Chapter 3

657 15 0
                                    

Julie Anne's Point of View


(MUSIC PLAYING - CRUSH BY: DAVID ARCHULETA)


Pagkatapos kong kumanta, may lumabas na lalaki na naka itim galing sa likod sa puno, nakita ko lang ang sapatos niya, kaya, tumingala ako at nagulat ako sa nakita ko, si Elmo, pano kung narinig niya ang kanta ko. Habang papalapit siya sa akin, palakas nang palakas ang tibok sa puso ko, umupo si Elmo sa isang swing sa tabi ko. Binaba ko ang gitara ko at hindi na ako nag dalwang isip na kausapin siya. "Narinig mo ba?", tinanong ko siya, nako, namumula na ako, ang lakas nang kaba sa dibdib ko, wala na akong ibang masabi pa. Ngumiti siya sa akin, for the first time, at first time ko siya, nakatabi, at nakausap, sabi niya, "Oo, narinig ko ang lahat, ang ganda nang boses mo, ikaw ba ang nag sula nang kanta na yan?.", Ang sweet pala ni Elmo, hindi lang mabait, sweet pa, "Salamat. oo, ako ang nagsulat, pangit ba?", kinakabahan ako, baka ayaw niya sa kanta ko, para sa kanya pa naman yun. "Hindi, hindi, ang ganda nga eh, anong ibig sabihin niyang kanta mo????, may crush ka ba sa school na hindi ka niya pinapansin??? Mag share ka naman.", sabi niya, Naku, oo meron Elmo, at ikaw yun. "Oo, para sa crush ko tong kanta na toh, nasa school din siya, naging crush ko siya for 5 years. pero hindi niya ako pinapansin, pero masaya ako ngayong araw dahil kinausap niya ako, at tumingin siya sa akin.", pinarinig ko sa kanya. "Ahhh, well, okay yun, Ang tanga naman nang crush mo, hindi niya parin napapansin na may crush ka sa kanya.", hay nako Elmo, wala ka talagang clue noh? Oo, tanga ka, dahil hindi mo nakikita na may crush ako sayo. Ngumiti nalang ako sa kanya. "Sorry nga pala na sinungitan kita kanina, pagod lang talaga ako eh.", bakit? lagi ka bang pagod sa tuwing nakikita mo ako? E, lagi mo nga akong sinusungitan eh. "Ah, wala yun, okay lang ako dun.", sabi ko sa kanya, oo okay lang ako, kahit sungitan mo parin ako, kita mo, kahit hanggang ngayon ay mahal parin kita. 

Nakita ko sa Orasan ko na 7 PM na pala, bakit parang ang bilis nang oras?, kailangan ko nang umuwi, mukang uulan pa naman, e wala akong payong, "Ay, 7 na pala, kailangan ko nang umuwi.", tumayo ako at kinuha ko ang gamit ko, tumayo din si Elmo, "Hatid na kita, tutal pauwi na rin ako eh.", mabait talaga siya, pero nakakahiya naman sa crush ko. "Ay! Wag nalang, okay lang ako magisa, sa Alabang lang naman ang bahay ko eh.", Pambihira ka Julie Anne! Ni-lalang mo lang ang alabang, ang layo kaya nung, nasa makati ka. "Alabang?!? Ang layo mo naman, hindi, hatid na kita, masyadong delikado sayo na umuwi magisa pag gabi, madaming masamang tao jan, baka ma rape ka pa eh, hindi ako papayag.", ang sweet niya talaga, pero pag ma rape ako, nako, sasama nalang ako sayo Elmo. "Rape? Pasama naman oh.", tumawa siya, "kita mo, sa salitang rape, takot kana, sige. Punta muna tayo sa bahay, dahil mukang uulan, e, wala akong payong, kaya hatid nalang kita gamit ng kotse ko.", Hay nako, Elmo, ang sweet mo, "Sige.".

Pumunta kami sa bahay ni Elmo.

Dumating na kami sa bahay ni Elmo, ang laki, ang yaman niya, may sarili siyang koste, iniwanan muna ako ni Elmo sa sala nila para makipad usap siya sa driver niya na ihatid ako. May narinig ako na parang tunog nang ulan, tumingin ako sa labas, umuulan na nang malakas, na may kasamang kidlat at kulog, takot pa naman ako sa kidlat at kulog, tinibayan ko ang sarili ko. Lumapit si Elmo sa akin at sabi, "Sorry, sabi nang driver ko nasira daw ung car ko, wala din yung car nila mommy dahil nasa tagaytay sila nang mage kapatid ko.", ano daw? "Ah, ganun ba? Pwede maka hiram nang payong?", tinanong ko siya, sana may payong sila, impossible naman kung wala ang yaman yaman nila tapos wala silang payong. "wala eh, dala ng mga kapatid ko at ng mommy ko ang lahat nang payong namin, dahil alam nila na maging maulan dun e.", Ano?!?!? So ano na ang gagawin ko ngayon? "So, dito ka muna magpalipas nang gabi, tawagan mo nalng kung sino ang nasa bahay niyo, para hindi sila mag alala.", napa nga nga ako, "dito? Sure ka?", sure ba siya? dahil, mababaliw ako, ito na ung time na hinihintay ko, na makasama ko si Elmo sa isang bahay. "Oo naman, hubarin mo nalang yang uniform mo, at ibigay mo kay yaya, para malabhan niya.", Umakyat si Elmo sa hagdan nila, "Hubarin? Wait! Wala akong extra na damit, underwear lang ang meron ako.", ano na gagawin ko.  "Papahiramin kita ng t-shirt at pajamas ko.", binubuksan niya ang kwarto nang kapatin niya, "Hay si ate Maxinene talaga, nilock pa ung kwarto niya, di ko naman nanakawan.", so kung lahat nang room ay naka lock at room nalang ni Elmo ang hindi, hindi ako tatabi sa kanya. "Naka lock ang mga kwarto nila, kaya sa kwarto ko ikaw matutulog.", at pumasok siya sa kwarto niya, "Ay! wag nalang, ayos lang ako dito sa couch, sana na ako matulog sa sofa eh.", nakakahiya naman kasi kapag kasama ko siya sa kwarto niya. "Hindi ako papayag na jan ka matutulog, bisita kita, sa ayaw at sa gusto mo sa kwarto ko ikaw matutulog, sabagay, pag jan ka matutulog, hindi kita papagilan.", may kakaiba sa ngiti niya, ayawko nang ngiti niya, "Elmo, may, uhm...may multo ba dito?", kinakabahan na ako, baka meron, "Wag ka mag alala, mabait naman ung anim e, ung 4 nga lang ang hindi, sige, jan ka na lang matulog.". Umalis siya, at pumasok sa kwarto niya, kinikilabutan tuloy ako.

(MUSIC PLAYING: BEAUTIFUL SOUL BY: JESSE MCCARTNEY)


Binigay ni Elmo ang black na t-shirt at black na pajama, at binigay ko ang uniform ko sa yaya nila, para labhan ngayon at masuot ko bukas, sinuot ko na ang shirt at pajama niya, hindi parin ako maka paniwala na, eto ako ngayon, kasama si Elmo Magalona, suot ang damit niya, pero hindi parin niya napapansin na tuwin malapit siya sa akin, namumula ang pisngi ko. So, kumain kami ni Elmo nang dinner, sabay, kami lang dalwa ang nka upo sa isang lamea, parang nag dedate kami. Pagkatapos nun, binigyan ako ni Elmo nang unan at kumot, para matulog sa couch. Dahil sa sinabi niya hindi tuloy ako maka tulog, malayo ang kusina at sala, wala nang ilaw sa sala, naka patay na, ung mga yaya nasa kusina pa, pero di ko sila nakikita, ano ba naman toh, bakit ang tahimik naman, songrang kaba na kaba na ako, na gusto ko buksan ang ilaw, pero nakakahiya, baka magalit pa sa akin si Elmo. Elmo!!! Ano ba naman, ikaw ang crush ko ikaw ang hero ko, samahan mo naman ako dito oh, hindi ako sanay matulog nang tahimik, biglang may narinig ako na wahahahaha, tumingin ako sa paligid, wala namang tao, kaya pinikit ko ang mata ko, at narinig ko nanaman, at ngayon sobrang lakas na, na parang nasa uluhan ko na, bigla akong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto ni Elmo. Habang papalapit sa akin ung nakakatakot na tawa, pabilis naman ang katok ko sa pinto niya, hindi parin siya lumalabas, nandyan na ako, may nagsalita sa likog ko, times two sa bilis kong pag katok sa pinto ni Elmo, sa takot ko, hindi na ako makapag salita, tumulo na ang luha ko hindi parin binubuksan ni elmo ang pinto, pero katok parin ako nang katok, dahil alam ko na gising pa siya, dahil naka bukas pa ang ilaw niya. "Sino ba yan!", ang pag tanong ni Elmo ay parang na inis na siya. Binuksan niya ang pinto, "O, Julie Anne, bakit ka umiiyak? Anong nangyari sayo?", ang sweet nang pag tanong niya, hindi ako maka salita naka tulala ako sa kanya, hay nako Julie Anne, tama na yan, matutunaw na si Elmo. "Alam, ko na, natatakot ka noh? Sabi ko naman sayo eh. Halika, pasok.", Ang sweet ha! Lumakad si Elmo papunta sa kama niya, nag hulog siya nang isang unan sa sahig, at  humiga na siya sa kama niya.

Ano ba yan? Ayan na nga ang Elmo na kilala ko, ano toh? Sa sahig ako matutulog? Pambihirang lalaki toh, nakaka turn off ka naman, ang ibang lalaki ibibigay ang kami sa babae. So, wala akong choice kung di, humiga nalang sa sahig, ang tigas at ang lamig lamig pa, hindi man lang nag bigay nang kumot. Hindi ako maka tulog, so bumangon ako, at sumilip ako sa kanya, pinagmamasdan ko ang maputi nyang mukas, at ang gwapo parin niya, kahit may pagka walang hiya rin siya. Siguro tulog na siya. Nilagay ko ang kamay ko sa may kama niya at pinatong ko ang ulo ko sa kamay ko, tinititigan parin siya.

(MUSIC PLAYING: I'VE FALLEN FOR YOU BY: TONI GONZAGA)



Huminga ako nang malalim at sinabi ko sa kanya na, "Hay, Elmo, kung alam mo lang na mahal kita, hindi na ako maghihirap nang ganito, dahil hindi mo na alam na nag mumukang tanga na ako sa harap mo, para mapansin mo ako for 5 years. Na aalala mo ba ung sinabi ko sayo sa park kanina, ung tungkol dun sa song? Oo, ginawa ko yang song sa twing iniignore mo ako, at sa tuwing naiinis ka sa akin, lahat nang feelings ko sayo ay sinusulan ko sa isang kanta, na sana balang araw, marinig mo lahat nang sinulat ko. At, ito ang pinaka best day ko sa buong buhay ko, dahil, ngayong araw na ito, napansin ako nang crush ko. Nerd nga ako, pero pag dating sa love, hindi. Alam ko na hindi mo toh naririnig ngayon, ewan ko ba, parang gusto ko lang sabihin sayo lahat nang nararamdaman ko para sayo.", hinawakan ko ang pisngi niya at sinabi ko, "Sa tuwing nakikita kita, lumalakas ang tibok nang puso ko, pero ngayon, na magkasama tayo sa isang bahay, halos sasabog na yung puso ko, at wala na akong malalagyan ng kaligayahan ko. Sana balang araw makita mo ako, nang ako, ung hindi bilang nerd. alam ko na hindi ako ung tao na type mo,ewan ko ba, parang....", tumulo na ang luha ko nang tuloy tuloy, at dinuktongan ko ang sinabi ko sa kanya, ".....ako mismo ang nagpapahirap sa sarili ko. Alam ko naman na ayaw mo sa akin, eh. Pero palagi kong tinutulak ang sarili ko na mahalin ka, kahit maging friend mo man lang, kahit tulungan ka na, mahanap ang true love mo sa buhay, tulungan ka na yayain mo maging girl friend ang mahal mo, kahit nasasaktan ako, kakayanin ko, dahil mahal kita eh. Pero pag may girlfriend ka na, wag mo akong kalimutan, dahil hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko. Hay nako! Bakit ba ako umiiyak?", tumungo ako, at sa sobrang iyak ko, naka tulog ako na naka lagay ang ulo ko sa kama ni Elmo.

The Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon