Chapter 2: Panda Key Chain

102 3 0
                                    

Chapter 2: Panda Key Chain 

"Hoy lampa gumising ka na!" Biglang may bumatok sakin, kaya nagstretch ako ng kamay. "Kanina pa kong pinapabantay dito sayo. Istorbo." May inis pa sa boses.

Hay bat ang sarap matulog? I don't care I love it~ Teka bat may nagsasalitang halimaw? Nag-stretch na naman ako pero this time may natamaan. Luh. 

"Aray!" 

Huh?

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko, nasa clinic na pala ako medyo nakakasilaw pa ang liwanag, at nakita ko si...HULAAN NYO SINO ABA!

"Twaine, okay. Lakompake." Kanina nakakasilaw, nung nakita ko sya biglang dumilim ang paningin ko hala naman. Handa na kong pumatay ng panda.

Nagpoker face ako at tumalikod lang sa kanya, at saka niyakap ang isang unan at matutulog na naman sana ulit.

"Bumangon ka na dyan!"

"Mauna ka na dun." 

"Ihatid nga daw kita sa classroom. Bwisit."

"Bwisit ka rin." Mas hinigpitan ko lang ang yakap sa unan, at pangiti-ngiti pa ko dahil ang lambot ng kama pati ng unan.

Kaso bigla akong hinila ng halimaw.

"WOAH!" 

Pero dahil sa sobrang lakas nya nahulog ako sa kama. Dali-dali rin naman kagad akong bumangon para syempre sigawan sya, pero ang sakit talaga ng likod ko. Bongga.

"ARAY NAMAN! PWEDENG DAHAN-DAHANIN MO? MASAKIT EH!"

Bigla syang pumunta sa likod ko at tinakpan ang bibig ko. "Bunganga mo!" Anong trip neto?!

Kinagat ko kamay nya kaya nakawala kagad ako. HIHIHI BUTI NGA!

"Pakshet. Yuck. Rabies." Pinahid nya pa kamay nya sa uniform ko with his diring-diring mukha. Arte neto. "Baho ng laway mo. Kadiri."  

"OH MASARAP BA?"

Bigla nyang hinarap sakin ang kamao nya at kulang na lang pagdilatan ako ng mata.

"OH GAGAWIN KO DYAN?" 

"Tss." Hinila nya ko, at biglang tinulak palabas ng cubicle ng clinic, at muntikan pa kong natumba. 

Makatulak naman to. So kelangang tinutulak na lang talaga ako parati? Payatot pa naman ako taz ginaganun-ganun lang ako? Hinarap ko sya't nilabas ko ang galit ko sa panda face nya.

"ANG HARD MO TALAGA!" At naglakad na kong padabog palabas ng clinic. 

Napatigil ako ng may napansin ako.

Teka bat nagsititinginan ang mga estudyante sa clinic pati ang nurse? 

Author: Laging POV to ni Jill, at ultramegasuperduper slow sya kaya di nya magets ang mga bagay-bagay.  Kaya kung di nyo rin magets ang mga ganto. Condolence. HAHAHAHAHAHA Tingin ko dapat open-minded kayo sa ibang parts dito. 

"Did you two just made love?" Tanong ng isang mukhang maarteng estudyante. 

"WHAT?!" Nanlaki ang mga mata ko.

Pucha.

---

"Bat ba ganun sya?" Inis na inis kong pagkakasabi habang nakaupo ako dito sa parang mesa ng armchair. Don't worry di babagsak yan, payatot naman ako.

"SI TWAINE YOUR LOVES?!" At ganun rin pala si Shane, bale magkaharap kami. 

"Anong my loves?! EEEEEW!" 

My Instant Boylet (Emeghed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon