Chapter One

33 2 0
                                    

Before Turning Eighteen

Chapter One

I can't be perfect

Habang nasa school ako nakita ko si Thea pilit ko siyang iniiwasan pero nakita niya pa rin ako. Kuhanan kasi ng mga class card ngayon kaya parehas kaming nasa school.

"Hey Zeah! Zeah the Goddess! Zeah ganda! ZEAAAAAAAAAH!" Sigaw ni Thea sabay wagayway ng dalawa niyang kamay. Minsan napapisip ako kung bakit ko to bestfriend. Baliw yata to eh! Kahit kailan talaga ang kulit nito. Pinagtitinginan na siya ng tao hindi pa rin siya tumitigil!

Napabuntong hininga na lang ako at humarap sa kanya. May choice pa ba ako? Mas lalo lang akong kukulitin niyan pag di ko pinansin. Hindi kami mag kacourse ako computer engineering siya naman civil engineering. kaya di kami magkasama sa school madalas. But we still find time for each other.

"Hey..." Malamya kong sinabi. Don't get me wrong mahal na mahal ko tong babaeng toh pero medyo bv lang ako ngayon.

"What's wrong girl? Ang mga diyosang katulad natin hindi dapat sumisimangot ng ganyan! Kawawa naman ang mga fans natin mag aalala sila sa atin kaya smile ka na!"

"Ang taas talaga ng confidence mo Thea ahahahaha!" Sabi ko habang tumatawa at nakahawak sa tiyan ko.

"Why are you laughing? Maladiyosa naman ang kagandahan ko diba? Diba?" Sabay pout.

Totoo naman na maganda ang Thea ko super dami niya ngang manliligaw eh. Black beauty mala Solenn Heussaff lang ang ganda niya. Kaso walang sinasagot. Si Eric pa rin ang gusto ngayon. At this rate mukhang tatandang dalaga ito.

Pero feeling ko hindi lang siya ang tatandang dalaga kung hindi ako rin haaay. May mga nangilan ngilan din naman nagtatangka na manligaw pero wala eh hindi ko sila gusto.

"Oo naman babe!" Sabi ko, naagad naman niyang ikinasaya. Babe at Diyosa ang tawag ko sa kanya.

"THIS! THIS IS WHY I LOVE YOU!!! Your so honest mwahahahaha! Pero maiba tayo ng usapan bakit parang problemado ka babe?" Sira ulo talaga tong kaibigan ko hahahaha! wala na akong magagawa kung hindi pag tsagaan siya na nga lang ang kaibigan ko eh.Wew naaalala ko na naman tuloy yung problema ko dahil sa tanong niya.

"Grades" isang linya lang ang sinabi ko pero alam kong naintindihan na niya. alam niya naman ugali ng parents ko eh.

"I can't be perfect Thea. I can only be me." Sabi ko sa kanya.

"Halalala anong gagawin mo magagalit parents mo niyan?" Concern na tanong ni Thea.

"Ano pa nga ba kundi kausapin sila."

" I wish you luck!"Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"What?! You need it! Saka pag dadasal ko na rin kaluluwa mo girl! Saka wag kang mag alala di kita makakalimutan lagi kitang dadalhan ng bulaklak sa puntod mo!" Pabiro nitong sabi at halatang nag pipigil ng tawa niya.

"Aba! Nagawa mo pa talaga akong biruin ah! Bahala na nga uuwi na ako para masabi ko na at di na ako nerbyosin"

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay hinanap ko agad si daddy dahil alam kong mas may pag asa akong HINDI mapagalitan MASYADO. Love na love ako nun eh. Sabi ko nga niya ako ang "One and Only Princess" ng family. Love din naman ako ni mommy pero mas spoiled ako kay daddy mwahahaha!

Nakita ko si daddy sa kitchen kumakain ng chocolate cake na malamang binake ni mommy. Mahilig kami parehas ni daddy sa chocolate kaya lahat ng may chocolate love namin except dark chocolate. Kaya nag aral si mommy mag bake ng kung ano ano with chocolate.

"Hi dad! Busy? I need to tell you something.."Sabi ko. Sabay yakap sa kanya.

"Anong kailangan ng prinsesa ko? At bakit kailangan niya pang mag lambing?" Tanong ni daddy sabay taas ng kilay

"Daddy naman eh! Bakit ka ganyan wala naman akong kailangan o kasalanan eh" sabay pout.

"Okay sabi mo eh" sabi niya at hindi na nag salita makikita mo talaga na di kumbinsido si daddy alam niyang may kailangan ako sa kanya. Kaya nga siguro hindi na siya nag salita para may time ako na sabihin yung problema ko.

"About my grades daddy..."

"What about your grades princess?"

Binigay ko na lang sa kanya ang card ko para siya ng makakita.

Kroo

Kroo

Kroo

Kroo

Kroo

Kroo

Kroo

Kroo

Kroo

Kroo

Ang tagal ni daddy mag salita pa suspense!

"So dad?"

"Daaaad?"

"DADDDYYYY!"

"Are you mad at me? Can you please say something? Anything?" Sabi ko. Ayoko talagang na didisappoint ang mga magulang ko :(

" Princess you need to get higher grades than this your my daughter! Your an Arevallo! Do you understand? " sabi ni daddy habang tinitignan ako. I can see na hindi niya gusto ang nakita niya pero hindi siya galit disappointed lang.

Mas gusto ko pang magalit diya sa akin kaysa madisappoint siya..

Minsan na papaisip ako kung worth it bang maging Arevallo. Tinitingala nga kami ng tao dahil sa sobrang succesful ng angkan namin sa business. Halos lahat na yata ng business meron ang pamilya namin restaurants, modeling agency, magazine, selling cars, at marami pa.

Pero kapalit naman ng fame at pera namin ang pagiging tao namin. Unting pagkakamali lang ng pamilya namin hinuhusgaan na kaagad kami. Sa totoo lang mas gusto ko pa ang simpleng buhay na malaya ako na gawin lahat ng gusto ko.

"I'm trying my best dad. At least tumaas naman yung gwa ko. I promise next sem I will give you the grade that you want to see." sabi ko sabay kiss at hug kay papa alam ko naman di niya naman ako matitiis.

" Ayan ka na naman dad nag papadala ka na naman a pag papacute ng anak mo!" Sabi ni mommy. Nagulat ako di ko man lang siyang namalayan pumasok ng kitchen.

"Mommy naman eh" sabi ko sabay pout.

Kung si daddy tinatalaban ng charms ko iba si mama. Eto ang madalas namin pag awayan. Kung tutuusin mataas naman talaga ang GWA ko 2.09 pero

ganun talaga eh gusto nila

perfect ako. Kung hindi man perfect close to perfect. Which is

hard really hard...

alam kong para sa akin din naman tong ginagawa nila ayaw nilang ma husgaan ako ng iba.

"I love you baby but your grades are too low! Zeah why don't we have a deal? I'll give you your freedom and a car that you will get to pick if you get high grades this sem. BUT if you fail to meet my standards you will have a curfew and ikaw an mag momodel ng ma products natin" seryoso na sabi ni mommy.

Hindi ako kaagad nakasagot kay mama. Hindi madali pinagagawa niya. Katulad nga ng sabi ko I can't be perfect PERO kakayaning naman siguro ng beain ko yung 1.50...

"Deal" My freedom is what I want and I will get it no matter what.

Sana hindi ko ito pagsisihan...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hope you will like it this is my first story so please be patient :)

Before Turning EighteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon