Julie Anne's Point of View
~Habang naka tayo si Julie Anne sa locker niya, nilapitan siya nang kaibigan niya~
"Julie Anne!", sinigaw ni Louise ang pangalan ko, habang palakad siya papunta sa akin, lumingon ako sa kanya. "Louise! O, bakit?", tanong ko sa kanya, "Narinig ko na mag papa-audition si Elmo sa glee club ngayong 4:30.", talaga naman oh, pag si Elmo ang pinag-uusapan, wala akong masabi kung di ngumiti na lang. "Ah, ganun ba? Sige, mag try out ako. Salamat ah!", napaka buti talaga ni Louise, tuwing may bagong balita tungkol kay Elmo, hindi talaga niya pinalalagpas. "Good luck na lang sayo, kailangan ko nang umuwi, padating si mama ngayon galing Singapore eh.", buti pa siya, may nanay pa, ako wala kahit tatay o kapatid. Pero masaya ako para sa kanya, dahil nung mga bata pa kami, gustong-gusto na niya talaga makita ang nanay niya, "Ay! oo nga pala, sige, salamat ulit ah!", ngumiti siya sa akin at tumakbo siya papalabas ng gate.
Kinuha ko ang yellow kong gitara galing sa locker at lumakad ako papunta sa 3rd floor, kung saan ang room ng glee club. Sasali ako ngayong taon, dahil 3rd year na ako, at gusto ko na magstand out ako para mapansin ni Elmo, si Elmo Magalona nga pala ang president nang glee club, at si Elmo Magalona din ang nag-iisang crush ko, sa buong buhay ko, wala nang iba. Kung iexplain ko si Elmo, siya ang tipong lalaki na maputi, matangkad, matangos ang ilong niya, napakaganda nang ngiti niya, at ang mga mata niya, kapag tumingin siya sa akin, nawawala ako sa sarili ko, at higit sa lahat, isa siyang mabait na tao. Si Elmo din ang pinaka sikat na lalaki sa buong school na to, di lang dahil sa gwapo at mabait siya, siya din ay magaling mag rap, hindi ko siya naririnig na nag haharmony, kung di puro rap lang. Marunong di akong mag rap, pero, nako, pag ako ang nag rap, wala kayong maiintindihan.
Nandito na ako sa harap nang room nang glee club, sumilip ako sa pinto na may salamin sa gitna, at nakita ko na may nauna na pala sa akin na 7 babae, huminga ako nang malalim at binuksan ko ang pinto, pagka bukas ko nang pinto at pumasok ako, tumigil sila at tumingin sa akin, may isang babae na lumapit sa akin at sinabi na, "Anong ginagawa mo dito?", tanong niya sa akin, eh, ano nga ba ang gagawin ko dito kung di mag audition lang, sinagot ko sa kanya, "mag audition para sa glee club.", tumawa silang lahat sa akin, ano ba ang nakakatawa?, tumawa si Barbie sa akin. Si Barbie Forteza nga pala ang leader nang meen bees, at magaling siya kumanta at karibal ko pagdating kay Elmo, "Ikaw? Mag audition sa glee club? nag papatawa ka ba? Hindi pwede dito and nerd!, so, lumabas ka na!", ouch! ang sakit naman nang sinabi ni Barbie, kaya lumabas ako, umupo ako sa hagdan at nagpalipas nang oras. Ano ba ang kasalanan ko, bakit ba ako ginaganyan ni Barbie, almost 5 years na siyang ganyan sa akin. Well, buti si Barbie yun, kung si Elmo un, madudurog ang puso ko. Speaking of Elmo.
(MUSIC PLAYING - ONE IN A MILLION BY: HANNAH MONTANA)
Paakyat si Elmo sa hagdan, kung saan ako nakaupo, at tumingin siya sa akin, eto nanaman ang puso ko, ang lakas nang tibok, halong, mabibingi na ako, Elmo, please kausapin mo naman ako, gusto ko marinig ang boses mo, yung hindi mo kausap ang iba, ung ako lang ang kausap mo. Pagka tingin niya sa akin, tumingin siya pa layo at pumasok sa room nang glee club. Huminga ako nang malalim, kailan kaya ako mapapansin ni Elmo, kailan kaya niya ako kakausapin, at kailan kaya niya ako ngingitian. Julie Anne, ang tanga mo! Bakit hindi mo kinausap si Elmo, ayan ka nanaman eh! Tumayo nalang ako at lumakad ako papunta sa glee club room, kung saan naka tayo si Elmo, Pumasok ako, at biglang nag tawanan nanaman nilang lahat pwera lang kay Elmo, pinapatahimik ni Elmo ang lahat at pinaupo niya ako. Nagtawag na siya nang mga mag audition, at ang name na una niyang tinawag ay, "Julie Anne San Jose", nagulat ako na ako ang una na kakanta, sa hara minsmo ni Elmo, kinakabahan ako, kaya nung pag tayo ko nagtawanan sila, pinatahimik sila ni Elmo at pinapunta ako sa stage, umakyat ako sa stage at tinugtog ko ung gitara at kumanta ako nang kanta na sinulat ko, ang title ay "Tangi kong hiling",
Bakit lagi nalang nag tatanong
Damdamin ko'y gilong-gulo
May pag kukulang na hindi mapuno
Hindi malaman kung saan sisilong
Akong urong-sulong dito't doon
Ang puso ko'y laging bigo
Habang kumakanta ako, sumigaw si Barbie na, "KAYA BIGO ANG PUSO MO DAHIL ISA KANG NERD! ANG NERD AY HINDI MARUNONG MAG MAHAL!", kaya napatigil ako, at pinatahimik ni Elmo si barbie at, "Sige, ituloy mo na", sabi ni Elmo sa akin, pero, di ko na kaya, wag nalang kaya, so bumaba ako sa stage, at sabi ni Elmo, "Ano? Itutuloy mo ba, o hindi na! Dahil, madaming nag hihintay oh!", parang k=mukang nainis si Elmo sa akin, umalis na lang ako, tumakbo ako palabas nang school at tumakbo ako papunta sa park. Pagdating ko sa park, walang tao, at pagod na pagod ako, dahil malayo,layo din ang tinakbo ko, tapos dala dala ko pa ang gitara ko and ang mabigat ko na bag. Umuo ako sa may swing at pinatugtog ko ang gitara ko, at kumanta ako.
