A/n: PLEASE VOTE AND COMMENT PO!
"Mahirap bumitaw sa taong mahal mo, pero mas mahirap kumapit sa taong hinihintay na lang ng pagbitaw mo"
-RR ❤~~~~~~~~~~~~~~~~
"Were over"
Dalawang salitang nagpaguho sa lahat ng pangarap ko kasama ang taong mahal ko. Paano niya nasasabi ang salitang yan nang walang nararamdaman? kase ako? tagos eh. Sobrang pagpipigil na ang ginawa ko para mapigilan ang tutulo nang luha ko pero traydor talaga siya.
"you're kidding right? tell me please"
"No, I'm not"
Walang tigil na bumuhos ang mga mainit na likidong puti sa mga mata ko.
"I love you Caitiff. Don't leave me please"
"Just set me free"
Mas lalong akong humagulgol dahil doon. Hindi ko matanggap, at kailan man hinding hindi ko matatanggap. Ang sakit sakit.
Pagkatapos namin magmahalan ng ilang taon, dito lang matatapos ang lahat.Pinunasan ko ang aking luha at humarap sa kanya na walang emosyon kahit sa loob loob ko, I fucking want to kill him and her other girl, pero wag na lang, mababahiran ang mga kamay ko ng maruming dugo nila. Let karma do the job. I hope it slaps them to death. Magsama sila sa impyerno.
Lumapit ako sa kanya at sinampal siya ng napakalakas. Binuhos ko lahat ng enerhiyang meron ako sa sampal na yon. Gusto kong maranasan niya ang nararamdamang kong sakit ngayon kahit sa isang sampal lang.
"If that's what you want. I'll do it. You're fucking free from now on. Good luck sa paglalandi mo ah? Balitaan mo na lang ako kapag nakabuntis ka na"
Napangiti na lang ako ng mapait. Alam kong matagal na niya akong niloloko, pero nagbulag bulagan ako. Kase umaasa ako na magbabago siya. Wala, mahal ko eh, anong magagawa ko?
"I'm so sorry. I hope you understand"
"You know what? I broke my own heart loving you"
Tinalikuran ko na siya at umalis na lang akong luhaan. Iiiyak ko na lang to, baka sakaling mabawasan ang sakit.
Lumipas ang mga araw pero hindi parin nawawala ang sakit. Ganun talaga siguro kapag mahal na mahal mo. Sabi nga ng mga classmate ko 'Mahal lang' 'Kapag mahal na mahal, iba na yon'.
Mas malupit pa to sa hang over eh. Ngayong araw lang ako pumasok pagkatapos ng 'break up' scene namin.
Tumayo na ako at humarap sa salamin. Ang laki laki na ng mga eyebags ko, para na akong adik. Pinahiran ko na lang ito ng cream at naligo na.
BINABASA MO ANG
Short Stories
RandomThis is a compilation of some short stories I made about what I've been encountered and realized with other's lovelife.