Way back (3)

9.7K 280 46
                                    

Ikatlong Kabanata

Theron

Kinabukasan, wala akong dinalang gamit kundi yung libro lamang na binasa ko kagabi na di pa naman pala tapos. Ire-report ko na ito kay Maam Cora para mapaltan nung author at maibigay yung copy na buo.

"Apo bakit balita ko si Miggy ay lagi daw ginagabi na ng uwi nitong nakaraang linggo dahil daw sa may school activity dun sa drama club ba yun? Di ba member ka rin nun?" tanong sa akin ni Lola habang nagbuburda samantalang ako ay nagtatali na ng aking sapatos pampasok.

"Ah Opo La sya po kasi ang gaganap na Florante kaya kailangan talaga nyang magpraktis" sagot ko nalang dito.

"Eh sino ang gaganap na Laura, hindi ikaw?" may pagtatakang tanong nito sa akin.

"Hindi po ako La, si Ericka po na schoolmate ko ang gaganap bilang Laura" sagot ko sakanya na bahagyang nagpatigil sa pagbuburda nito. Dismayado naman syang tumingin sa akin at iiling-iling.

"Bakit naman hindi ikaw apo? Tamang-tama ka bilang Laura atsaka di ba isa ito sa mga pangarap mo ang maging aktres kaya ka sumali jan sa drama club na yan?" tanong pa nito. Ayaw ko namang sabihin na 'La kapag kasi ako yung gaganap na Laura, kailangan lagi ako sa praktis at lagi rin akong gagabihin ng uwi. Ayaw ko naman mag-alala ka sakin' kapag sinabi ko yan for sure kukurutin lang ako nito at pagsasabihan na matanda lang sya pero malakas pa sa kalabaw kaya kahit gabihin ako kaya nya parin akong sunduin.

"Di bale alam ko naman sayo nararapat ang role na iyon" may paniniguradong sambit nito sa akin bago ako tuluyang umalis.

Pagdating sa school dumiretso na agad ako sa library kaso sa halos 45 minutes kong pag-iintay ay di parin dumadating si Maam Cora kaya ang ending di ko parin nasabi ang tungkol sa libro kasi mala-late na ako sa first subject namin, major pa naman yun.

Lunch time bumalik ulit ako sa library, this time open na sya kaso may kausap naman si Maam Cora. Di ko na sana papansinin at babalik nalang ulit mamaya nang mapansin ko na seryoso ang pag-uusap nila ni Maam Criselda Romero? Close pala sina Maam Cora at Criselda, bakit ngayon ko lang nalaman? Kung subagay dati namang Filipino teacher si Maam Cora baka dahil may tinatanong lang si Maam Criselda? Eh bakit sobrang oa naman yata sa seryoso na pati presensya ko di naramdaman eh nasa harapan lang naman ako?

Hapon bago maglabasan nung saktong maabutan ko si Maam Cora na mukhang magsasara na ng library at nagmamadaling umalis kaya naman agad ko syang tinawag.

"Maam Cora!" napatingin naman ito sa akin.

"Oh Estiel mukhang may mahalaga kang sasabihin?" diretsuhang tanong nito habang nakatingin sa aking mga mata na parang sure na sure na may sasabihin talaga ako at expected na nya.

"Ah Opo, gusto ko sanang sabihin sa inyo na itong librong ito ay mukhang di pa po tapos isulat nung author kaya ipapasabi ko po sana kung may other copy if ever nang maproof read ko po agad"

"Di pa talaga tapos yan!" pabulong nitong sabi na hindi ko naintindihan.

"Po, ano po yun?" paguulit ko dito.

"Ah Ija ganito hanapin mo si Theron sya lang ang may contact dun sa author niyan" sabi nito sa akin na kinakunot ng aking noo. Sino naman yun?

"Sino po yun? Atsaka san ko po sya makikita dito sa campus?" naguguluhan kong tanong dito. Medyo natawa naman sya sa reaction ko yata. Srly?

"Wala akong alam eh basta Theron ang name nya...ah medicine ang course nya. Yun lang ang natatandaan ko sa kanya. Pasensya na Ija" medyo nahihiya nyang sabi sa akin. Tsk. Buti nalang ka-department ko yung sinasabi nya. Di pa naman ako friendly kaya for sure mahihirapan akong mahanap kung sino man yun.

Camino de Regreso (Way back 1895)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon