Way back (42)

2.8K 92 33
                                    

Ika-Apatnapu't Dalawang Kabanata

Kaarawan nang kasawian

"Sigurado ba si Ama dito? Hindi ako mapakali parang may mali e" sabi ni Ate Flor habang hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan.

Ngayong araw na kasi ang kaarawan ni Don Facundo Izquedor na gaganapin sa kanilang mismong hacienda. At ngayon nakagayak na kaming lahat maliban kay Ina na inaayusan pa ni Tala.

Hindi na lamang ako nag komento sa kanya at nanatiling natahimik na lamang sa isang tabi. Maging kasi ako ay hindi pabor sa desisyon ni Ama na isama pa si Ina sa pagdiriwang na iyon gayong batid nya ang kalagayan nito. Mahigpit nyang pinag-uutos samin na dapat walang makaalam pero ngayon eto sya at pinapahamak lalo si Ina!

Bumukas ang pinto ng silid ni Ina at lumabas si Tala habang akay-akay ito. Hindi kagaya nitong mga nakaraang araw, mas naging kalmado ngayon si Ina at sa di malamang kadahilanan, parang mas lalo akong nangangamba sa kondisyon nya ngayon. Tanging pagkurap lamang ang kaniyang ginagawa at maging sa pagkain ay pilit na pilit pa syang pagalawin. Hindi ko alam pero may nararamdaman akong kakaiba kung bakit ganiyan ngayon si Ina. Para kasing sinadya para sa araw na ito ang kanyang kondisyon.

Maputla si Ina at bumagsak na ang katawan nito. Tanging pulbos lamang ang tumatakip sa eyebags nito sa mata habang pinahidan ng pampapula ang labi nito upang hindi mahalata ang namumutla nitong mukha.

"Tayo na" biglang sabi ni Ama na hindi namin namalayan na dumating na pala. Agad itong lumapit kay Ina at inakay ito pasakay ng kalesa at wala na kaming nagawa kundi sumunod sa kanya palabas ng bahay.

Nasa malayo palang kitang-kita na ang dami ng tao sa hacienda ng mga Izquedor na karamihan ay halos nasisinigan ng araw ang mga kasuotan sa kaningningan.

Nang tumigil ang kalesa sa di kalayuan, inalalayan kami nina Ama at ng kutserong makababa. Sinalubong naman kami ng Familia Izquedor na may ngiti sa mukha habang ang Donya Veronica ay nakangisi sa akin.

"Maraming salamat sa pagdalo Pamilya de la Serna. Tiyak na matutuwa ang aking asawa kapag nakita kayo" saad ng Donya habang bineso ang walang kareak-reksyon na si Ina.

"May munti nga pala kaming dalang handog para kay Don Facundo, sanay magustuhan nya. Nasan pala sya?" Tanong dito ni Ama habang nililibot ng paningin ang buong lugar uoang hanapin ito.

"Ah e maaaring nasa tabi-tabi lang sya at abala sa pag-aasikaso ng ibang mga bisita. Hayaan mo mamaya haharapin naman nya kayo" sagot naman ni Donya na tinanguan ni Ama. Doon nalipat ang aking paningin sa biglaang pagpapalit ng reaksyon ni Don Thomas. Maya-maya pa'y bumulong ito sa Ina na kinasimangot ng Donya ngunit nang mapansin na nakatingin kaming lahat sa kanya ay biglaang napaltan muli ng ngiti ang mukha nito.

Tinapik ni Don Thomas sa balikat si Ama upang magpaalam na aalis muna sandali.

"Ah mabuti pa'y pumasok na tayo sa loob upang makisalamuha sa iba pang mga maharlikang kamag-anak ng aming angkan" mayabang na saad ng Donya at nagpatiuna na pagpasok sa loob ng kanilang mansyon.

Puros makukulay na palamuti at mga eleganteng bagay ang sumalubong sa amin kasabay ng mga taong posturang-postura at nagkakasiyahan sa loob. Very classic and yet elegant ang peg!

Masasabi ko na halos di ko kilala ang mga taong naririto ngunit mukha ang ilan sa kanila ay nakikilala si Ama dahil panay ang bati ng mga ito dito gayundin naman ang pagtatanong nila kung ano ang nangyari kay Ina.

"Oo nga naman Heneral, wag mo sanang mamasamain ngunit sa aking palagay ay napapabayaan na ng inyong asawa ang kanyang kalusugan at bukod doon, mukhang masama ang kanyang pakiramdam dahil kanina pa syang walang kibo" komento din ni Donya Veronica na nagpatahimik kay Ama. Wala ni isa sa amin ang nakasagot kung kaya naging awkward ang sandali.

Camino de Regreso (Way back 1895)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon