Alas-tres na ng umaga nang umalis siya ng bahay. Habang nagmamaneho, bumabalik sa kanyang gunita ang mga nangyari noong nakaraang sabado. Ang party. Ang mga bisitang dumalo. Ang kapitbahay na humingi ng supot para magbaon ng handa. Higit sa lahat ng mga ito, hindi niya maalis sa isipan niya si Anthony.
Gulong-gulo ang kanyang isipan habang binabagtas ang Ortigas extension hiway. Hindi na din nya napansin ang red light sa may kalye paliko ng Valle Verde at hindi siya huminto. Ayaw niyang huminto. Hindi na siya mapipigilan. Wala na itong urungan. Isang nakakabinging busina ang umalingaw-ngaw mula sa palikong kotse, nang patuloy na umarangkada si Gail kahit red light na.
3:15AM Along Ayala
"Fuck you Migs! Matapos mo.. matapos mo gawin sa akin iyon, iiwanan mo ako?"
"Ginawa ang alin? Ano bang sinasabi mo? Ibinigay mo iyon sa akin ng kusa."
"Shit ka! Manloloko ka!"
"Nasarapan ka naman di ba?”
Mag-asawang sampal ang sumalubong sa mukha ni Migs, at wala na siyang nagawa kundi tanggpin ang galit nito. Hindi na din siya maawat ni Migs. Napaatras na lamang siya at kinakapa ang door knob upang makalabas ng kuwarto. Nang mabuksan ang pintuan, mabilis siyang tumakbo papuntang fire exit upang bumaba papaalis ng condo.
"Fuck! Ang sakit. Hahaha. Pinakamasakit na atang sampal iyon ng babae sa akin."
Dumiretso sa parking lot si Migs at nagmamadaling ipinaandar ang sasakyan.
"Woooh! Single ulet. Sarap!" Sigaw nito habang nagsindi ng yosi at patuloy sa pagmamaneho.
4:17AM - SLEX Caltex Gas Station
Pagkatapos magpa-gas ni Gail, minabuti niyang magstop-over muna upang bumili ng kape at pagkain sa isang coffee shop. Agad na kinuha nito ang handbag at tinignan ang kanyang cellphone. 11 missed calls. 8 short messages. 128 email messages. Ipinasok niya ulit ito sa kanyang bag at lumabas na siya ng sasakyan.
4:17AM New Manila
"Hi! Grace? Si Tony ito. Sorry kung nagising kita. Uhmmm. Yeah, I'm okay. Well, gusto ko lang itanong sayo kung nagtext ba sayo si Gail, o baka tumawag sa iyo or kinontak ka. Ahhh. Ganun ba? Okay sige. Please lang, let me know kung tumawag na siya sa iyo. Yah! I'm okay. Thanks and sorry sa abala. Bye."
Tahimik na nakatitig si Anthony sa kanyang cellphone. Tila nagaantay na may tatawag o magtetext sa kanya. Napatingin ito sa orasan at tumayo siya para kunin ang gamot na nasa lamesa. Uminom siya ng tubig sa tumbler na kanina niya pang hawak-hawak. Bumalik siya sa kanyang upuan at nagiisip kung sino pa ang puwede niyang tawagan. Walong tao na ang kanyang ginising upang kausapin ngunit wala sa kanila ang nakakaalam kung nasaan si Gail.
"I'm sorry, Gail? I'm sorry." saad ni Anthony sa kanyang sarili habang patuloy siyang nakatingin sa kanyang cellphone.
Business Consultant si Anthony sa isang insurance company. Matangkad, moreno at maganda ang pangangatawan. Magkakilala sila ni Gail mula pa noong highschool. Siya lang ang sineryosong girlfriend ni Anthony at talagang tumagal ang pagsasama nila. 23 years old sila nang magpakasal ni Gail. Maayos naman ang pagsasama nila dahil may kanya-kanya silang career at madalas silang nagkakasundo sa madaming bagay kung kaya't lagi sila naka-suporta at naka-alalay sa isa't isa. Sa dalawang taong pagsasama, hindi pa rin sila nabibiyayaang magkaroon ng anak. Ngunit hindi nila pinepressure ang isa't isa dahil umaayon naman ito sa magandang career nilang mag-asawa.
Sa dalawang taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, may mga pagkakataon din na nagkakaroon sila ng pagtatalo at tampuhan. Ngunit madalas din naman sila nagkakaayos dahil pinaguusapan nila ito agad at hindi na pinapatagal. Nakakatulong din kasi na matagal silang naging magsyota kung kaya't kabisado na din nila ang isa't isa.