Part 1: Locked In The Past

211 3 0
                                    


"Dito sa mundo, hindi ka magtatagumpay kung hindi ka mahihirapan at hindi ka rin matututo kung hindi ka masasaktan. Hindi mo malalaman ang kahalagahan ng isang bagay kung hindi mo pinagdaanan. Binigyan ka ni God ng problema, dahil alam niyang kaya mo yan"

-RR

A/n: Please read this short story. Makakarelate po kayo dito lalo na yung mga nasa stage ng moving on. Hope you'll like it. Danke schön❤

*****

'Just Move on'

'Bitawan mo na'

Mga salitang laging naririnig ko sa mga kaibigan ko matapos naming magbreak ng boyfriend ko. Halos araw araw na nga nila ako pinapangaralan eh. Pero ako? Walang pinakikinggan sa payo nila at ang palaging kong sagot ay

'Ayoko pa. Paano kapag bukas, mahal niya ulit ako. Sayang naman diba?'

Totoo nga ang kasabihang 'Madaling sabihin, mahirap gawin'. Yan ang nararamdaman ko ngayon eh.

Ito talaga ang pinakamahirap na stage after the break up, ang moving on. Syempre, ang first stage ay iyak lang muna. Second, hagulgol na, Third, panghihinayang kase lahat ng pinagsamahan niyo matatapos lang sa tatlong salita, 'break na tayo'. Saklap diba? At ang panghuli ay moving on or forgetting each other.

Ayoko muna mag move on. Wag muna. Baka sakaling bumalik siya at makita ang halaga ko.

"Bes, kailan ka kaya magigising?"

"Huh? Bakit tulog ba ako? Naka shabu ka ba bes?"

"Ayy tanga lang? what I mean is kailan ka magigising sa katotohanan at malaman na kailangan mo nang mag move on? di kana mahal nun bes. Hindi siya worth it para mahalin. Tama na. Itigil mo na."

"Eeeh bes! ano ka ba? ayoko pa. Kahit sabihin ng isip ko na 'Tama na bitaw na' palaging kumokontra ang puso ko na 'Diba mahal mo? Edi ipaglaban mo?' 'Kung totoong mahal mo siya, hindi magiging madali sayo ang kalimutan at iwaksi lahat ng pinagsamahan niyo' yan ang mga sinasabi nila bes. Sa tingin mo, madali ito para sakin? Mahirap maging tanga bes. Lalo na kung yung taong yun ay sinaktan ka pa"

Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon