Narration
After 5 months...
Picture dito, picture doon. Gala dito, gala doon. Sakay dito, sakay soon.
Hulaan niyo kung nasaan kami
Edi Sa Enchanted Kingdom! Kasama ko lang naman si Freya at Cinco. Kanina pa kami naghahabulan dito na parang mga bata.
"Saan naman next?" Tanong ni Cinco, jusko hindi pa ba napapagod ang nilalang na 'to?
"Ikaw Freya?" Tanong ko. Saaming tatlo siya lang talaga ang di masyadong masaya ngayong araw. Actually matagal ko na din napapansin na parang I was siya samin.
"Kayo bahala" sagot niya samin.
"Magpahinga kaya muna tayo?" Suhestyon ko.
"Oo nga, tara?" Sagot naman ni Cinco kaya umupo muna kami Sa bench.
Maya maya ay napagisip isip ko na wala pa pala akong souvenirs na nabili. Kaya nagpaalam muna ako sakanila na bibili Sa isang souvenir shop.
"Samahan na kita Hyacinth" sabi ni Cinco.
"Eh pano si Freya walang kasama?" Tanong ko sakanya.
Sumabat naman si Freya "Hindi okay lang ako! Samahan mo bna si Hyacinth, Cinco"
Napatango nalang si Cinco. Pumasok ako sa loob ng shop ng biglang nawala si Cinco sa paningin mo. Di ko nalang pinansin ang pagkawala niya kasi malaki na un kaya naghanap nalang ako ng pwedeng bilhin.
Nang matapos ako ay lumabas na ko sa shop. Biglang may mga musician na sinalubong ako. Pinatugtog nila ang kantang "Perfect" ni Ed Sheeran. Lumabas sa harapan ko ang mga tumutugtog ng violin.
Maya-maya pa ay lumabas sa gitna si Cinco. Hinawakan niya ang bewang ko kaya hinawakan ko naman ang leeg niya. Nagsimula kaming sumayaw dun.
Dumami ang mga tao sa paligid namin kaya napayuko ako sa hiya. I heard him chuckle.
"Hey..." Tawag niya sakin. "Tumingin ka sakin, nagseselos ako sa sahig" dagdag niya kaya napatawa naman ako.
Pagkatapos ng chorus ay tumigil na kaming sumayaw. Di ko napansin na may hawak hawak pala siyang bouquet ng flowers at ibinigay ito sakin.
"May itatanong sana ako" sabi niya. Napakunot naman ang noo ko dun.
"Ano iyon?"
"Alam ko masyadong mabilis, okay lang kung di ka pa handa pero..." Napatigil siya. "Will you be my girlfriend?" Pagpapatuloy niya.
Agad naman akong napangiti. Tutal kinalimutan ko naman na si Xander Sa loob ng limang buwan ng panliligaw niya ay sa tingin ko panahon na para sagutin siya. Panahon na para magmahal ulit.
"Cinco, handa na ako. Handa na Kong mahalin ka. Handa na akong magmahal ulit kaya..." Wooh. Todo na 'to HAHAHA. "Oo, Cinco, girlfriend mo na ako. Sinasagot na kita"
Bigla siyang lumuha pero nakangiti siya at kitang-kita ang eyesmile niya.
"I've been waiting for this, Hyacinth" sabi niya tsaka niya ko niyakap.
Naghiyawan ang mga tao at parang sobrang saya samin. Habang pinagmamasdan sila, may isang tao na di nakatakas sa paningin ko.
Ang mata ni Freya na umiiyak at nakita kong tumakbo ng dire-diretso.
BINABASA MO ANG
Message Unsent || k.jn & k.th
Short StoryHighest rank: #82 041318[M.U.2017//epistolary #1//kim jennie and kim taehyung] COMPLETED