Way back (8)

6K 219 53
                                    

Ika-walong Kabanata

Rebelasyon

"IKAW?"

"Ikaw?"

Sabay namin sabi habang parehas nakaduro sa isa't-sa, yun nga lang mas  nangingibabaw ang aking boses.

"Sandali magkakilala kayo?" tanong ni Kuya Fabio sa aming dalawa

"HINDI"

"Hindi"

Sabay ulit naming sabi na nagpakunot ulit ng noo nila.

"Kung ganun bakit ganyang ang reaksyon nyo pagkakita sa isa't-isa?" tanong pa ulit ni Kuya samin. Anu ba yan, anong sasabihin ko?? Isip Estiel, kailangang maka-isip ka kaagad.

"Ah eh ibig kong sabihin. IKAW pala Ginoo ang ikalawang anak nina Heneral Orlando at Donya Esperanza hehe" medyo pilit na pagtawa ko pang sambit dito na ikinasimangot ng mukha nito. Huh akala mo naman kung sino. Che!

"Ikaw din Binibini, sinong magaakala na ikaw ang bunsong kapatid ni Ginoong Fabio?" sabi nito na halatang di ako gustong kausap. Pwes ako din noh!

"Kung gayon kayong dalawa ay magsi-upo na nang makilala pa ninyo ang isa't-isa" sabi ni Heneral Orlando na nakapagpataas ng kilay ko. Kahit wag na, di naman kawalan kung siya'y hindi ko makilala ng lubusan tss.

"Kumpadre, Donya Eleanora, mga Ginoo at Binibibini, nais kong ipakilala sa inyo ang ikalawa kong anak na si Lucio." nakangiti naman itong binati ng pamilya de la Serna. "Lucio, sila naman ang pamilya De la Serna at magmano ka muna sa iyong tumatayong ikalawang mga magulang noong ikaw ay binyagan" pagpapakilala nito dito. Like F Lucio ang name nya?? Di ba Theron?? No.. Baka gaya lang kami na nagpapanggap na ibang tao sa panahong ito, think positive lang dapat. At ano daw ninong at ninang, magiging kinakapatid ko pa ata ito, malas ko naman.

Agad naman itong lumapit kina ama at ina sabay mano "Sila naman ang mga Binibining anak nila sina Binibining Anatalia, Binibining Flordeliza at Binibining Celestina" dagdag pa nito kaya naman napatingin itong si Lucio/Theron sa amin sabay bumati kagaya ng ginawa ni Lucas kanina.

"Ikinagagalak ko kayong makilala mga Binibini" sabi nito na kina Ate Lia at Ate Flor lang nakatingin. Aba't, anong tingin nya sakin invisible?

"Kinagagalak ka rin naking makilala Ginoong Lucio" sabay na sabi ng dalawa kong Ate. Oo sila lang, at bakit ko sasabihin 'kinagagalak ko siya makilala?' kung batid ko na hindi rin naman niya ako gustong makilala? Ano ako hilo? The feeling is mutual dude!

Patay malisya na lamang itong naupo sa bakanteng upuan karatig ni Ismael na siya ring katapat ni Kuya Fabio at since ako naman ang katabi ni Kuya kaya malaya akong mabwiset sa magkapatid na nasa aking harapan.

Biglang namang tumayo si Ismael at sya daw ay may importante pang gagawin. Napataas naman ang kilay ko sa inasta nito. Tapos naalala ko na may dapat nga pala itong sabihin kanina na nadamay pati pangalan ni Celestina kaso biglag dumating itong si Theron/Lucio kaya di natuloy at palagay ko nakalimutan na nina Ama ang sasabihin nito kaya umalis nalang din ito. Tsk poor Ismael kung bakit kasi kanina pa dapat sasabihin, di masabi-sabi yan tuloy napurnada.


Nagpaalam ako kina Ama at Ina kanina na maglalakad-lakad lang muna dito sa may hardinan ng Hacienda Villafuerte at pumayag naman sila basta daw dito lang ako sa malapit. Nais ko pa sanang mag-comment ng 'Ano ako bata lang ang peg?' kaso dapat nga pala mahinhin at magalang ang tingin nila sa akin kaya pinigilan ko maski pagtataray. Hayss.

Kay gaganda ng mga bulaklak nila dito sa kanilang hardin. Ang sabi ay si Donya Esperanza daw ang nag-aalaga sa mga ito. Kay ganda ng mga rosas tapos meron pala silang gazebo na napapalibutan rin ng mga parang baging. Mamaya nalang ako papasok dun kapag napagod na ako sa kakapasyal.

Camino de Regreso (Way back 1895)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon