† LEGEND 3: The Training

273 14 0
                                    

hi guys! ipupublish ko lang po ulit yung legends 3-6. nawawala po kasi eh. so please read and vote po ^-^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

(Ameerah’s POV)

Lahat kami ay nagulat sa aming nasaksihan. Kaya pala ganoon na lamang ang itsura ni Thane kanina ng dumating siya sa klinika.

Agad namang nagpatawag ng isang malaking pagpupulong si ama. Kasama sa pagpupulong na iyon ang mga matataas na opisyal ng kaharian at ang 10 sorcerers n gaming pamilya. Maging si Andreus ay kasama sa pagpupulong dahil siya ang namumuno sa mga warriors ng kaharian.

Katulad ng nagging reaksyon naming kanina nila ama ay ganoon din halos ang naging reaksyon ng mga kasama sa pagpupulong.

“kailangan nating gumawa ng paraan sa lalong medaling panahon” wika ko sa kanila

“sumasang ayon ako kay ate Ameerah” sagot naman ni Thane

“ngunit may naiisip ba kayong paraan para dito?” tanong naman ni Fernando

“maaari tayong gumawa ng malakas at matibay na harang sa buong Latonia upang masiguro ang kaligtasan ng ating mga mamamayan” sagot ko sa kanya.

“magandang edeya mahal kong anak. Sino sa inyo ang tumututol?” wika ni ama

Agad kong inilibot ang aking paningin. Walang sino man ang tumutol sa akin.

“kung ganoon ay dapat na tayong kumilos upang magawa ang harang.” – Ama

“kailangan din po nating sanayin ang mga warriors para maihanda sila sa nalalapit na laban” wika naman ni Andreus.

Lahat naman ay sumang ayon sa kanya. Agad din namang natapos ang pagpupulong. Bukas na bukas din ay isasagawa ang matibay at malakas na harang sa buong Latonia.

Papalabas n asana kami nila Andreus at Thane ng biglang magsalita muli si Ama.

“Andreus at Ameerah, nais kong sanayin niyo si Thane sa pakikipaglaban”

Tumango lang kami kay ama bilang tugon

“0.0! ama naman! Alam niyong ayaw ko sa mga ganyan” reklamo ni Thane

۞The Legendary Sorceress's Heart۞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon