Chapter 12

64 39 0
                                    

 - Hurting someone is very easy, but when you yourself are hurt you then know the agony on being hurt and crushed into pieces.  - CTO

"G-Grandm-ma??Why are we here??"pabulong kong tanong kay grandma habang pasimpli kong nginingitian ang taong nasa harapan namin ngayon.

"You know the answer why hija."sagot ni grandma na subra kong ipinagtataka dahil malaya nya itong ibignigkas saakin na tila ba may mga kaganapang hindi ko alam na dapat kong malaman?

Ewan ko ba!
Basta yon na yon!

Bahagya naman akong napalingon sa taong pababa sa may hagdanan,may bit-bit itong gatas at puting towel.

Nasurpresa ako nong magtama ang mata namin.

Sya!Sya yong dating akala ko kakampi ko.Yong dati kong akala na syang magiging pag-asa upang masagot ang mga katanungan kong ano ang dahilan sa pag-iwan sakin ng taong akala ko minahal ako ng totoo.

None other than the only Samantha.

One of the Del rosario's team.

Matagal kaming nagkatitigan.
Pilit kong pinipgilan ang pag-iinit ng mga mata ko pero masakit na ang paninikip ng dib-dib ko.

Agad akong napatayo tumalikod.

Hindi ko narin pinakinggan ang pagawat ni Grandma sakin upang hindi sya iwan roon.

Mas lalong bumilis ang paglalakad ko palabas ng mansyon nato dahil narinig ko ang boses ni Samantha na tinatawag ako nararamdaman ko din na nasa likod na sya't nakasunod sakin.

"Ate Grace!!Sandali!!Ate.."

Agad kong tinakwil ang kamay nyang nagpapigil sakin sa paglalakad saka humarap sa kanya.

"Ate,,I'm sorry.."maluha-luhang pakiusap sakin ni Samantha.

"Hindi ko alam kong bakit ako nandidito ..wala akong alam sa mga nangyayari ngayon.Maging sa nakaraan ko ... Tinatanong kita tungkol sa pag-alis ng kapatid mo at kung bakit nya ako iniwan pati anak ko sinama nya!Wala nang natira saakin .. Ni isa sa mga katanungan ko noon sayo Sam,wala kang isinagot..Masakit Sam!subrang sakit ng ginawa ng pamilya nyo sa pagkatao ko!."
Basang-basa na ang mukha ko ng luha habang inihahayag ko ito kay Sam.

"Ate...kaya ko lang naman nagawa yon kasi..si kuya kasi ate..."Naluluhang pagpapaliwanag ni Sam.

"Huh!Napakalaki ko nga naman talagang tanga..Oo nga naman saan ka nga pala dapat pumanig..Eh di syempre sa kadugo mo...bakit hindi ko naisip yon noon..bakit umasa ako Sam..Alam mo ..Sana maramdaman nyo kong paano mawalan!"Agad akong tumalikod ngunit napatigil ako nung marinig ko ang pahabol nyang sinabi.

"No'ng mawala si Gio..
Yes Ate Grace, Alam ko ang mga pinagdaanan mo,Alam ko ang pakiramdam ng pangungulila."

Patuloy nyang hayag habang ako nagdadalawang isip na harapin ulit si Sam.

Ano?Iniwan sya ni Gong-Gong?
Huh!Ang bilis naman ng karma mas masaya sana kong sa Demonyong Lance na yon nangyari ang salitang karma.

"Tss,nakakatawa nga ate eh,kasi bago sya nagpaalam si kuya ang huli nyang kinausap pero narinig naming lahat ang bilin nito kay kuya,ang sabi nya dito "subukang sana ni kuya na harapin ang katotohanan para kay Anya ang subukang hanapin ang taong kulang sa buhay ni Anya."dag-dag pa nitong kwento sakin na nagpakunot ng nuo ko saka humarap na ulit rito.

"nagpaalam?nagbilin?at sino naman yong Anya!yan ba yong pinagpalit sakin ng Lintik mong kuya!!"sagot ko.

"Athanya Grae Monte DeLrosario,sya ang matagal mo nang gustong makasama ate."pilit na ngite nitong hayag sakin.

Love Impact - Grace MonteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon