Chapter Five

7 0 0
                                    

Chapter Five

Habang nag checheck na naman si Mr. Serious ng mga test na pinatake niya sa akin. Super galing niyang magturo. Yung magegets mo agad yung iba kasi na matatalino nahihirapan silang mag explain sa mga normal na tao.

Dapat mag teacher na lang yun eh sa galing niya. Kaso baka hindi rin makinig mga estudyante niya at mag laway na lang sa upuan nila wahaha! Mala Adonis naman kasi sa gwapo si Theo.

White skin mala babae ang ganda ng balat niya baka nga wala pang peklat yun

tall, aanhin mo pa ang gwapo kung mas maliit naman ito sayo?

grey eyes, na parang nang aakit

boses na parang inaakit ka

in short nakakalaglag panty ang effect niya sa babae. Buti na lang hindi ako normal na babae na madaling mafall. Kung siguro dati ko siya nakita baka patay na patay na ako sa kanya. Pero hindi eh ngayon ko pa lang siya nakita. Buti naman. Buti at di ako masasaktan.

Sa sobrang pagkamangha ko sa kagwapuhan ni theo hindi ko na malayan na nakatulala na pala ako sa kanya

"Zeah, Zeeeeeyyyyyaaaaaa your spacing out again." sabi niya habang wina wagayway niya yung test papers.

"Sorry kulang lang sa vitamins kaya natutula haha! Ano nga pala yung sinasaabi ko" palusot ko at wala naman siyang nagawa kung hindi umiling na lang sa sinabi ko.

"Sabi ko five na were done for today." sabi niya habang naglilipit na ng gamit niya

"Oo nga noh five na pala?" O.o

Hindi ko namalayan na five na pala dahil ang sarap kasi ni Theo este ang sarap kasama ni Theo. Nagpaalam na ako at ibinigay ang bayad sa kanya at nag thank you naman siya.

Mukha naman may kakaiba akong nararamdaman kay Theo na hindi ko dapat maramdaman at hindi ko gusto yun.Ayokong maulit yung dati.Ayoko ng masaktan.

Love makes people vulnerable and weak. At kapag mahina ka madali kang saktan at tapak tapakan. So in short pag nag mahal ka para ka na ring pumayag na maging punching bag ng taong mahal mo.

Umuwi na ako sa bahay at siyempre wala pa rin sina mommy at daddy. Di na ako masyadong naapektuhan. HIndi katulad ng bata ako. Tama nga sila hindi porket mayaman ka wala ka ng problema. Kanya kanya lang talaga ang problema ng tao.

Mahal naman ako ng magulang ko pero sa 17 years ko dito sa earth alam ko na mas importante naman sa kanila yung company namin at family name kaysa sa akin. Mabuti n nga sigurong wala akong kapatid kasi kung may kapatid ako kundi mararamdam din niya ang nararamdam ko ngayon.....

Nag iisa....

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ilang araw na rin na tahimik ang nag iisa kong kaibigan.Mali pala ang makulit, makapal, feelingera pero mabait kong kaibigan. Alam ko na may problema siya kasi kung wala eh di dapat andito siya at ginugulo na ang buhay ko.

Puntahan ko na lang siya sa bahay niya wala naman mawawala kung pupuntahan ko siya at saka nasa America naman si Dave dun kaya ligtas ako.

As usual nag padrive ako kay Kuya Eddie. Ayaw kasi nila daddy na mag drive ako mag isa ayaw din naman nilang nag cocommute ako at saka ayoko na rin masermonan. Sono choice talaga kung hindi mag pahatid.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Before Turning EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon