Simula
"Mari anak, saan ba pinatong ni daddy mo ang mga papeles para sa kompanya?" ani mommy. "Ah, nandoon po sa may veranda. Nakapatong po doon sa lamesa."
"Ah sige, salamat. Siya nga pala, are you ready for your classes?" tumango nalang ako ng bahagya.
"Ma'am andito na po yung bago niyong teacher. Papapasukin ko na po ba?" tanong ni Manang Rosa.
"Sige papasukin mo na manang." umayos ako ng upo at hinanda ang sarili ko para sa panibagong aralin na ituturo sa akin ng bago kong professor." The door creaked.
"Good Morning Ms. Estobal", he greeted me with politeness. Ngumiti ako at binalingan ko siya, "Magandang umaga rin po." Hindi nagtagal ay inumpisahan na namin ang klase.
Ako si Marina Levistine Estobal. Nakatira ako sa isang bulubundukin na pinamamahalaan ng lolo ko na si Alessandro Estobal II. Ang mga Estobal ay kilala sa buong bayan na ito. Si daddy ang CEO ng Estobal Beach Resort na ibinigay ni lolo noong ikasal sila ni mommy tsaka si mommy naman ang namamahala sa Rancho namin sa probinsya. One day, I will be the one to take the responsibility as their only child. Ako ang mamamahala ng ginagawa nila ngayon sa ayaw at sa gusto ko. Isa akong Estobal at hindi ko bibiguin ang mga Estobal.
After 5 hours of homeschooling ay pumupunta ako ng resort para tumulong sa pag serve sa mga customers. Lagi kong sinasakyan si Genesis kapag pumunta ng resort. Sa bagay, mga sampung minuto lang siguro ang aabutin kapag sumakay ako ng kabayo.
Ipinabantay ko si Genesis sa isang guard sa beach at dumiretso na sa isang kubo kung saan ako tutulong sa pagtrabaho.
"Aling Rosella, nandito na po ako!"
"Oh Marina, hija napa aga ka yata? Tapos na ba ang klase mo?"
"Opo, tulungan ko na po kayo diyan." isinuot ko ang apron ko at kumuha ng maliit na notebook na pinagsusulatan ng oorderin. Kalaunan ay may dumating na panibagong customers.
"Good Afternoon. May I take your orders?" nginitian ko sila.
"Ah, limang lemonade tsaka tatlong mango shake... Uhhh, Hoy Ionne, anong sa'yo!?" tinignan ko kung sino ang sinisigawan niya.
"Ano ba pagkain nila dito?" tanong niya habang paupo.
"We have drinks and desserts po and also mabenta rin po dito ang halo-halo at mga shakes namin." ngumuso siya. Nagkatinginan kaming dalawa ng ilang segundo.
"May coke ba kayo? Yung tipong mapapahawak ako sa uhaw at mapapa 'AAH!' ako sa sarap?", pambibiro niya.
"Opo pero ang available lang po siguro yung parang ang standards ko sa'yo."
"Sakto?" pagsisiguro niya.
"Hindi, zero." napanganga siya. Try me.
"Mismo! Miss pasensya ka na, bigyan niyo nalang siya ng halo-halo."
Ngumiti ako. "Noted. Kindly wait for a few minutes po." dumiretso ako sa counter para ibigay ang papel.
Hindi nagtagal ay dumating na si mommy wearing a two-piece bikini. Tumutulong din siya dito minsan kapag may free time.
"Mari, dinalhan kita ng bikini. Isuot mo iyon para hindi mainit."
"Okay lang po mom---"
"Tita Loree?!" tinignan ko kung sino ang nag interrupt samin. Oh it's the coke guy.
"Oh, Ionne. Napadalaw ka?" nag beso silang dalawa.
"My friends told me about this place and I really found it interesting. As expected sa mga Estobal. Your applicants have great customer service tsaka the place is clean and organized. The atmosphere is also suited for family reunions."
BINABASA MO ANG
Her Greatest Fall
Teen Fiction"Hearts can't lie. It's tested and proven by me." -Marina Levistine Estobal