Chapter 1: Seven Eleven
Jill's POV
"Oo nga eh."
"HAHAHAHAHAHA TAPOS TAPOS GRABE NAKAKAKILIG TALAGA LALO NA NUNG HINAWAKAN NYA ANG KAMAY KO!" Grabe naman makasigaw tong si Shane, buong Seven Eleven siguro maririnig boses nya. And take note, sa phone ko lang sya kausap. Oha?
"Ah. Ganun ba?" Kumuha ako ng maraming Pik-nik, mga sampu siguro at nilamon lahat.
"OO HAHAHHAHAHAHAHAAHA GRABE NAMAN BES! NAPAKA-SUPPORTIVE MO! I LOVE YOU SO MUCH! HAHAHAHAHAHA IKAW NA TALAGA ANG PINAKA THE BEST SA LAHAT!" Bunganga naman nito. Ang ingay-ingay talaga. Patuloy ko pa ring pinapapak ang Pik-nik at nilayo ko na konti ang tenga ko sa phone ko. Imaginein nyo pa kong nakapoker face para bongga.
"Talaga? Salamat."
"Okay. Bye." Bunganga talaga ni Shane eh noh? Ingay-ingay.
Wait. Teka.
"ABA! WALANG UTANG NA LOOB TO! SABI MO SAKIN AKO THE BEST SA LAHAT?! SABI MO NAKAPA-SUPPORTIVE KO PERO BIGLA KA NA LANG MAG--"
Ay amputek nabulunan ako! Kinapa ko ang la mesa para sa drinks.
"BES! OKAY KA LANG? HALA BES! WAG MO KONG IWAN! BES! ANO BA YAN? DI KO KAYANG WALA KA! BES? BES! MAHAL NA MAHAL KITA WAG MO KONG IWAN. I LOVE YOU BES WAG! TAKAW MO KASI ABA. TAKAW!"
Walangyang bestfriend to. Teka nga! Bat di ako bumili ng maiinom?! SHIT!
"LUMABAN KA BES! LUMABAN KA! FOR THE SAKE OF THE PIK-NIK! PLEASE! TIRHAN MO KO HA? HIHIHIHIHIHIHI" Gaga to. Kaya naririnig ko boses nya kahit nakapatong na phone ko sa mesa dahil nga diba? Nagmimistulang naka-speaker ang phone ko pag sya ang kausap ko? Baka sa palengke to pinanganak, sigaw ng sigaw.
MAMAMATAY NA KO DITO! No choice. Wala na kong magagawa kundi ang kunin ang iniinom ng katabi ko.
So ayun, kailangan kong labanan si kamatayan. Kaya pagapang akong pumunta sa kabilang table at kinuha ko agad ang iniinom ng lalaking nakaupo.
*gulp gulp gulp*
Tumayo na ko, nilapag ang ininom ko sa mesa at hinabol ang hininga ko.
Teka nga! Lasang...lasang...lasang mogu-mogu! *O*
"BES! BES! AYUN! SA TINGIN KO AY NAKASURVIVE KA NA! BES?!" Hala naman. Kahit pala malayo na ko sa mesa kung san nakapatong ang phone ko naririnig ko pa rin ang boses ni Shane?
Teka bigla akong nagising sa katotohanan. Dahan-dahan kong tiningnan ang paligid ko. Lahat ng tao nakatingin sakin, speechless lahat. Pati mga nakapila sa cashier, at pati yung cashier speechless. Pwede nyo na kong patayin sa sobrang kahihiyan.
Dahan-dahan kong tiningnan yung taong inagawan ko ng mogu-mogu.
Shit ang taray ng dating ni kuya. Naka-crossed arms taz ang seryoso ng dating.
"Mogu-mogu ko. Bayaran mo ko ng tatlo nyan."
"TATLO?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. ABA ANTIPATIKO!
"Ayaw mo? Edi lima. Kung hindi ka ba naman ganun katakaw at kung hindi ka ganun katanga para sumigaw habang kumakain ka edi sana di mo ko kailangang bayaran."
"Eh pano pag ayaw ko?"
"Irereport kita sa pulis."
"ANO AKALA MO SAKIN BATA PARA TAKUTIN MO NG GANYAN?!"
Nagtakip sya ng tenga nya. "Aray naman! Tss. San ka ba pinaglihi? Bat ka nakasigaw? Bayaran mo na lang ako ng limang mogu-mogu dali."
"Hayop. Anong gagawin mo sa limang mogu-mogu? Maliligo ka ba dun?"