Formula 17 Picture, Kumare Buhok, The Cars (FINALE)

176 1 0
                                    

            Naging abala si Samantha sa kakasama kay Scott sa paglabas pag gabi after nang kanilang MWF sessions na tutorial at madalas gabi na siya umuuwi at hindi na siya nasusundo ni Jojo at malimit na hindi na sila makapag-usap dahil kung umaga nalang sila nagkakausap kung pumasok sa School. May pagkakataon na absent din si Samantha sa school dahil sa antok at puyat dala ng kakasama niya kay Scott.

                  Kung minsan kasama nila si Halle na may bitbit parati ng mga laruan teletubbies pero malimit na dalawa lang silang magkasama.

            Isang gabi nakita ni Chevin at Sophia si Samantha sa isang restaurant sa greenbelt na kasama si Scott at medyo masama ang tingin ni Chevin at Sophia sa kanilang dalawa dahil napaka sweet nilang dalawa at ang koreano medyo touchy kay Samantha at hindi naman pumapalag si Samantha. Tinawagan kaagad ni Chevin si Jojo nanakita niya si Samantha,subalit hindi nalang pinalaki ni Jojo ang kwento at pabirong sinabi nalang na nagpaalam si Samantha sa kanya at kahit masakit ang loob nito pinipilit nalang niyang tumawa habang kausap ni Chevin sa telepono.

                  Pag-uwi ni Samantha ng gabi nadatnan niya si Jojo na nag aaral habang tinitingnan ang picture frame nilang dalawa at naririnig din niya ang mahinang kantang "Hangang Ngayon" ni Kyla na sinasabayan ni Jojo sa pagkanta at nasa linya na ng "O, ang larawan mo Kahit sandali

Aking minamasdan para bang kapiling ka,Dati kayligaya mo sa piling ko Wag mong limutin pag-ibig sa'kin Na iyong pinadama". Dumiretso si Samantha sa kanyang room at hindi na kinausap si Jojo, bago tuluyang makapasok si Samantha sa kanyang kwarto nilapitan sa ni Jojo at hinarangan ang pintuan ng kwarto. "Kausapin mo ako Samantha, may problema ba tayo?, ilang araw at linggo ko na kasing napapansin na hindi mo na ako kinikibo, nakausap ko kanina ang Dean mo at sabi meron ka daw isang subject na hindi kana pumapasok,dalawang absent nalang at drop kana nila at technically matatanggal ka sa Linguistic Program, pano kita matutulungan Samantha?" malungkot na pagkasabi ni Jojo. "Wala akong problema Jojo, gabi na at matulog kana" pagmamaktol na sabi ni Samantha. "Walang gabi para sakin Samantha,kausapin mo ako, hindi puede na matapos ang gabing ito na wala kang may masabi sakin, hindi importante na marinig ko sayo na nawalan kana nang gana sakin ang gusto ko lang marinig sayo na kung ayaw mo na sakin huwag mo naman sanang ayawan ang buhay mo lalo na sa pangarap at pag-aaral mo, mahal kita Samantha pero hindi ko ipagdadamot sayo ang kalayaan kung gusto mo nang umiwas sakin, nasa iisang condominium tayo Samantha at mawala man ang pagmamahal mo sakin, iwasan mo ako, Okay lang Samantha, pero huwag mo lang iwasan ang mga payo ko sayo na huwag makalimot sa pangako at pangarap mo at ituring mo nalang ako bilang multo dito kung gusto mo...Mahal kita Samantha alam mo yan at ni minsan hindi nagsisinungaling ang puso ko sayo!" niyakap ni Jojo si Samantha. Tinulak siya ni Samantha nang papalayo at dumiretso pumasok sa kanyang kwarto at sinarado ang room. Napaupo si Jojo sa pintuan ng kwarto ni Samantha na hindi alam ang gagawin.

                Hindi nanagkibuan sina Samantha at si Jojo nang sumunod na linggo, patuloy parin si Samantha sa pagsama kay Scott pero si Jojo tinigil niya na ang kanyang session kay Halle at tinuon nalang nito ang kanyang panahon sa pag basketball varsity at pag-aaral. Dumating ang awkward moment na di sila nagkakausap pag pinagdrive ni Jojo si Samantha papuntang university. Dahil busy si Samantha, nakilala ni Jojo ang isang estudyante sa kanilang University na si Aila ang tumatawag at nagtetext sa kanya parati sa kanya na di niya pinapansin. Parating nanunuod ng praktis si Aila ng laro ni Jojo at halos lahat ng teamates ni Jojo kinaibigan ni Aila para lang mapalapit ang loob kay Jojo. Parati nililibre ni Aila ang isang teamates ni Jojo na si Charlie Galaxy na half Filipino half American kaya sumasabay narin si Jojo dahil niyayaya narin siya ni Aila. Medyo malandi si Aila at mukhang go-getter na gusto niya lahat nang mga lalaki maaakit niya. 

My Boyfriend, My Driver (Who will drive you home?) BOOK1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon