Chapter 13

84 36 0
                                    

Lance POV

Tahimik ang buong bahay nong pumanaog ako pagkatapos kong maligo.

Dumiretsu ako sa Kusina at agad akong napakurap nung makita ko sa lamesa ang kabibili ko lang na tablet para kay Anya.

Agad ko itong kinuha saka nanghinayang.

Napakagat ko ang pang ibabang labi ko nung maisip ko ang presyo ng tablet nato.

"Alam mo? gusto kong magmura dahil ang aga mong sinira.."Agad akong nagpalinga-linga para hagilapin sa mga mata ko si Anya.

Nagtataka na talaga ako dahil narinig ko pa kanina ang paglalaro nila ni lucas sa labas.

Palabas na ako sa tarangkahan ng kusina patungo sana ako sa sala nung halos mapatalon ako sa gulat dahil muntik na kaming mabunggoan sa kasalubong ko...~~~???

Nakanganga akong napalunok dahil hindi ako makapaniwala sa taong nasa harapan ko ngayon.

Nakita ko din ang paglunok nya ng laway.

Naningkit ang dalawa kong mata nong binigyan nya ako ng pilit at tipid na ngite.

Tayka..May bigla akong naramdaman.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.

"Uhmm..Hi?"bigla nyang sabi sakin habang hindi parin pinapakawalan ang mga ngite nya sa labi.

Bumaba ang tingin ko sa bit-bit nyang plato na may lamang Spaghetti.

Tapos binalik ko ang mga tingin ko sa mukha nya na ngayoy ang seryuso na. Huh! Pati ba naman mukha nya sinungaling.Paasa.

"So..are you here to get my daughter?"sagot ko sa fake nyang pag"Hi" sakin kasabay ng paglagpas ko sa kanya saka nagtungo ng sala.

"MY DAUGHTER!! And shes not yours anymore Mister. I'll get her here whatever I want and whenever I want?!." Agaran nyang sagot sakin ng nakasupladang ngite.

"Oh..really?! Baka nakakalimutan mo ako ang nagpalaki sa kanya.."
Sagot ko dito ng mahinahon.

"At ako ang nag-luwal sa kanya."May diin nyang pagkakasabi.

"At ako lang din naman ang kinikilala nyang magulang ..SIMULAT-SAPOL.."Diin ko ding pagkakasabi dito dahil sa inis.

"Kahit ano pang sabihin mo! Magulang din nya ako! Ina nya rin ako at wala kang karapatang sabihin yan Mister dahil ikaw mismo ang naglayo sa anak ko sakin!" Naramdaman ko namamasa nyang mga mata sa inihayag nya sakin.

"Tama nga lang ang paglayo ko sa kanya sayo dahil hindi ka karapatdapat maging Huwarang Ina sa kanya .. Doon palang sa araw na sinabi mo na OKAY LANG SAYO KAHIT WALA SYA SA BUHAY MO DAHIL ANG ALAM MO AY MASAYA NA SYA SA PILING KO KAHIT WALA KA..Ikaw mismo ang nagtutulak sa kanya palayo sayo! Not me!huh! What a Shame!" Hagatak kong tawa sa kanya para mainis sya.

"Sinabi ko lang yon..dahil naiinis ako..Naiinis ako kasi..."Sagot nya na ewan ko ba kong sinadya nyang putulin dahil nagdradrama na naman sya.

Bago sya nagbaba ng tingin nakita ko ang isang butil ng luha sa mata nya.

Mga babae talaga subrang napaka-iyakin.

Muli kong pinukol ang mga tingin ko sa kanya.

Habang nakadungo sya ngayon.
Malaya kong nilakbay ang mga mata ko sa buo nyang pustura.

Bigla ko tuloy naisip kung bakit at paano ko nagustuhan noon ang isang  katulad nya.

Nasagi din sa isipan ko ang napanaginipan ko kanina.

Love Impact - Grace MonteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon