Hindi ko alam kung san ko sisimulan ang Istorya ng buhay ko dahil sa dami ng mga masasamang nangyaring masalimoot sakin noon na hanggang ngayon ay sariwang-sariwa parin kahit na sa kabila ng mga pag-babago ng buhay ko ngayon.
*Flashback part 1*
"Simula ngayon dito kana magtrarabaho!at higit sa lahat ito narin ang magiging tahanan mo!" Kasabay nun ang pagdaos-dos ng mukha ko sa simintadong sahig ng isang kwartong napuno ng mga kababaehang punong-puno ng kolorite ang mga mukha.
Halos nakahilamos na ang mukha ko na puno ng mga luha ko sa mata.
Dahan-dahan kong tinayo ang sarili at sinimulang ligpitin ang mga nagkalat kong kagamitan sa sahig.
Maya lang natigilan ako nang may isang kamay ang tumulong sa pagpulot ng mga gamit ko sa sahig.
Napa-angat ang tingin ko sa kanya at nginitian lang nya ako sabay patuloy lang sya sa pagtulong sakin.
"Ako si Mera ,ikaw?anong pangalan mo?" Sabay lahad nya ng kaliwa nyang kamay sakin.
Tumayo ako at tumayo rin sya habang ngite lang sya ng ngite sakin.
"Sabi nga nila sa kabila ng malulungkot na mangyayari sa ating buhay anjan ang isang kaibigan bilang isang kaagapay." Nakangite parin nyang turan sakin .
Wala akong ideya kung anong isasagot ko sa Kanya,hindi ko naman kasi mapilit ang sarili ko ang ngumite pagkatapos nang pag-iiyak ko kanina.
"Ano pang tinatayo-tayo mo jan Grace! Hakutin mo nayang basura mo sa kwarto!at ikaw naman Mera kanina ka pa hinahanap ni Dona sa labas!!" Halos mataranta akong hinakot ang mga gamit ko sa ..tayka San ko ba to ipapasok.
BINABASA MO ANG
Love Impact - Grace Monte
RomanceNangako ako sa sarili ko na kapag nagkita kami uli. Ibubuhos ko lahat-lahat ng mga masasakit na nangyari sakin nong bigla nya akong inabanduna kasama ng anak namin. Ngunit sadyang napaka unfair ng Puso ko dahil nong magkita kami ulit hindi ko na mai...