"Umm, look Tin, I'm sorry kung hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa inyo. Biglaan lang ito. Hindi na ako makakadaan diyan sa office ngayon. I know, I know. I'm sorry kaya nga ako tumatawag sayo, please, favor lang. Yes, I just want you to file my leave of absence in my behalf. Yes. Ibibigay ko sayo username at password ko. Pinagkakatiwalaan kita, just do it for me please. Please. Ngayon lang ito. Yes. Two weeks. File mo siya ng two weeks. Count the days simula ngayong Tuesday. Please. Ako ang bahala sayo. I will explain everything. Favor lang. Okay, thanks. Thank you talaga. Promise babawi ako sayo next time. Thanks and I'm sorry. Basta salamat. Okay. Thank you ulet. I have to go now. Thanks. See you soon."
Pagkatapos nila mag-usap sa cellphone, agad na kinuha ni Gail ang kanyang mga gamit sa banyo. Inilagay nya ang toothbrush, toothpaste sa isang maliit na bag. Kinuha nya sa kabinet ang isang bote ng kanyang iniinom na supplement at bigla ito napatigil at napatingin sa sarili nya sa salamin. Tinitigan nya ang kanyang sarili at sinisikap nyang isipin at alalahanin kung bakit gustong gusto niyang umalis ng Manila. Ngunit dinaig ng kanyang magulong isip ang kanyang desisyon na magpatuloy sa kanyang plano. Wala na itong urungan.
"Kaya ko ito." saad ni Gail sa kanyang sarili.