Way back (1)

19.8K 480 71
                                    

Unang Kabanata

Pangalan

Ang pananakop ng mga kastila sa Pilipinas ay isa na marahil sa pinaka mahalagang parteng ating kasaysayan. Tatlong daan at tatlumpung tatlong taon tayo sinakop ng mga kastila kaya't di kataka taka na malaking bahagi ng ating kasaysayan at kultura ay galing sa mga Espanyol.

Sabi nung kaklase ko habang nagrereport sila sa unahan tungkol sa Kapanahunan nang pananakop ng mga Espanyol. Habang sila ay nagsasalita sa unahan ay syang parang hinihipan naman yung mga mata ko. Pikit-mata ako pero ang diwa ko ay gising pa.

Sa totoo lang, sa lahat ng subject ko ito ang pinaka-ayoko sa lahat. Bakit pa eh simula't elementarya ay dini-disscuss na yan ng mga guro hanggang ngayon ba naman kolehiyo na ako ayan parin ang pinagaaralan? Di naman sa wala akong pakundangan o ano pero kasi paulit-ulit na. Oo malaki ang utang na loob natin sa ating mga ninuno o mga taong nabuhay noon pero kelangan ba talagang hanggang ngayon yan pa rin ang pag-usapan? Dagdag sayang pera lang yan at oras. At isa pa di ba sabi nila 'Past is Past? Maging masaya nalang tayo sa buhay na meron tayo ngayon at pasalamatan sila ng buong puso. Yun lang pwede na. Eh kaso parang namemera nalang ang paaralan sa paulit-ulit na history subject na ito eh. Mahal pa naman per unit ang bayad tas imbes na nagpo-focus na kami sa major subject na dapat pag aralan lalo na ang kurso ko ay may kinalaman sa buhay at kalusugan, heto ako at pinag-aaralan ang kasaysayan na sa halos 15 years ko nang pinag-aaralan.

"SERNA! Natutulog ka na naman!" galit na tawag sakin ng professor kong si Teodoro Luna na napaalimpungatan sa akin.

At dahil sa likas akong tahimik at walang pakielam na estudyante ay tiningnan ko lang sya.

"Hindi porket isa ka sa may pinakamataas na ranggo sa kursong ito at dean lister ka ay babaliwalain mo na ang aking subject na ito! Tandaan mo kung di dahil sa mga taong dini-discuss nitong mga kaklase mo sa unahan, ay wala ka sana ngayon sa iyong kina uupuan. Pakikinig na lang ang paraan at respeto ang kailangan sa kabayanihan nila tas ikaw di ito binibigyang halaga" mahaba pang litanya nito. Aba Aba sumobra naman ata ang sinasabi nya.

"Mawalang galang na po Sir. Tanong ko lang sa inyo sang part ako di rumespeto at nakinig? Sa pagkakatanda ko simula elementarya ay pinag-aralan ko na yang subject nyo at inintindi. Gumawa pa ako ng report na puno ng aral at isinabuhay ko rin ang ilan sa mga mabuting gawaing ginawa ng mga Pilipino noon. Ngayon kahit itanong nyo sa akin lahat ng pangyayari ay sasagutin ko lahat-lahat kahit hindi ako nabuhay noon. At kung wala akong pagpapahalaga di sana'y wala ako ngayon sa iyong klase at umuwi na kesa magsayang ng oras kahit alam ko na ang pangyayari sa itinuturo mo. Isa pa po pala bago ako umupo, hindi ako natutulog. Maaaring nakapikit ang aking mga mata ngunit ang diwa ko ay nakikinig sa mga sinasabi nila. Bakit imbes na ako ang iyong punahin ay hindi ang mga tao sa likod ang iyong mas pagtuunan ng pansin kung may natututunan ba sila habang nagtatawanan at nagbubulungan?" mahabang litanya ko sa kanya.

Hindi naman sa pagiging bastos na estudyante pero pinagtanggol ko lamang ang sarili ko. Gaya ng sinasabi nya samin lagi na 'nasasaatin na ang kalayaan' kaya ginagamit ko lamang ang kalayaan kong ipagtanggol ang aking sarili lalo nat alam kong akoy nasa tama.

Ilang minuto rin natahimik ang klase. Pero salamat na rin sa bell ng elementary students na rinig hanggang dito sa college dept na tumutunog ng malakas hudyat na alas-tres na ng hapon at time na ang professor kong walang kilalang estudyante sa klase nya kundi ako (with sarcastic tone). Yep alaga akong tawagin ng professor na iyon at masasabi ko sa lahat ng prof sya lang ang may lakas ng loob na puna-punahin ako. Ang iba ko kasing prof mapa-major or minor ay kinatatakutan ako sapagkat namumuna ako ng professor na nagtuturo ng mali sa kanyang estudyante. Aba dapat lang na higit ang guro kesa sa kanyang tinuturuan.

Camino de Regreso (Way back 1895)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon