Formula 13 Flames Candle, Buko Pie, Baseball Bat

133 2 0
                                    

        

          Dahil sa nangyari, instead na mag stay ang magbabarkada hangang Sunday ng hapon they decided to go back in Manila late afternoon of Saturday. Gusto sanang magpa-iwan nila Chevin and Sophia pero niyaya sila ni Jojo na sumabay nalang umuwi.

           Sophia at Chevin magkasabay sa kanyang kotse samantalang sina Jojo, Samantha, Dexter, Leah and Angel nagsiksikan sa kotse nila Samantha. Biglang humirit si Dexter " Love is in the atmosphere, pano yan Angel and Leah sino ba makakapasok sa inyo sa puso ko? Nag flames candle ako kanina ang between me and Angel ang na generate ko na result ENGAGED! Sa atin naman Leah and ang end result is SWEETHEART." Nagtinginan at tumaas ng kilay sina Leah at Angela at sinagot siya ni Leah " Baka ang C ng Candle stands for Chinchanso, ayoko magka boyfriend nang gumagamit ng chinchanso at concealer, tingnan mo kaya ang mga pimples mo malapit na mag vulcanic eruption" at tinarayan din siya ni Angel "Hala lava ba yan ang lumalabas sa pimples mo o baka larva" at nag apir ang sina Leah at Angel na nagtatawanan sa pangungutya. Natahimik si Dexter at medyo nasaktan sa mga nasabi ng mga kaibigan.

            Pinagaan ni Jojo ang naramdaman ni Dexter "Huwag naman ganyan, sobrang bait nyan ni Dexter, mas pogi at responsable pa nga yan sa mga hunks na nakikita nyo sa tv at alam kung loyal na loyal si Dexter, minsan lang yan nagka girlfriend at siya pa ang niloko kaya huwag naman mga ganyang biro. Pag ako naging babae okay na sakin na si Dexter maging boyfriend ko, diba dexter? (tiningnan si Dexter) I love you Pare!!!" napangiti Dexter at nag sorry sina Leah at Angel at nag explain na biruan lang ang mga iyon. Tinanggap naman ni Dexter ang apology ng dalawa at na-iba ang kanilang kwentuhan at biruan.

            Dumaan sila ni Samantha sa tindahan ng mga buko pie sa laguna dahil iyon ang gustong pasalubong nang kanyang Beku (Beking Kuya) na si Clarence. Bumili din sila ni Chevin at Sophia ng tag dalawang box para dalhin sa kanila. Tinawagan ni Samantha si Kuya niya na she bought a pasalubong at sabi ng kuya nya andoon daw sila sa Condo kasama ang nakilalang kaibigan sa Airport na si Myco at dalawa nitong kaibigan. Medyo napansin ni Samantha ang background noise na maingay na music sa condo kaya sinabihan ang kuya nya na by two to three hours andyan na din sila dahil medyo matraffic pag labas ng SLEX.

            Napag-isipan nila Chevin at Sophia na dumaan muna sa Condo nila Samantha dahil mag shower dahil kahit naka aircon ang sasakyan mainit na mainit talaga ang panahon. Napagpasyahan din nila ni Angel, Leah, and Dexter na mag overnite sa kanila ni Samantha dahil ang kanilang paalam sa magulang na Sunday pa sila uuwi.

            Naunang umakyat sina Samantha, Leah, Angel, Sophia and Chevin sa Condo nila. Hindi na kumatok si Samantha at binuksan ang main door ng Condo to surprise her brother. Dahan2x niyang binuksan ang door pero nakapatay ang ilaw ang loob ng living area kaya she turned on the switch at nakita nya ang daming kalat at amoy sigarilyo ang condo.

            Silang apat ay may narinig na ungol na nangagaling sa kwarto nina Jojo and  Clarence na parang taong nilalagyan ng busal sa bibig,kaya medyo kinabahan sila. Kaya bahagyang lumabas sila ng condo unit at tumakbo si Chevin papuntang parking lot at tinawag si Jojo at kinuha ni Chevin ang Baseball Bat sa kanyang kotse. Mabilis silang bumalik sa Condo Unit kasama na si Dexter at sinabihan ni Jojo si Angel na bumaba sa ground floor at tumawag ng security guard dahil parang masama ang kanilang kutob. Pinasok nina Dexter, Jojo at Chevin ang condo unit at dumiretso sa kwarto at iniwanan sina Samantha, Sophia at Leah sa labas para di madamay kung meron mang di magandang nangyayari. Dahang dahang binuksan ni Jojo ang kanilang kwarto ni Clarence at nakita nila si Clarence nakaluhod may busal ang mga bibig, Iniihian ng isang lalaki at habang pinapaso ni Myco ng sigarilyo sa leeg.

            Tinulak ni Dexter ang lalaking umiihi kay Clarence at Hinampas ni Jojo ng baseball bat si Myco at ang isang lalaki gusto pa sanang lumaban sinuntok na kaagad ni Chevin at natumba. Gusto pang manlaban ng tatlo pero hawak-hawak na ni Jojo ang baseball bat at sinasabi na babasagin nya ang mga bungo nina Myco at kasamahan nito pag gumalaw pa kaya sinabihan niya itong dumapa.Dinampot ni Dexter si Clarence at pinalabas kaagad habang tatlo sila nakabantay malapit sa pintuan ng kwarto para di na magplanong makatakas.Dumating ang dalawang guardia at nilagyan ng handcuff ang kamay ng grupo ni Myco at kinabit ito sa iron bar ng bed para di sila makawala. Tapos tinawagan ng guardia ang ground personnel to contact the police.

             Niyakap ni Samantha ang kanyang Kuya Clarence na takot na takot at nanginginig. Binigyan siya ni Dexter ng white flower na parating nakalagay sa kanyang bulsa dahil may sinusitis ito. Hindi makapagsalita si Clarence sa takot at kaba. Pinainum siya ni Jojo ng lukewarm water para mainitan dahil nanlalamig ito sa takot. Dumating ang mga pulis after 30 minutes para mag imbestiga. Kaya tinanong nila si Clarence kung ano ang nangyari. Medyo di parin makapagsalita si Clarence sa nerbyos habang nakikita ang mga mukha ni ni Myco na pinupusasan at dinadampot palabas ng Condo.Paglabas ng grupo ni Myco sa condo nasuntok ulit ito ni Jojo at tinapunan pa ni Leah ng hawak niyang box ng puko pie. Binigyan si Clarence ng isang oras para makapag calm down habang nag investigate ang mga police sa scene of the crime. After another hour tinanong siya ng mga pulis if puede siya munang sumama sa presinto para magsampa ng reklamo at ipa blotter ang nangyari para maka pag file sila kaagad ng demanda. Tumango si Clarence sa mga police at umalis sila kaagad papuntang presinto pagkatapos mag imbestiga ang mga pulis sa crime scene. Sumabay silang lahat patungong presinto.

          Sa presinto tinanong si Clarence kung anong nangyari. Naekwento ni Clarence na si Myco at mga barkada nito ay nagbebenta daw ng FLY HIGH at pinipilit siyang painumin ng sampong tablets bago mag engaged sa casual sex. Dahil ayaw ni Clarence tinali siya at nilagyan ng busal sa bibig at inihian as a consequence dahil ayaw niyang pumayag.Marami pang mga tanong ang pinapasagot kay Clarence para malaman pa kung ano pa ang maaring maisampa sa grupo ni Myco. Pagkatapos ng dalawang oras na masusing pagtatanong pinadala si Clarence sa hospital para ma confine at ma check-up, kunan ng laboratory at tingnan ang mga blister sa kanyang leeg na gawa ng pagpapaso sa kanya ng sigarilyo. Umiiyak si Clarence habang nakayakap sa kanyang kapatid na si Samantha at kino-comfort din ni Jojo.

        Nakapagsalita pa si Clarence sa mga kaibigan ni Samantha at nagpasalamat dahil kung hindi sila dumating siguro patay na siya. Gusto man sanang e-kwento ni Samantha kung bakit nakauwi sila ng Saturday instead of Sunday dahil sa naging sila ni Jojo pero napaisip niya hindi iyon ang tamang pagkakataon. "Kuya Clarence,kainin mo po itong lamang ng bitbit kung box ng buko pie,hindi ko ito binitawan mula kanina pa, yung Myco kanina tinapunan ko ng isang box sa mukha at sabi nya pa BOOM PANES" hirit ni Leah na parang pa tanga-tanga lang... Napangiti si Clarence at kinain narin ang isang slice ng buko pie habang nasa Hospital at medyo gumaan ang pakiramdam nilang lahat dahil napangiti ni Leah si Clarence sa kanyang candid behavior na sa ganyang sitwasyon naisingit nya pang ipakain ang buko pie na hawak hawak niya sa buong eksenang nangyari.

My Boyfriend, My Driver (Who will drive you home?) BOOK1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon