Formula 9 Insensitive, Bouquet, Everlasting

143 1 0
                                    

Sinamahan ni Jojo si Samantha para mag dinner kasama ni Chevin. Habang nag drive sila pinatugtug ni Samantha ang kanta ni Jann Arden na Insensitive at kinanta ni Samantha ang line na "How do you numb your skin, After the warmest touch,How do you slow your blood ,After the body rush, How do you free your soul, After you’ve found a friend, How do you teach your heart,It’s a crime to fall in love again" habang tinitingnan si Jojo at biglang nasambit ni Samanta na "may mga taong talagang insensitive diba? Yun pinapadama mo na sa kanila na mahal sila pero parang balewala lang at deadma..."

"Hindi ko alam Samantha kasi di pa kasi ako nakaranas na mag ka girlfriend, pero sa palagay ko naman may mga reason naman na bakit ayaw ng iba iparamdam ang kanilang feelings kasi dahil sa takot at baka mali lang ang pagkaintindi nila sa sitwasyon, basta complicated lahat ng bagay kaya dapat steady lang sabi nga sa pelikula ni Vilma Santos na Healing habang kinakausap niya ang kapatid ni Manang Elsa and I quote:  mangyayari ang dapat mangyari... Kaya huwag lang madaliin" paliwanag ni Jojo. "Pero Jojo matanong ko lang? type mo si Sophia diba? intrigang tanong ni Samantha. "Hindi Samantha, wala akong feelings kay Sophia, friend lang talaga turing ko sa kanya, if may napupusuan ako ikaw lang ang unang makakaalam at kahit hindi ko sabihin sayo malalaman mo rin yan kasi malapit ka sa puso ko" tumahimik si Samantha at ayaw niya pasiguro sa pagkaintindi niya sa mga paliwanag at sinasabi ni Jojo.

Dumating sila sa Restaurant at naghihintay si Chevin doon at pinag order na sila ni Samantha. Pagka-upo ni Samantha at Jojo binigay ni Chevin ang bouquet of White Roses kay Samantha at medyo nahihiya si Samantha dahil andyan si Jojo. Kaya biglang tinawag ni Jojo ang waiter at binulungan if puede lumipat siya sa isang table at sinabihin niya din sina Chevin at Samantha.

" Chevin at Samantha para hindi kayo magkailangan doon nalang ako sa isang table na nasa gilid mag stay, you deserve this moment para makapag-usap. Doon nalang ako at maghihintay sainyo. Nakikita ko sa mga mata ninyo na nagkakahiyaan kayo eh dahil sakin". Tumayo si Jojo at medyo hinawakan ni Samantha ang kanyang kamay na mag stay pero nag smile si Jojo at nagsabing " okay lang Samantha" pero hindi alam ni Jojo na ang ibig ni sabihin ni Samantha na mas gusto niyang katabi si Jojo while having dinner kay Chevin. Si Chevin naman gusto din mag stay si Jojo pero since nag volunteer na si Jojo lumipat pinayagan niya ito at nag pa thank you.

Kumain lang si Jojo sa kabilang table at nag eenjoy sa pakikinig sa pakikinig sa nag aacoustic na lalaki at babae. Samantalang sina Samantha at Chevin kahit medyo nagkailangan tuloy sa pakikipag kwentuhan.

Inabot lang nang isang oras at kalahati ang dinner ni Samantha at Chevin at nagpasyang si Samantha if they can go home na since may pasok pa bukas. Binayaran ni Chevin bill at hinawakan si Samantha sa beywang palabas ng restaurant at sumunod nalang si Jojo palabas. Bago umalis si Chevin nag goodbye kiss ito sa kay Samantha habang si Jojo nakatingin lang sa kanilang dalawa. Doon si Jojo medyo tinamaan din ng selos pero malakas ito magtago ng emosyon at hindi nagpahalata.

Habang pauwi sila ng condo unit may nasabi si Jojo kay Samantha "Alam mo ba ang ibig sabihin pag binigyan ka ng lalaki ng rosas na puti?". "What does it mean?" tanong ni Samantha. "Pagbinigyan karaw ng lalaki ng white rose ibig sabihin daw nito ikaw na girl ay so pure at hindi daw siya bagay para sa pag ibig mo dahil sobrang maganda ang kalooban mo" pag eexplain ni Jojo. "O talaga? eh halimbawa pag ikaw nag bigay ng rose sakin anong kulay ang ibibigay mo at ano ang meaning?" medyo pasimpling tanong ni Samantha. "Hindi kita bibigyan ng rose, baka everlasting galing baguio ang ibibigay ko kasi gusto ko pang matagalan, medyo cheap ang mukha nito pero alam mo naman sa pangalan palang tumatagal, ika nga Perpetual, walang katapusan" birong sabi ni Jojo "Hay naku Jojo, puro ka biro...Pero magandang idea ang everlasting lalo na kung ibibigay mo yan sa patay, pero ano yung pangmatagalan at perpetual?" sabi ni Samantha." Perpetual na mamahalin kita bilang kaibigan at handang itataya ang buhay ko para sayo Samantha, kaibigan kasi kita eh" sabi ni Jojo.

Medyo pabulong na may nasabi si Samantha pero narinig ito ng konti ni Jojo "matagal na tayong magkaibigan sana mag level up ka naman". "May sinasabi kaba Samantha?" tanong ni Jojo. "Wala Jojo sabi ko galing mong mag drive level up kana, bilisan mo na mag drive at naiihi na ako" huling hirit ni Samantha at medyo malungkot dahil ayaw niya sa kanya manggaling na mahal niya si Jojo at ayaw din niya pangunahan kung ano ang nasa isip at puso ng binata.

My Boyfriend, My Driver (Who will drive you home?) BOOK1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon