†LEGEND 10: Decline of Latonia, Rise of the Shahzadeh

192 12 0
                                    

medyo napatagal ang next UD ko he-he-he. Hope na magustuhan niyo tong UD. ^_^

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Uzmir's POV)

matapos mapatumaba ni Baron sina Kester ay agad niyang ipinakulong ang mga ito. nandito kami ngayon sa harap ng palasyo ng Latonia at nasa harapan din namin ang mamamayan ng Latonia na takot na takot dahil sa nangyaring gyera.

"Nais kong ipaalam sa inyo na ako na ang magiging bagong hari niyo" ani ni Baron. kanya kanyang mga bulungan ang naririnig ko. may mga pagtataka at may iba ang tumututol.

"ngunit nasaan ang haring Kester?" tanong ng isa

"hindi ka karapatdapat na maging hari namin!" siagw pa ng isa

"LAPASTANGAN KA!!!" sabi ni Baron sabay tutok ng scepter sa kanya...

"Ma anna teile kurblik karistus, mis aeglaselt sind tappa" pagkabigkas niya nun ay bigla nalamang napaluhod ang lalaking tumutol sa kanya at panay ang sigaw nito. mababakas sa kanya ang matinding pagdurusa at di nagtagal ay binawian na siya ng buhay.

bakas sa mga mukha ng mga mamamayan ng Latonia ang pagkabigla at pagkatakot dahil sa nasaksihan nila.

"ANG SINO MANG TUMUTOL SA INYO AY TIYAK NA MAHAHATULAN NG KAMATAYAN........." saad naman ni Amasis na kanang kamay ni Baron

".......SIMULA NGAYON AY TATAWAGIN NA ANG KAHARIANG ITO BILANG SHAHZADEH. ANG SINO MAN SA INYO ANG MAHUHULI NA LUMABAG SA MGA BAGONG PATAKARAN AY MAHAHATULAN AGAD NG KAMATAYAN."  napasinghap ang lahat sa kanyang sinabi. bakas naman sa mga labi ni Baron ang isang ngisng tagumpay

"........ SI KING BARON AT ANG KANYANG PAMILYA ANG BAGONG MAMUMUNO SA KAHARIANG ITO. NAIS KONG KAYO AY MAG BIGAY GALANG SA KANILA"  noong una ay nag-aalinlangan pa sila ngunit di nagtagal ay isa isa na silang lumuhod sa harap nila Baron bilang pag-galang.

".....TINATANGGAP NIYO BA SI KING BARON BILANG BAGONG HARI?" Wala man lang ni isa ang sumagot sa kanila. maya maya pa ay biglang itinaas ni Amasis ang kanyang scepter at naglikha ito ng malalakas na kidlat.

"...... INUULIT KO! TINATANGGAP NIYO BA SI KING BARON BILANG BAGONG HARI?"

"opo tinatanggap namin" sabi nila ng may halong pagkatakot at pagkabahala.

"KUNG GAYON AY BUMALIK NA KAYO SA INYONG MGA TRABAHO". matapos nun ay pumasok na kami sa loob ng palasyo.

"magaling! ngayon ay napasakamay ko na ang Latonia. maramang salamat sa iyong kooperasyon Uzmir." tumango na lamang ako bilang tugon.

"Keenan nais kong hanapin mo at dalhin mo sa akin ang kanilang anak." utos niya sa kanyang anak.

۞The Legendary Sorceress's Heart۞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon