Warning: Ang mababasa nyo, ay di ganun ka nakakatawa, dahil matamlay ako ngayon. Off ang humor ko ngayon, okeh? </3
==================================
Chapter 4.1: 1 Week Na Kami
"Ahh! Kailangan kong magmadali. Ang dami-dami kong assignments. AYOKO NA!" Tumatakbo ako sa hallway papauwi, pati na rin mga hagdan halos liparin ko na, bitbit-bitbit pa ang lahat ng Math books na nahiram ko sa library kanina. Para akong baliw dito, pero lapakels. Kailangan kong makauwi kagad para matapos ko na to.
Isang subject lang sya actually, pero MATH. Okay, 80 items and I'm doomed. Ayoko na, promise. Di naman ako ganun ka-shunga sa ibang subjects, di rin ako boba sa Math, pero hindi lang talaga ako nakikinig, at kadalasan wala ako sa mood para pag-aralan ang books. In short, TAMAD ako. HUHUHUHUHUHU
Um...well. Kami ni Twaine? Okay, 1 week na kaming mag-jowa kuno. Wala namang special saming dalawa, puro pa rin kami away, minsan naman di nagpapansinan. Kilig diba? Oh baka lumayas ka sa story na to dahil nakakatamad na love team namin ni Twaine. Okay, kilig na kilig si Shane akala nya talaga totoo. Hindi ko nga maimagine kung ano ang magiging reaction nya pag nalaman nya ang dahilan kung bakit kami naging magjowa ni Twaine. At yung mga fans ni Twaine eh hindi ako makuhang awayin dahil takot sila sakin. Pero yung pangahas na ex ni Twaine ay lagi akong tinatawagan sa phone para lang awayin, pero syempre hindi ako nagpapatalo.
Flashback
"Break up with Twaine! HE'S MINE!"
"Break up with Twaine, he's mine!" I copied her tone. "Break up with Twaine he's mine mo mukha mo! I honestly don't have a plan of breaking up with him, our relationship is getting more and more exciting having you as the...well the peasant."
"PEASANT? WHAT?!"
"SHUT UP NAGSASALITA AKO DITO! if you're expecting for a break up, then mark it on your mother's butt that it will never happen. I don't give a single f*ck about how you feel for him, but just give up that hope of having him back already. You look so desperate ew."
End of the Flashback
Ini-English pa ko, eh kahit bobita ako minsan sa Math, magaling naman ako sa English. Lagi akong sumasali sa essay contests, pati rin kasali ako sa publication sa school. At hindi man halata sakin, pero mahilig akong magbasa ng English novels.
Balik tayo sa scenario ngayon. Habang tumatakbo ako ay may nakita ako sa malayo na makakasalubong ko pa ata, ngunit nakangiti lang sya sakin habang tinitingnan akong takbo ng takbo papunta sa direksyon nya, natatawa pa sya konti. Ngayon ko lang nalamang tinatawanan na lang pala ang beauty ko ngayon. Ano to walang balak umalis dyan sa dadaanan ko? Aba yung iba nga pumunta na sa side oh, dahil alam nilang pag ako tumakbo wala akong sinasanto kahit sino pa ang mababangga ko.
Ito na malapit na ko sa kanya, pero nakangiti pa rin sya. Lol.
Ito na malapit na, di ako dadaan dun sa may space noh. Sya dapat umalis dyan sa dadaanan ko. Ano sya special?
Malapit na kooooooo.
BOOGSH!
"Bulag ka ba?!" Sigaw ko sa kanya ng may galit sa mukha. Ayun nagkandahulog na mga books ko at natumba pa ko. Ay pati sya rin pala natumba rin. WTF ano to teleserye sa ABS-CBN?
"Sungit mo na naman." Tumayo sya't tinulungan na rin akong tumayo. "Pwede namang dumaan dun sa gilid, sinadya pa talagang banggain ako." Bulong nya, pero narinig ko. -_-
"Okay next time kung bubulong ka sa sarili mo, siguraduhin mong walang may makakarinig na iba."
"HAHAHAHA Sungit talaga." Isa-isa nyang pinulot ang mga books ko, tiningnan isa-isa at nakita ko pa syang ngumiti. "Bat puro Math? Assignment noh?"