†LEGEND 18 (Edited)

63 6 0
                                    

(Third Person's POV)

*toooot* *toooot*

tanging ang tunog lamang nga mga makina ang maririnig sa loob ng isang silid sa ospital na ito.


"magigising pa po kaya ang apo ko Doc?" tanong ng matandang babae sa doktor na kapapasok pa lamang sa silid na iyon.

"hindi pa po natin masasabi iyan Mrs. Stonehearth. Inoobserbahan pa po namin ang kanyang kalagayan base po kasi sa mga natamo niyang mga sugat ay tiyak na mahihirapan po itong makarecover idagdag na po natin ang trauma sa kanya."

"ganun ba?" bakas sa boses ng matanda ang panghihinayang at ang pag kalungkot.


"pasensya na po kailangan ko na pong umalis at marami pa po akong pasyenteng gagamutin" matapos noon ay tuluyan ng lumabas ang doktor.

agad namang nilapitan ng matanda ang kanyang apo na ngayon ay walang malay at maraming nakakabit na mga aparato sa kanyang katawan.

naupo ang matandang babae sa katabing silya ng hinihigaan ng kanyang apo at marahang hinawakan nito ang kamay ng kanyang apo.




"apo, gumising ka na......"




"hindi ko na kakayanin kung mawawala ka muli sa akin......"


unti unti ng nakatulog ang matanda dahil na din siguro sa pagod at matinding kalungkutang nadarama.


naalimpungatan ito ng maramadaman niya ang unti unting pagagalaw ng kamay ng kanyang apo na labis niyang ikinagulat.

laking gulat na lamang niya ng mag mulat ito. hindi malaman ng matanda kung ano ang dapat niyang gawin.


"Doc! Doc! yung apo ko gising na! " sigaw niya.


"Apo! kamusta ang pakiramdam mo? may masakit ba sayo?" nagpapanick na tanong nito sa kanyang apo


"s-sino po kayo?"

tila natigilan ang matanda sa sinabi ng kanyang apo.


"Apo! ako ito ang iyong lola" umiiyak na turan nito sa kanya.


"L-lola?" takang tanong nito.


"doc! doc! ano pong nangyayari sa apo ko?" naguguluhang tanong niya pagdating ng doktor.


"maaaring nagkaroon siya ng temporary amnesia dahil sa natamong trauma ng kanyang utak."


"Ang apo ko!" nanghihinayang at labis ang pagkadismaya niya ng mga sandaling iyon.


"patuloy po namin siyang oobserbahan upang matukoy kung ano pa ang mga pinsalang naidulot sa kanya ng aksidenteng kinasangkutan ng iyong apo."

chineck pa muna ng doktor ang kalagayan ng pasyente at ilang sadali din ay lumabas na din ito ng silid.


lumapit naman ang matanda sa kanyang natutulog na apo.


"pangako apo hinding hindi na kita muling papabayaan at hindi na kita muling hahayaang mawalay sa piling ko."










Makalipas ang ilangbuwan..............
















*KRIIIIIIIIINNNNNNNGGGGGG*








*BOGSH*












"Ihaj! Dyos miyo! Binasag mo nanaman yung alarm clock mo! Bumangon ka na nga dyan apo."


"La! 5 minutes!"

Sabi ko sabay talukbong ng kumot. Inaantok pa ako ee >.


"SASKIA LEXINE SHAYDE!" Sabay hila ng kumot ko.


Waaaah! Galit na si Lola!


"Hehehe ^_^V babangon na po ako lola."sabi ko sabay tayo sa kama at kuha ng towel para maligo.


"Hay nako ihaj! Bilisan mo at baka malate ka pa sa bago mong school. ke bago bago mo pa lang doon ee magpapalate ka na agad"


"eto na po lola!" Sabi ko sabay salute pa sa kanya. Napailing na lang siya at lumabas na ng kwarto ko. Pumasok na din ako sa banyo para gawin ang dapat gawin.


Oh! by the way ako nga pala si Saskia (sas-kee-ah) Lexine Shayde. 17 yrs of age and 2nd year college sa Ichtaca Academy. weird name right? ewan ko din ba kung bakit yan ang napili kong pasukan maging si lola ay nagulat din. Sa una ay pahirapan ko pang kumbinsihin si lola pero pumayag na din sa huli. Nagtataka nga ako kung bakit ayaw niyang doon ako pumasok ee pero siguro ay dahil doon ako titira sa dorm sa loob ng school at every week end lang kami pinapayagan lumabas ng academy. But well para saan pa ang pagpasok ko doon kung hindi ko aalamin diba.

paano ko ba nalaman ang academy na yan? hindi ko din alam ee hahaha pero seryoso hindi ko alam kasi nagulat na lang ako nung may napulot akong papel na ang kalahati ay sunog at ang tanging nababasa na lamang ay ang pangalan ng academy. kaya naisipan kong doon na lang pumasok since drop naman na ako sa dati kong scchool sa dami ba naman daw ng mga kalokohang pinag gagawa ko doon at sa dami na din ng absents ko simula daw nung mamatay ang parents ko.

naputol ang pag-iisip ko ng bigla akong tawagin ni lola upang kumain na ng umagahan. at ayun sabay na kaming kumain ni lola.

"nako apo! mag-iingat ka doon hah? huwag mong pairalin ang pagiging matigas ang ulo. kumain ka sa tamanng oras. huwag mong papabayaan ang sarili mo. lagi mong iinumin ang mmga gamot mo. huwag mo ding papabayaan ang pag-aarala mo. galingan mo doon hah. basta lagi kang mag-iingat." mahabang litanya ni lola habang yakap yakap ako ng mahigpit.

"lola naman. para namang hindi ako uuwi dito." sabi ko sa kanya sabay kalas nga yakap.

"basta mag iingat ka doon at tumawag ka sa akin kung may problema"

"opo la! mag iingat din po kayo dito." sabi ko habang ipinapasok sa loob ng kotse ang mga gamit ko.

"o sige na po lola alis na po ako. mag iingat po kayo hah?" sabay halik sa kanya. tumango na lamang siya habang pinipigilan ang kanyang pag iyak.

sumakay na lamang ako sa aking kotse at pinaandar na ito.  kumaway ako sa kanya bago pa ako makalayo sa bahay. hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko na agad ko din namang pinunasan. uuwi pa din naman ako sa bahay noh. hay! ang dapat kong isipin ay kung anong mangyayari sa akin sa Ichtaca Academy? hay! kinakabahan ako. hindi ko pa kasi nakikita ang academy dahil through email ang pag eenroll doon at ipinadala na lamang sa amin ang mapa iba pang mga gamit tulad ng schedule ko, uniform, at ang susi ng magiging dorm ko.

saan na nga pala ang daan?muntik ko ng makalimutan ung mapang ibinigay! buti na lang at nagbigay ng mapa ang academy dahil kung hindi ay baka kung saang lupalop na ako ng pilipinas na padpad.

sinundan ko na lang ang dereksyon sa mapa. maya maya pa ay wala na akong matanaw na mga bahay o gusali kung di ang mga nagtataasang mga puno na ipinagtaka ko. tinignan ko muli ang mapa pero tama naman ang dereksyong tinatahak ko. nagkibit balikat na lang ako at ipinagpatuloy ang pag mamaneho ko.

habang nagmamaneho ay hindi ko napigilan ang matinding kabang nararamdaman ko. pakiramdam ko ay may nagmamasid at sumusunod sa akin. binilisan ko na lamang ang pagpapatakbo ng aking koste.

hindi nagtagal ay unti unti ko ng natatanaw ang isang arko..


Welcome to Ichtaca Academy

 




۞The Legendary Sorceress's Heart۞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon