CHAPTER4: Meet The Boy

47 3 9
                                    

Third person POV

"Lach anak, baba na kakain na tayo!" sigaw ng kanyang nanay na si Melissa Rivera

Dali dali namang bumaba ang binata na may ngiti sa labi, lumapit ito sa kanyang nanay at hinalikan ito sa pisngi.

"morning nay, kain na!" masiglang pumunta sa hapag kainan

"kuya, naman ehh!" pagmamaktol ng bunso nitong kapatid, hinawakan kasi ng binata ang mukha ng nakakabatang kapatid

"arte!" natatawang sabi nito at tumabi sa bunsong kapatid.

"Kuya Sam si kuya lach oh" sumbong ng nakakabatang kapatid, dahil sa walang tigil niyang kinukulit ang nakaka batang kapatid

"Huy, Lach tigilan mo na yang kapatid mo pumapangit na ohh, hahaha!" sambit ng kanilang mas nakakatandang kapatid na si SAM RIVERA.

"Kuyaaaa!" sigaw naman ng bunso nila na si MIKA RIVERA.

"Hoy, hoy, hoy, ang gugulo niyo ahh" sita naman ng ikalawa sa kanilang magkakapatid na si ANDY RIVERA.

"Mika anak tawagin mo na si tatay at kakain na tayo" utos ng kanilang nanay, dali dali naman itong sinunod ng bunso nila

"Ok we're complete na let's eat!" sigaw ni mika. Naka upo na sila at kumakain na.

"mika balita ko may crush ka ahh" pilyong sabi ng binata sa katabi nitong bunsong kapatid niya

"Kuyaaaa! Tay oh si kuya" sumbong ng nakakabatang kapatid nila

"Yaan niyo na nag dadalaga na yan" sambit ng kanilang tatay na si SIMON RIVERA

Dahil sa naging reaction ng bunsong kapatid nila at naging sagot ng tatay ay nag tawanan silang lahat

LACHLAN RIVERA is a boy with full of love.

LACHLAN POV

"mika haha. Wag kana umasa dun, hindi ka niya crush hahaha" tawanan ulit kami, ang sarap kasi lokohin ni mika ehh, kantyawan naman sila ate at kuya hahaha

"Bakit may sinabi ba akong crush niya ako?" mataray na sagot ni mika, ginulo ko tuloy buhok niya 8 years old palang eh may crush na hanep tong bunso namin ahh.

"tama na yan, nasasaktan na yan" gatong pa ni ate andy tawanan ulit kami, nakakatuwa kasi yung itsura ni mika haha

"wag niyo ngang inaasar si mika" kunwaring pag tatanggol ko kay mika, nag enlighten naman yung mukha niya. Pero mamaya pa ay natawa nanaman kami nila kuya

"Hate ko na kayo kuya at ate" pagtatampo ni mika

"Joke lang to naman" sambit ko at mahina ko siyang siniko.

"oo na" sambit ni mika at sumubo ng pag kain ganun din naman ako

Kagabi ko pang pinag iisipang pumunta sa beach, kaso hindi pa ako nakakapag paalam

Gusto ko ng refreshment tsaka para maka pag relax na rin. Medyo lumalabas narin kasi mga pantal ko kaya habang onti palang at hindi pa halata masyado ilalabas ko muna sila, kasi pag nahalata na sila hindi na ako makaka labas

Tska namiss kong mag firing, may firing field din kasi dun.

"nay, tay, punta po kong beach ngayon, kung papayagan niyo po ako" sambit ko sabay subo, sila nanay at tatay naman nag katinginan

"ahmm, ok lang naman po kung hindi kayo pumayag ehh" pero sana talaga pumayag sila na miss ko narin kasi yung beach na yun ehh

"sige utol, punta kana" si kuya sam na yung sumagot, napa ngiti naman ako ng malapad dun pero ang final decision parin ay kila nanay  at tatay

You're My CureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon