

Hyacinth: Freyabells!!!

Freya: Yacibells! Ano meron?

Hyacinth: Wag kang mabibigla ha?

Freya: Ha? Bakit? Ano meron?😱

Freya: Nagkabalikan kayo ni Xander 'no?

Hyacinth: Gaga hindi! Basta bes kalma ka lang oki?

Freya: Okay sige, kalmado na ako

Hyacinth: Naalala mo ba ung kwinento ko sayo na nagbigay ng flowers, chocolates and etc.?

Freya:Oo, bakit? Diba imee-meet mo siya ngayon sa coffee shop.

Hyacinth: Yep, kakauwi ko nga lang galing dun eh, and nameet ko na siya

Freya: Omg! Pogi ba bes? Fafable ba?

Hyacinth: HAHAHA hindi, hindi ka maniniwala kung sino yung secret admire kuno ko

Freya: Eh sino ba?

Hyacinth: Si Cinco

Freya is typing....

Freya: Ahh...okay

Hyacinth: Yan lang reaction mo?

Freya: Sorry yaci, inaantok na kasi ako...bukas ka nalang magkwento ulit

Hyacinth: Okay, goodnight
Seen at 7:45pm
----

In-off ko na ang phone ko saka nagpunta sa kwarto. Medyo nakakapagod din ang araw na 'to kaya napagdesisyonan ko nang matulog.

----
Hello guys! What do you think? Should I continue the story or not?

Vote and comment pleaszumssss

Message Unsent || k.jn & k.thTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon