Chapter 12

88 4 2
                                    

Chapter 12

Glenn's POV

Haayy.. nakakapagod mag-ikot sa mall ng buong hapon. Buti natapos na tong si Irish. Ang dami niyang pinamili. Yung mga pinamili niya pinahatid na niya sa driver niya. Hindi pa siya umuwi kasi gusto daw niya sumama sa akin sa The Amorres Park. Naisip ko kasi magandang place yun para sa anniversary namin ni Ermy. Naisip kong dun ko siya dadalhin at dun din kami magdi-dinner. Ahaha. Alam ko cheesy. Pagbigyan niyo na ako. Minsan lang maging romantic yun si Ermy. Pumunta ako dito para matantya yung lugar at para makaisip ng magandang plano. Medyo malayo yun sa mall pero sumama pa rin si Irish. Kulit eh pero ok lang.

"Wow Glenn. Ang ganda ganda naman dito. Ang romantic ng ambiance." Sabi niya habang nililibot namin yung park.

Totoo nga. Napaka-romantic kaya halos puro lovers ang nandito eh. Bagay na bagay yung pangalan.

"Ah oo."nasabi ko lang. Napangiti ako. Ano kayang magiging reaction ni Ermy? Na-excite tuloy ako bigla.

"Bakit mo nga pala naisip pumunta dito?"

"Ha? Ah kasi..w-wala naman. Maganda kasi dito nakakarelax"

"Naku...sobra ka bang napagod sa pagsama sa'kin mag-shopping? Sorry ha.." may pag-aalala at pagka-malungkot niyang sabi.

"Ah h-hindi naman. Nakakapagod pero..ok lang naman. Nag-enjoy din naman ako sa pagsama sa'yo eh."

Ngumiti naman siya.

Irish's POV

My! My! Grabe!!!! Siguro sobrang kilig ang ikamamatay ko kung sakali. Kasi naman, nag-shopping na nga kami together ni Glenn my love, nandito pa kami sa The Amorres Park daw kung saan puro lovers pa ata.  Feeling ko tuloy mag-boyfriend girlfriend kami talaga. Hahaha. Bakit kaya kami pumunta dito? Di kaya gusto niya talaga ako ipunta dito? Hmmm... baka ma-develop kami dito. Naku may chance na ata ako sa kanya! Yes! Yes! Sulit na sulit tong araw na 'to! 

*^_______^*

Glenn's POV

"Glenn, may ice cream oh. Tara bili tayo! Treat kita!" Lumapit kami dun kay mamang sorbetero.

"Anong flavor sa'yo?" Tanong ni Irish.

Tiningnan ko yung mga available flavors.

"Vanilla na lang."

"Kanina sa mall vanilla yung kinain mo, vanilla ulit ngayon? Try mo naman iba. Eto oh, masarap din 'tong cookies 'n cream!"

Eh kasi...vanilla yung laging kinakain ni Ermy eh.

"Ah...ok na ako sa—"

"Manong dalawang cookies 'n cream po."

"Ako na magbabayad"

"No! Ako na. Ang dami mo nang ginawa para sa'kin ngayon." Sabay kuha sa wallet niya

"Huh?"

"Ah- I mean, marami kang binuhat kanina. So, para makabawi treat na kita dito."

"Ok. Thanks"

Maya maya binigay na ni Manong yung orders namin.

"Dali na try mo na!" gusto niyang isubo sa'kin yung isang scoop.

Medyo naiilang ako kasi di ba? Parang uhh...kaso baka masyado lang siyang excited na ipakain yung cookies 'n cream kaya sinubo ko na.

Sweet pala 'tong si Irish. Ibang iba kay Ermy. Siya kasi never akong sinubuan nun. Pero ok lang, yung kasabay ko siyang kumain, masaya na ako.

"Ang sarap di ba?"

Ngumiti ako

"Yeah."

"Eto oh, isa pa!" Sabay subo ulit sa'kin nung isang scoop.

I Thought of Serendipity [getting going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon