Chapter Four

9 0 0
                                    

"Hey Diyosa!" sabi sa akin ni Thea

"Oh bakit biga bigla kang sumusulpot?" sabi ko. Nagtataray na naman ako ang init kaya! Walang talab yung aircon ng kwarto ko damn!

"So anong nangyari sa pagkikita niyo ni Papa Theo?"

"Ok lang" walang gana kong sagot super init talaga ugh

"OK LANG?! DI KA MAN LANG TINABLAN NG CHARMS NI PAPA THEO? SIYA KAYA ANG PINAKAHOT NA LALAKI SA UNIVERSITY NATIN!"

"Ang dami mong sinasabi oh kumain ka na lang! At kung siya naman ang pinakahot sa university bakit di ko siya kilala?" at nilabas ko sa ref ko yung ice cream na promise ko sa kanya.

"Sungit! Eh paano busy ka sa pagbabasa ng mga romance novels mo! Alam mo girl wala kang makikita kung di ka naman nag hahanap!"

Hindi ko talaga alam kung bakit niya ba kinokontra pagbabasa ko. At least sa pagbabasa hindi ako mabubuntis noh! At puro gwapo pa ang mga boyfriend ko :P

"whatever paper" whatever paper ah :)) well at least magkatunog :P sabay ikot ng mata ko :))

"weirdong bitch ka talaga!" yeah right MWHAHAHA

"Lumayas ka na may TVC ka pa na shoshoot ngayon diba?" sabi ko malamang nalimutan na naman niya yun. Makakalimutan yan eh kala mo 60 years old na.

"ay oo nga palaaaa! Bye girl! ma sad ka na aalis na ang diyosa mong kaibigan!"

"push mo yan!" sabi ko. Nag dabog naman siya paalis :D

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Kinabukasan...

Problemado ako hindi ko alam kung saan kami magkikita ni Theo para mag mag aral

School? Hindi pwede summer

Bahay? Aakalahin nila mama na boyfriend ko si Theo :/

Mall? Pwede? Ewan di ko feel mag mall ngayon

Siya na lang kaya mag decide? Sakit sa ulo woooh!

Tinext ko siya saying that siya na mag decide kung saan niya gusto mag aral...

Theo James:

okay.

wow! haba ng sinabi ah! kaloka!

Nag vibrate ulit ang phone ko at si theo sinabi na kitain ko na lang siya sa harap ng school mamayang 1:00 pm

Makatulog na nga muna 11:30 pa lang naman saka super init kaya nakakapanghina!

Pag mulat ng mata ko.

tingin agad sa relo... 12:45 na?!

Oh my golly! Late na akooooo napasarap tulog ko sh*t!

agad agad akong nag sipilyo at naligo.

Nag shorts na lang ako at light pink na sando.Kinuha ang mga books ko at lumarga na sa sasakyan na lang ako mag susuklay. Buti na lang may driver kami...

Malapit na mag 1:30 nung nakarating ako sa tapat ng university. Agad kong nakita si Theo na nakasandal sa gate ng school.

Nakawhite siyang jacket at nakataas din ang hoodie niya anong trip nito sa buhay? ang init init parang gusto niyang mastroke eh.

"What took you so long?" Naiiritang sabi niya. Hindi ko naman siya masisisi kung maiirita siya sobrang init ngayon.Hindi nakakatuwang mag hintay ng kalahating oras sa tapat ng araw. Pero may kasalanan din naman siya bakit kasi di niya tangaling ang jacket niya? Napansin ko lang na kahit anong facial expression si Theo ang gwapo pa rin niyan tignan...

"Sorry napasarap nakatulog ako" nahihiya kong sabi. Di ko naman sinasadyang malate eh :(

"Next time isipin mo na may nag hihintay sayo" pagkatapos niyang sabihin yun ay tumalikod na siya at naglakad.

Sinundan ko siya hindi na ako nag tanong kung saan kami pupunta alam kong medyo inis pa rin siya dahil na late ako. Tinenxt ko na lang si Kuya Eddie na pwede na siyang umuwi at tetext ko na lang siya mamaya kung saan niya ako susunduin.

After 5-8 mins nandun na kami.

Dinala niya ako sa malapit na motel. BAKIT NIYA AKO DITO DINALA SIRAULO BA SIYA???? Bata pa ako di pa ako ready! Bukas na lang! Wahahaha!

eto na naman at umiiral ang pagiging ilusyunada ko hahaha! Wala eh ang gwapo talaga ni Theo eh... Kaya nga yata lagi siyang naka jackett at nakataas ang hood para di siya pagkaguluuhan...

Sa park niya ako dinala...ang ganda naman ng park na to parang ang peaceful ng lugar tapos ang daming flowers!

I LOVE FLOWEEERS! :D Feeling ko nasa music video ako at ang ganda ganda ko dahil sa ganda ng park na toh

Nakakita kami ng table at upuan na gawa sa stone at doon na kami pumwesto.

"So were do you like to start?" Tanong niya sa akin.

"Chemistry" super hina ko talaga sa science mas gusto ko pa math eh! The irony sa science high school ako galing...

"Sagutan mo muna to. Para alam natin kung hangan saan kaya mo" Nabigla naman ako dun. Talagang seryoso siya sa talaga sa pagtuturo sa akin.

"Not bad" sabi niya pagkatapos niyang checkan

Hindi nag tagal naging comfortable naman kami sa isa't isa. Pero hindi kami ganun close parang tama lang.

Minsan di niya maiwasan maasar pag di ko magets masyado yung mga sinasabi niya ang cute lang parang natatae na ewan hahaha! pero gwapo pa rin!

"So what's next nerd?" nakangisi kong tanong natapos na kami sa chemistry. I know chiildish na asarin siya pero di ko talaga mapigilan.

"I'm not a nerd" naiinis niyang sabi.

"yes you are..."

"you are a nerd" pag dugtong ko

"dumb"

natahimik ako dun. below the belt naman yun. I'm just lazy! feeling ko napaka useless ko pagkatapos kong marinig sa kanya yun...

gusto kong umiyak pero pinigilan ko. Hindi pwede! Hindi ko hahayaan na makita niyang apektado ako sa sinabi niya.

"jerk" mahina ko na lang na sabi ast pinagpatuloy ang pag answer ng mga questionaire na binigay niya sa akin.

after a few minutes of silence

"sorry" sabi niya. Natigil naman ako sa ginagawa. Ewan ko perong natuwa ako sa sinabi niya kahit simpleng sorry lang yun alam ko na totoo. Randam ko na totoo lalo na nakita ko sa mata niya yung regret.

"sorry rin" sabi ko rin alam kong mas malaki talaga ang kasalan ko Theo was trying to act professional but I kept on teasing him.

"I'm not a nerd. I just badly need money right now." nagulat naman ako sa sinabi niya di ko ineexpect na sasabihan niya yun. Hindi ko rin alam kung paano ma proprocess ng utak ko yung sinabi niya.

Kailangan niya ng pera? bakit? O.o Pero alam kong hindi ko siyang pwedeng tanungin. Dahil kung gusto man niyang sabihin ang dahilan sinabi na niya kanina.

Teka bakit ko nga ba prinoproblema ang problema niya?

Kailan pa ako nagkaroon ng pake sa ibang tao?

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

Bago ako mag update sinisigurado ko munang medyo di maiksi yung chapter two kasi medyo maiksi so ayun trinatry ko munang habaan at ayusin bago ilabas :D

Di pala birong mag sulat :))) nakakaubos ng utak </3 buti na lang nandyan ang exo para pasayahin ako <3 <3 <3

Before Turning EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon