†LEGEND 8: The Battle (Part two)

192 10 0
                                    

eto na po yung next UD. sensya na kung medyo natagalan gawa ng busy sa school. PLS keep READING, VOTING and COMMENT your opinions^_^ Thanks xD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

A day before the said attack...........

(King Kester's POV)

batid kong ang mga Kwintas mula sa mga makapangyarihang sorcerers ang habol nila pati na din ang anak kong si Ameerah na siyang itinakda bilang isang legendary sorceress ngunit hindi pa ito alam ni Ameerah. hindi ko gustong malaman niya ang tungkol dito dahil alam kong malalagay lang sa panganib ang kanyang buhay. tanging kami lang ng asawa ko at ilang sa 10 sorcerers ng pamilya ang may alam tungkol doon.

"Kester, nag-aalala ako kina Ameerah. baka makuha siya ng mga Dark sorcerers" nag-aalalang tanong ni Yvanna ang aking asawa.

"hinding hindi mangyayari iyon. magkamatayan muna bago nila makuha ang aking anak" tiim bagang kong sambit sa kanya.

Back to present............

(Ameerah's POV)

agad kaming pumunta sa labas ng Latonia. laking gulat na lang namin na talaggang nagtagumpay silang wasakin ang harang na aming ginawa. unti unti na ding nasisira ang bayan ng Latonia at marami na rin ang sugatan sa mga warriors namin.

hindi na kami nagpaligoyligoy pa nila Thane at Andreus. agad na kaming sumabak sa labanan. hindi ko maatim na manuod na lang sa isang tabi. gagawin ko ang lahat ng aking makakaya maligtas lamang ang mga mamamayan ng Latonia.

agad kong sinugod ang mga dark sorcerers na sinisira ang mga kabahayan. medyo marami sila pero hindi ako magpapatalo. sila ama naman ay nasa may bukana ng palasyo. kailangan nilang bantayan ito.

ginagamitan ko sila ng ibat ibang mahika na alam ko at nakikipaglaban din ako gamit ang aking scythe. medyo marami na din akong natalo sa kanila pero kada may mapapatumba ako ay agad na may pumapalit na iba. kailangan ko na talagang serypsohin to. hindi bastabasta dark sorcerers ang mga ito. batid kong matataas ang kanilang ranggo.

"usted va a morir en un solo instante" pagkabigkas ko ng spell na iyon ay naglaho ang aking mga kalaban na parang bula. 

"AAAAAAAAAAAAAAARRRRRRRRRRRGGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHHHH" sigaw yun ni Thane. kailangan ko siyang tulungan. hindi basta basta ang mga kalaban namin.

agad ko siyang pinuntahan. mayroon na siyang mga galos sa katawan at batid kong nanghihina na siya. hindi talaga siya sanay na makipaglaban ng ganito. marami din ang kanyang kalaban.

agad na din akong sumugod sa mga kalaban ni Thane.

"poner un escudo poderoso de mi hermana" sambit ko uli ng isa pang spell. ang spell na iyon ay para sa isang malakas na panangga na inilagay ko sa palibot ni Thane. hindi ito maaaninag ng sinuman pwera na lang sa gumawa nito. hindi na ako gaanong mag-aalala sa kanya ngayon.

kailangan kong puntahan sila ama at tulungan ang mga warriors sa pakikipag laban.

papunta na sana ako sa kinalalagyan nila ama ngunit may mga humarang sa aking mga kalaban.

masmarimi sila kumpara kanina at para bang ako talaga ang kanilanng pakay. unti unti naman silang nagbibigay daan sa gitna at may lumabas na isang lalaki. mas matangkad ito sa akin ngunit hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil siya ay nakamaskara ng itim.

"kamusta kana mahal kong Prinsesa Ameerah" sambit niya sa akin ng makarating siya sa harap ko. aatras na sana ako ngunit hindi magawang igalaw ang mga paa ko.

"sino ka?!" tanong ko sa kanya

"ako ang iyong prinsipe mahal ko" sabi niya at unti unti ulit siyang lumapit sa akin. 

halos hindi ako makapaniwala sa kanyang ginawa. hindi ako makapaniwalang hinalikan niya ako ng ganun ganun na lang.

pagkatapos niya akong halikan sa aking mga labi ay muli siyang tumingin sa akin ngunit hindi pa din siya lumalayo sa akin. may sumilay na isang ngiti sa kanyang mga labi. laking gulat ko na lang ng mawala siya sa harapan ko.

"anong karapatan mo para halikan  si Ameerah" agad akong lumingon. nakita kong nakaupo na sa sahig yung lalaki at kaharap niya ang galit na galit na si Andreus.

agad namang tumayo yung lalaki sabay ngisi kay Andreus. muling sinugod ni Andreus  yung lalaki at ganun din ang lalaki. sinubukan ko ulit na igalaw ang katawan ko ngunit hindi pa din ako makagalaw. batid kong ginamitan nila ako ng dark magic.

"detener a todos ustedes!" bigla na lamang bumagsak yung mga nakapalibot sa aking mga kalaban. dahilan upang ikagulat ko.  batid kong si ama ang may gawa nun. unti unti na din akong nakakagalaw. nakalapit na din sa akin sina AMa at kasama nila si Thane at ang iba pang mga Warriors. di nag tagal ay tumigil na din sa paglalaban sina Andreus at yunng lalaki.

ngumisi muli ang lalaki at unti unting umatras. agad namang lumapit sa amin si Andreus. maya maya lang ay bigla na lang dumilim ang paligid at laking gulat namin ng mayroon na ulit na kapalibot sa aming mga kalaban hindi ito basta bastang kalaban. ang mga nakapalibot sa ain ay mga halimaw na mas malalaki at batid kong malalakas.

kasama ng mga halimaw ang lalaki kanina at ang matandang babae at lalaki na batid kong kasing edad nila ama at ina.

"kamusta kana Kester?" mapangasar na tanong sa kanya nung matandang lalaki.

sino ba talaga sila? bakit kilala nila ang aking ama? anong pakay nung lalaking nakamaskara sa akin? ano ang plano nila sa amin?

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

sino kaya yung lalaking yun at ano ang connection niya sa buhay ni Ameerah? abangan po sa next chapter

sana magustuhan niyo tong chapter na ito. basta wag makalimot na magCOMMENT at magVOTE.  next saturday po ulit yung next UD. xD 

۞The Legendary Sorceress's Heart۞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon