Chapter 5: Tristan Saves The Day

37 2 0
                                    

Chapter 5: Tristan Saves The Day

[Jill's POV]

"Ibili mo ko ng mango shake sa canteen." Pesteng eyebags to, inuutusan lang ako.

"ANO AKO NGAYON UTUSAN MO?!" Nagsisitinginan na naman mga classmates namin. 

"Mukha ka namang yaya, kaya ayos lang." He smirked. 

"WHAT?!" Sinigawan ko sya sa mukha habang sya kalmado lang. Asar talaga to eh! Nananadya ba tong si Twaine? "Mukhang to?" Tinuro ko mukha ko. "Katawang to." At tinuro ko katawan ko from head to toe. "YAYA LANG?! Nahihibang ka na ba?"

"Mukha? Mukhang laging haggard. Katawan? Sexy ba yan? Eh flat ka naman eh. Anong pinapabida mo sakin?" Tiningnan nya pa ko from head to toe. Yung tingin na kulang na lang ipagsigawan nya sa buong mundong NILALAIT NYA KO!

"ASAR KA! GRR!" Sinigawan ko na naman sya. ASAR TALAGA TO EH! Bat ba pinanganak pa to ng nanay nya? Dapat pinahid na lang sya sa kumot ng tatay nya!

"Bibigyan naman kita ng perang pambili kaya bilhan mo na ko." Kinuha nya wallet nya at sinimulang kumuha ng pera.

"Pano kung ayaw ko? Di ako utusan!" Tiningnan ko sya ng nakakamatay kong titig. RAWR! Hi ate author. Peram ng username mo. HIHIHIHIHIHI

"Ikikiss kita."

PFT! Tawa na ko? Kala nya matatakot nya ko. HOY! If I know masyadong choosy si Mr. Twaine! Sinong niloloko nya? Pwet ko? Ako ikikiss nya? Sa arte nyang yan mangkikiss ng naging girlfriend nya lang naman dahil sa isang mama's boy? Lol. Lokohin nya lelang nya. 

"Edi gawin mo! Choosy ka masyado para ikiss ako, I know. Ako lang? Ikikiss mo? Susmaryusep Twaine Reid! Sinong niloloko mo? Lelang mo? Kapit-bahay namin? Aso ko? O yung kuto ni Loisa sa PBB All In? Basta hindi kita ibibili! May paa ka namang sayo eh. Anong silbe ny--" Hindi ko natapos ang nobela ko dahil...

Bigla nya kong hinila sa waist ko, at nilapit nya mukha nya sakin. "Woah anak ng tupa!" Nanlaki ang mga mata ko sa kanya, at nagbend ako para malayo ko mukha ko sa mukha nya. Pero nagbend rin sya para mailapit nya mukha nya sa mukha ko. MANYAK! "AYAW NGA!" Tinakpan ko pa bibig ko ng kamay ko at napapikit sa takot. 

At ang bagay na hindi nyo ineexpect sa isang LOVE STORY, inuulit ko LOVE STORY na gaya neto, ay nangyari...

Bigla nya kong binitawan na parang walang pake. Syempre nahulog ako at ang sakit-sakit ng likod ko, buti na lang di masyadong nabagok ang ulo ko. SHIIIIIIIIIT

"Edi ako na bibili. Tamad." Tumalikod lang sya at naglakad. ABA! At di man lang nagsorry? Ni di man lang ako kinamusta kung anong nangyari sakin? Pano kung nabagok ulo ko edi wala lang sa kanya? Syempre yan si Twaine Reid eh. 

PERO BOYFRIEND KO BA TALAGA YAN?!

Dali-dali akong tumayo, kinapa-kapa uniform ko saglit para matanggal dumi kung meron man, at sinundan si Twaine na nakalabas na ng classroom at nasa hallway na.

"HOY TWAINE! SUMUSOBRA KA NA AH!" Hinila ko uniform nya at nilingon nya naman ako, pero di pa rin ako hinarap. 

"Oh pake ko?" Ang taray pa ng mata oh. Alam nyo yung nagtataray na mata pero parang nagtataka rin? Yung parang di nya alam ang ginawa nya sakin?! Asar!

"Pano kung nabagok ako dun?!" Ugh! Di ko na mapigilan sarili ko, gusto ko na syang sapakin!

Hinarap nya ko. "Sa tigas ng ulo mong yan." Pinektusan nya ko dalawang beses. "Tinatablan pa pala? Mababagok? Kwento mo sa pagong." At tinawanan pa talaga ako. ASAR! ASAR! ASAR! ASAR! ASAR! ASAR ASAR ASAR TIMES 100!!!!!

My Instant Boylet (Emeghed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon