Prologue:

1.4K 19 2
                                    

*BOOOOOOOOGGGGGSSSSSSHHHHHHHHH*

nakarinig ako ng isang malakas na pagsabog di kalayuan sa aking kinalalagyan. ito na siguro ang tamang oras para makatakas sa kanila.

pilit akong tumayo kahit na hinang hina na ako at marami na din akong sugat sa katawan. sinamantala ko ang pagkakataon habang lahat sila ay nagkakagulo. kaunti na lang at makakalabas na ako sa lugar na ito.

"at saan mo balak pumunta?" agad akong lumingon. nakita ko ang isang lalaki na nakaputi. may nakatutok sa akin na kung ano.

ng makabawi ako sa pagkagulat ay dali dali akong tumakbo papalabas ng lugar na iyon.

*BANG*

may naramdaman akong tumama sa aking kanang braso. sobrang sakit nito. mabuti na lang at nakalabas na ako. mas binilisan ko pa ang pagtakbo at hindi ko na inalintana ang tama sa aking braso.

ngunit di nagtagal ay di ko na nakayanan ang sobrang pagod at sakit ng katawan ko kaya bumagsak ako sa sahig. may naaaninag akong ilaw na papalapit sa akin.

"oh my god! Elliot! Elliot! may babae ditong sugatan. tulungan natin siya bilis!"

"iha! iha! ayos ka lang ba?"

iyon na lamang ang huling narinig ko at bigla na lang nagdilim ang paningin ko.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

what can you say guys sa prologue? PLEASE DO COMMENT AND VOTE na din po. thankies!!!!!!!!

۞The Legendary Sorceress's Heart۞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon