Chapter 3: Cold Winter

37 0 0
                                    

Maagang nagising si Gail at tila hirap pa siyang bumangon dahil sa sakit ng kanyang ulo. Hindi na din niya namalayang sa sahig na siya nakaidlip dahil sa sobrang kalasingan at napangiti na lang ito sa kanyang sarili. Hindi na sanay ang kanyang katawan na gumimik katulad noong nasa college pa siya. Ngunit sa loob-loob niya, nag-enjoy din naman siya kahit papaano kagabi kaya’t wala siyang dapat pagsisisihan.

 Bigla niyang naalala ang lalaking humalik sa kanya sa parking lot. Lumakas ang tibok ng puso niya dahil sariwa pa sa kanyang isipan ang itsura ng lalaking iyon. Yun na marahil ang kanyang dapat pagsisihan sa mga nangyari kagabi. Naisip niyang hindi na dapat ito maulit pa, dahil kasal pa din siya at may nagaantay pa siyang asawa sa Manila.

 Agad itong bumangon sa pagkakahiga at sabay silip sa kanyang cellphone para tignan ang oras.

5:05AM. Medyo maaga pa, kung kaya’t napagpasiyahan niya na lamang mag jogging. Agad itong nagtungo sa banyo para magshower at pagkatapos noon ay nagbihis ito ng shorts at t-shirt, at nagsuot din siya ng manipis na jacket. Dinala niya ang kanyang iPod para may mapapapkinggan siya habang tumatakbo. 

Medyo madilim pa din ang kalsada ngunit hindi naman nakakatakot mag-jogging dahil may mga street lights naman at may mga tao ding kasalukuyang nagjojogging. Agad na inilagay ni Gail ang kanyang earphones  at tumakbo papalayo sa rest house. Buo ang loob niyang libutin ang village at ienjoy ang magandang tanawin ng probinsya at ng mga naglalakihang mansiyon.

Makalipas ang mahigit isang oras, tumakbo si Gail pabalik ng rest house.  Napansin niya ang isang itim na kotse na naka-park malapit sa kanyang tinutuluyan. Nang bubuksan na niya ang gate, bigla niyang napansin ang isang lalaking natutulog ng nakaupo sa may poste ng gate. Tinanggal nito ang earphones na nakakabit sa kanyang tenga at nilapitan ang lalaking iyon. Inusisa niya ito at tinitignan niya ang mukha ng lalaki na parang nakikilala niya. Iniisip niya kung buhay pa ba ito o natutulog lang. Inaabot ng kanyang kaliwang paa ang bandang binti ng lalaki upang subukang gisingin, ngunit wala pa rin itong reaksiyon. Kung kaya’t nilakasan ni Gail ang pagsipa sa bandang baywang ng lalaki upang ito ay magising, nang bigla itong tumumba patagilid at tuluyang napahiga sa lupa. Maya-maya pa ay naalimpungatan ang lalaki dahil sa pagkakahiga nito at dahan-dahang bumangon. Sinusubukan niyang buklatin ang kanyang mga mata, na medyo nasisislaw sa liwanag, upang tignan kung sino ang taong gumising sa kanya.  Pagtingin niya sa kanyang gawing kanan ay may nakatayong babae. Naaninag niya ang isang maganda at maputing babae. Samantalang takot na takot naman si Gail dahil napalakas niya yata ang pagsipa dito kung kaya’t  nagising niya ang lalaki.

 Nagkatinginan sila Migs at Gail. Ilang segundong katahimikan at titigan. Na para bang bigla silang nabuhusan ng tubig dahil muli silang nagkita…pagkatapos ng gabing iyon.

“Ikaw?!”

 Napagpasiyahan naman ni Gail na papasukin si Migs sa rest house at inaya pa nito na mag breakfast.  Tila nakokonsensya siya sa pagsipa sa lalaki at baka nasaktan pa ito sa kanyang ginawa.

“Small world after all.”

“Ewan ko ba kung anong ginagawa mo dito.”

“Ewan ko din. Basta ako kailangan ko lang bisitahin ang mommy ko.”

Biglang Napatingin si Gail kay Migs.  “Hmmm. Hindi naman kaya sinundan mo ako kagabi?” saad ni Gail.

“I never do that.” Sagot ni Migs.

“Kahit kalian hindi ako naging stalker. Kahit pa gusto ko yung babae. Sila pa ata gumagawa nun sa akin.”

“Wow. Talaga?”

“Yeap!” pagmamalaki ni Migs.

“I think nagkamali ako na patuluyin ka sa bahay. Ang yabang mo din pala ano?” Saad ni Gail.

UnturnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon