Chapter 4

580 12 0
                                    

Elmo Magalona's Point of View

(MUSIC PLAYING: I'VE FALLEN FOR YOU BY: TONI GONZAGA)

Bakit kaya hindi ako maka tulog? Dahil ba na may kasama ako sa kwarto ko, at babae pa siya? Parang gumalaw nang unti ang kama ko at, may narinig akong boses na parang may sinasabi siya sa akin, kaya nag panggap ako na tulog ako, nakinig ako kay Julie Anne, sa mga sinasabi niya, "Hay Elmo, kung alam mo lang na mahal kita, hindi na ako maghihirap nang ganito, dahil hindi mo na alam na nagmumukang tanga na ako sa harap mo, para mapansin mo ako for 5 years. Na aalala mo ba yung sinabi ko sayo kanina sa park, yung tungkol dun sa song?, oo, ginawa ko yung song sa tuwing iniignore mo ako at sa tuwing naiinis ka sa akin, lahat nang feelings ko sayo, ay sinusulat ko sa isang kanta, na sana balang araw marinig mo lahat nang sinulat ko. At ito ang pinaka best day ko sa buong buhay ko, dahil ngayong araw na ito, napansin na ako nang crush ko. Nerd nga ako, pero pagdating sa love hindi. alam ko na hindi mo toh naririnig ngayon, ewan ko ba parang gusto ko lang sabihin sayo lahat nang nararamdaman ko para sayo.", ano, ako ung crush niya? so, nag panggap ako na tulog pa, at pinakinggan ko pa siya, baka kasi may iba pa siyang sasabihin, at pagkatapos nang ilang seconds, hinawakan niya ang pisngi ko, ang lamig nang kamay niya, nag sisisi ako na pina higa ko siya sa sahig na walang latag at walang kumot, at sabi niya na, "Sa tuwing nakikita kita, lumalakas ang tibok nang puso ko, pero ngayon na magkasama tayo sa isang bahay, halos sasabog na ang puso ko, at wala na akong malagyan ng kaligayahan ko. Sana balang araw makita mo ako, nang ako, at hindi bilang nerd. Alam ko na hindi ako yung tao, na type mo, ewan ko ba parang....", at may naramdaman ako na may tumulo sa pisngi ko, at nabosesan ko na umiiyak na siya, ganyan ba ka lalim ang pag mamahal niya sa akin, samantalang ako, sinisigawan at sinusungitan ko siya. Nako Elmo, madami kang atraso kay Julie Anne, ilang beses mo na palang napa iyak yan. Dapat ko na yatang suklian ang binigay niyang pagmamahal sa akin, at sa tingin ko, mabait siya, at maganda siya, at magaling siyang kumanta, hindi ko siya nakikita bilang nerd, nako, ano ba tong nararamdaman ko ngayon. Elmo, mahal mo na ba si Julie Anne?, may sinabi pa siyang iba, "......ako mismo ang nagpapahirap sa sarili ko. Alam ko naman na ayaw mo sa akin eh. Pero palagi kong tinutulak ang sarili ko na mahalin ka, kahit, maging friend mo man lang, kahit tulungan ka na mahanap mo ang true love mo sa buhay, tulungan ka na yayain mo maging girl friend moang mahal mo, kahit nasasaktan ako, kakayanin ko, dahil mahal kita eh. Pero pag may girl friend ka na, wag mo akong kalimutan, dahil hindi ko kaya na mawala ka sa buhay ko. Hay nako! Bakit ba ako umiiyak?". So, pinalipas ko muna nang 2 munites, at dumilat ako, nakita ko siya na mahimbing na ang tulog niya, kaya bumaba ako sa kama at, binuhat ko siya at nilagay ko siya sa kama ko, tutal malaki naman ang kama ko, at kinumutan ko siya. Humiga ako sa tabi niyia at nag share kami sa isang kumot, dream come true toh, para kay Julie Anne. Mahal ko na yata si Julie Anne, pero, kikilalanin ko muna siya nang mabuti, bago ko siya yayain maging girl friend ko. So, punukit ko ang mga mata ko at naka tulog ako.

Kinabukasan, nauna akong gumising sa kanya, mga 5:30 ako nagising, hindi ko siya ginising, dahil 8 pa naman ang pasukan namin eh, kaya nakahiga lang ako at tinititigan ko siya habang natutulog siya, ang ganda niya talaga, grabe! Elmo, bakit ngayon mo lang siya napansin? O ngayon ko lang napansin ang kagandahan niya. Nakasuot pa ung malaki niyang salamin na yellow sa mata niya, kaya tinanggal ko nang dahan dahan, dahil ayoko siya magising. Pagka 6, nagising na siya.

The Secret Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon